biglaan
Friday, July 15, 2011
minsan madalas e wala namang pinupuntahan. minsan nga daig pa natin ang magkasintahan.
online journal ng isang unusual commoner
minsan madalas e wala namang pinupuntahan. minsan nga daig pa natin ang magkasintahan.
she called last night. she said she's pregnant.
i did not say anything. there was silence.
"sana ikaw na lang," she uttered sobbingly.
"it has already been two years." i answered back unfazed.
there was silence again, but longer this time.
"sorry. i do not intend to bother you. it's just that.."
"i do not really have the time now. i'm sorry." i disrupted.
"please?"
i know she was already crying heavily. she badly needed someone to talk to. there was something inside my chest telling me to console her, assure her that everything's gonna be okay.
"i'm sorry." i said bluntly.
silence rose again.
"i understand." she answered.
i hung up the line. i stared blankly at the ring on my finger. i wondered if she still has the other half. something inside does not feel right, like i had just received a sharp blow. ah, what might have been...
four years ago...
hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko noon at naisipan kong mag-aral tumugtog ng gitara. ang gusto ko lang naman talaga e mapalapit sa’yo. sabi mo kasi okay sa'yo yung mga marunong tumugtog ng gitara. kaya ayun, kahit wala akong hilig sa musika pinilit ko pa ring matuto para sa’yo.
after ilang months natuto din ako. pinag-aralan kong tugtugin yung mga favorite songs mo. nung isang beses nga na nag-jamming tayo, ako yung naggi-gitara tapos ikaw yung kumakanta. at anak ng tinola... sumablay ako! nakalimutan ko yung susunod na kwerdas dahil sa sobrang kaba.
bigla mong hinawakan ang kamay ko at tinulungan akong itipa yung susunod na chord. hindi na ako nakapagsalita at napatungo na lamang sa sobrang kahihiyan. pero kahit napahiya ako sa'yo masaya pa rin ako. yun kasi ang unang pagkakataon na hinawakan mo ang kamay ko.
kapag break time madalas tayong nagkikita sa utmt sa loob ng university. doon ka madalas nagpapalipas ng oras noon kasama ang mga kaibigan mo. pagkatapos kong kumain, doon na rin agad ako dumidiretso. nakikitambay pero hindi naman tayo nagkikibuan. nakakatawa pero kahit hindi mo ako kinakausap, kuntento na ako na mapagmasdan ka habang kumakanta kasabay ng romantikong musika ng iyong gitara.
noon, naisip ko na sana ako na lang ang naging gitara. madalas mong kasama, madalas mong ka-jamming, at madalas mong nabibigyan ng atensyon at pag-aalaga.
happy ending pa rin naman kahit hindi naging tayo. next month ikakasal ka na. at masaya ako para sa'yo. magkakaron ka na ng sarili mong pamilya. at tulad din ng sinabi sa commercial ng mcdo, anu't ano pa man, ikaw pa rin ang first love ko.
hindi man ako ang naging iyong gitara, para sa kin ikaw pa rin ang aking matamis na musika.
hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ni ex. kung sa bagay, kelan nga naman ba gumanda ang istorya ng hiwalayan?
maganda si ex. sexy. campus figure nung college days. at one of the faces-to-look-at-everyday sa company kung saan ko sya nakilala. in short, gf material. naging kami for eight months. matapos yan ng isang taong pagliligawan. 'langya, mas matagal ko pa syang sinuyo kesa sa panahong naging kami.
masasabi kong hindi ordinaryong babae si ex. hiwalay na ang mga magulang nya. ang daddy nya may bago ng pamilya. samantalang ang mommy nya naman nasa ibang bansa, nagta-trabaho. kaya bilang panganay sa kanilang apat na magkakapatid, sya ang ate, tatay at nanay sa kanila.
maraming ups and downs nang maging kami. nandyan ang mga moments ng lambingan tapos awayan, at hindi mabilang na suyuan pagkatapos ng dedmahan. parang roller coaster ride. pero masasabi kong pareho kaming masaya. "weird," ika nga ni jo.
kung gaano karaming beses na nasabi ko sa kanyang "i'm sorry. i am not a perfect boyfriend. but i'm trying to be." ganun din karaming beses syang sumagot ng "please don't. because i am not a perfect girlfriend either."
things never went complicated between the two of us. pero sabi nga, if things cannot go wrong, then it will go badly.
one day, we had an argument. ayoko ng gusto nya at gusto nya ng ayoko. a week passed and we both kept our false tranquility. it was just a simple misunderstanding. well, at least for me. our friends say it's vanity. and i realized it was. but the realization was too late.most women, are by nature, weak. kelangan nya daw ng kausap that time. someone to cry on. someone to soothe her, console her. and so one of the devil's apostles ascended from hell to do the job.
she went out with her sick-fuckin'-shit, tight-ass, shoulder-rubber boss. (of course i'm not overdressing the description. *sigh* it's a known fact in the company na lahat ng mga naging staff nun, dumaan sa mga kamay nya.) akala ko iba si ex. the boss was 42, married (pero hiwalay sa asawa) at may tatlong anak. yung panganay was already at college. pero sabi nga, ang lalaking matulis, mananatiling matulis. fuck. and so they went out together. and they made out.
i am not stupid to not know. at hindi rin ako bato para hindi makaramdam ng kahit ano. as in tang'na. tumagos sa buto. low blow eh. i quit my job kahit na alam kong i'll be losing a lot in that decision. (i am already at the losing end in any way, so why bother?)
we talked of course before we parted. she plead her guilt. and i rest my case. she said sorry. i turned my back and walked away. i told you i am not stupid. i never asked her why.
more than a year had passed. i found a new job and never heard anything from her since then. but i had been receiving messages from some friends and former officemates. nakikiusyoso. yung iba nakikiramay. hahaha. they'd been seeing my ex and her boss going out. "perhaps they really love each other. let's give them the repose they both deserve," was always my invariable response.
more than a year had passed. maraming nangyari. maraming nagbago. pero sabi nga sa isang kanta, "our roads are gonna cross again... somewhere down the road..." God, indeed, likes to watch. Sometimes, it makes me wonder if He really is a prankster.
december 27, 2008. i was in a resort in batangas and enjoying the year-end vacation. i was about to have my dinner in one of the grills there when i saw her.
of course, i couldn't believe at first. i thought someone's playing another practical joke on me. but it was really her. she was alone, sipping a tea and enjoying herself with a plate of baklava. that was her favorite. she never really changed.
i realized it wasn't a joke by any means. just small world.
my eyes told me she's still pretty and her form did not change a bit. i approached her and, as expected, she was surprised taken aback to see me. her face turned pale as if a vampire just sucked all her blood.
i said hi. a fair, plain greeting to start out a conversation with an ex-lover. hehe. we shared table and so everything went on. kamustahan. kwentuhan. but we never talked about us. the encounter was formal and sometimes blank, yet ironically, in some ways soothing.
we slept together and that night wasn't futile nor prosaic. she asked me if i missed her. i said never, not a single time. she just leaned over and smiled.
they say all women are weak, vulnerable. if not, at least she is.
SHy asked me yesterday to post this one. sabi ko ayoko. pero dahil sa libreng brownies, 'eto na. *wink*
she is a 24-year old copywriter. he is an architect. they met and became lovers in college. they broke up last year but remained to be "friends." they send sweet text messages and he calls her often to make sure she's okay. they still date. they still have sex. they don't see anyone else. it is obvious that they still love each other but when asked about their situation, she doesn't know the real score. even her friends are in the dark. "parang sila, pero hindi."
she works in a telecom. he is reviewing for the board. they are in the same barkada. they talk on the phone till 4 am. he gives her chocolates, flowers and cds even when there is no occasion. their friends are suspecting something. bakit sila nagsosolo kapag may overnight inuman? why does he hold her close on the dance floor? bakit sila magkaholding hands lagi? sila kaya? "he hasn't admitted anything," she rants. "but i let him hug and kiss me. parang kami, pero hindi."
they work together in an ad agency. after office, they would watch movie, have dinner and stroll at glorietta. she gave him harry potter books for his birthday in exchange for posing as her boyfriend to make an ex jealous. they made out during the company outing in subic and never talked about it. he said "i love you" once but she wasn't sure if she heard him correctly because they were both drunk then. but one thing she is sure of is her feelings for him. she likes him. and she's assuming that with what he's doing to her and with her, he likes her, too. there's just one hitch: he has a girlfriend!
she is a 28-year-old virgin. he's a 35-year-old bachelor. both mountaineers, they became close during their climbs. after a few dates in posh restaurants, he brings her to his condo where they would make out. they have been doing this for months. she wants to believe that "sila na" but then she's not really sure about it. "we don't talk about it but it doesn't really matter," she'd tell her friends. "what's important is i am enjoying this -- whatever it is."
the "parang kayo, pero hindi" stage. others call it mu or mutual understanding. pseudo-relationships. pseudo- boyfriends. flings. almost like a relationship, but not quite. it is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers. puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. one or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. you just let your gestures do the talking for you. walang pormal na ligawan na nangyari. hindi kayo mag-dyowa. pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi. this kind of "relationship" can happen at different stages for different reasons. it can happen after a break-up. you still love each other, and you want to be with each other but you broke up for a reason. and for reasons that you alone know, ayaw niyo na muna magkabalikan.
it can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. testing lang. puwede ring hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo -- usually the guy -- may ka-relasyon na. kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa girl (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa), wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangagaliwa kasi "hindi naman kayo."
this pseudo-relationship stage, for a time, can be fun. lalo na kung naghahanap ka lang naman ng "kalaro." pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan.
so bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan?
iba't ibang dahilan. puwedeng for fun lang. puwedeng "buti na iyan kesa wala" or puwede na iyang "pantawid-gutom." meaning, habang wala pa iyong the real thing, doon muna sa kunwa-kunwarian. for those who are not in a serious relationship, they would think that pseudo-relationship is better than no relationship at all. it would be fun, if all you are after for is that "kilig" feeling.
aminado naman ako na once upon a time, may mga pseudo-relationships din ako. no commitments involved. for the simplest reason that they couldn't commit, because they were either committed to someone else, or that they weren't ready to commit. my rationalization, "okay na iyun, kesa wala." ang habol ko lang naman, iyong kilig feeling. iyong merong nagtatanong kung kumusta araw ko. iyong merong ka-cuddle sa beach outing. iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti na ako dahil alam kong galing sa kanya ang message. iyong merong laging kasama. habang wala pa ang the real thing, puwede na itong pagtiyagaan. but then i learned that although it was only a pseudo-relationship, the emotions were real. and usually, in this kind of set up, ang babae lagi ang lugi.
una, you can't ask him to commit. since it's not really a relationship, you can't demand commitment from your partner. ano ba kayo? may K ka nga ba magpasundo ng hatinggabi? you will always be uncertain about your role in his life. you can't expect him to be always there with you. and if you feel jealous of the other girls, you just have to keep it to yourself. ano ka ba niya para magselos?
pangalawa, what if you fall deeply in love with him? you can't be sure if he feels the same way. baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya. even if you are dying to tell him you love him, you can't. because you're not sure if he'll like it. baka mapahiya ka lang. this stage will always make you wonder where you are in the relationship. or if there is a relationship at all.
pangatlo, what if you become attached too much? what if you have invested all your emotions and this man hasn't? what if you remain faithful to him, not entertaining other guys, only to find out that he is seeing other girls? isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. when a disagreement sets in, or when one of you gets cold, then that would be the end of it. unlike in a serious relationship, hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship. wala kang pinanghahawakan. kasi sa pseudo-relationship, there is no "us." meron lang "you and me," hindi "us."
buti sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. kaso, hindi eh. real pain. and usually, kahit tapos na ang pseudo-relationship, hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin iyon. and you will be miserable, hoping to bring back what you used to have, only to find out eventually that the guy is in another pseudo-relationship with somebody else. ang hirap, ano? you agreed to this kind of set up for fun and then you'd end up hurting yourself in the process.
pero puwede naman maiwasan ang pain eh. puwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, without thinking of the consequences. but if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. you can be happy and live the moment without worrying what would happen next. or you can stop settling with pseudo-relationships and wait for the real thing.
when i was younger and in a pseudo-relationship with an unavailable someone, a friend told me, "sige, kung ayaw mong magpapigil, bahala ka. magpakasaya ka. pero huwag kang iiyak-iyak pagkatapos, dahil tatadyakan kita."
ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo. ihanda mo lang ang sarili mo sa consequence. dahil ang "parang kayo pero hindi" stage ay bihirang nagiging totoo. usually, hanggang doon lang siya ...almost, but not quite.
unang beses pa lang kitang nakita tinamaan na ako sa ‘yo. walastik may chuvachuchu kaagad. parang lucky me pansit canton. instant! kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. nilapitan agad kita sabay banat ng “hi, miss. naniniwala ka ba sa love at first sight?” hindi mo naman ako sinoplak. in fact, napangiti pa nga kita.
dahil less than one percent lang naman ang katorpehan ko sa katawan, walang araw na lumipas na hindi kita hinatiran ng merienda with matching roses pa. nung minsang magkita tayo sa swiping terminal sabi mo sa ‘kin napaka-thoughtful ko. uy! kahit hindi ako kumakain ng gulay na hinaluan ng knorr ginisa flavor mix, biglang napuno ng kulay ang black and white kong mundo. daig ko pa ang nanalo sa lotto.
bigla akong na-inspire. lalong lumakas ang loob ko na para bang nakakain ako ng isang libo’t isang balot. napa-i love you tuloy ako dahil sa sobrang pagka-carried away. ahahahay. ano ba yan? ako nga ba’y inlab at puso ko’y tuluyan mo ng nabihag? (siyet. ako ba ito?)
mr. kupido ako nama’y tulungan mo
bakit di panain ang kanyang damdamin
at nang ako ay mapansin.
mr. kupido sa kanya’y dead na dead ako
wag mo ng tagalan
ang paghihirap ng puso ko.
"heto ka na naman. kumakatok sa king pintuan. muling naghahanap ng makakausap. at heto naman ako. nakikinig sa mga kuwento mong paulit-ulit lang. nagtitiis kahit nasasaktan."
bakit ba kasi kinausap pa kita. alam ko naman na iba na ang mundo mo ngayon. hindi na ako ang iyong anghel na palaging nakabantay at umaalalay sa 'yo. hindi na ako ang iyong anghel na palagi mong kasama at kakwentuhan. bakit ba kasi kinausap pa kita? nagulo lang tuloy ang masaya na sana't makulay kong mundo.
"ewan kung bakit ba. hindi ka ba nadadala? hindi ba kailan lang nang ika'y iwanan niya? at ewan ko nga sa 'yo. parang balewala ang puso ko. ano nga bang meron sya na sa akin ay 'di mo makita?"
naaalala ko pa nung highschool pa lang tayo. sabi mo noon ako ang gusto mong makasama. sabi mo noon, ako ang anghel de la guardia mo. pero bigla kang lumayo. umiwas ka ng walang pasabi. hindi ko maiwasang hindi magtanong. bakit? hindi ko maiwasang hindi manghinayang sa naputol nating samahan. hindi ko maiwasang hindi masaktan.
"kung ako na lang sana ang 'yong minahal 'di ka na muling mag-iisa. kung ako na lang sana ang 'yong minahal 'di ka na muling luluha pa. 'di ka na mangangailangan pang humanap ng iba. narito ang puso ko naghihintay lamang sa 'yo. kung ako na lang sana..."
isang araw, nakita ko kayo ng bago mong binabantayan. masakit man, kailangang tanggapin. hanggang doon na lamang nga siguro ang papel ko sa 'yo. may nakita ka ng bagong anghel. bagong anghel na makakasama at mamahalin mo. bagong anghel na magbabantay sa 'yo. siyang anghel na pinangarap kong maging papel noon sa buhay mo.
"heto pa rin ako. umaasang ang puso mo baka sakali pang ito'y magbago. narito lang ako. kasama mo buong buhay mo. ang kulang na lang mahalin mo rin ako'ng lubusan..."
hindi ko na hinihiling pa na ibalik natin ang noon. ang dami ng nagbago. hindi na nga ako ang anghel na sinasabi mo. pero ganun pa man, hindi naman magbabago ang pagtingin ko sa 'yo. ikaw pa rin ang kababatang malapit sa puso ko. pero sa pagkakataong ito, maaari bang ikaw naman ang maging bantay namin ng "mahal" ko?