anghel de la guardia

Thursday, August 21, 2008

"heto ka na naman. kumakatok sa king pintuan. muling naghahanap ng makakausap. at heto naman ako. nakikinig sa mga kuwento mong paulit-ulit lang. nagtitiis kahit nasasaktan."

bakit ba kasi kinausap pa kita. alam ko naman na iba na ang mundo mo ngayon. hindi na ako ang iyong anghel na palaging nakabantay at umaalalay sa 'yo. hindi na ako ang iyong anghel na palagi mong kasama at kakwentuhan. bakit ba kasi kinausap pa kita? nagulo lang tuloy ang masaya na sana't makulay kong mundo.

"ewan kung bakit ba. hindi ka ba nadadala? hindi ba kailan lang nang ika'y iwanan niya? at ewan ko nga sa 'yo. parang balewala ang puso ko. ano nga bang meron sya na sa akin ay 'di mo makita?"

naaalala ko pa nung highschool pa lang tayo. sabi mo noon ako ang gusto mong makasama. sabi mo noon, ako ang anghel de la guardia mo. pero bigla kang lumayo. umiwas ka ng walang pasabi. hindi ko maiwasang hindi magtanong. bakit? hindi ko maiwasang hindi manghinayang sa naputol nating samahan. hindi ko maiwasang hindi masaktan.

"kung ako na lang sana ang 'yong minahal 'di ka na muling mag-iisa. kung ako na lang sana ang 'yong minahal 'di ka na muling luluha pa. 'di ka na mangangailangan pang humanap ng iba. narito ang puso ko naghihintay lamang sa 'yo. kung ako na lang sana..."

isang araw, nakita ko kayo ng bago mong binabantayan. masakit man, kailangang tanggapin. hanggang doon na lamang nga siguro ang papel ko sa 'yo. may nakita ka ng bagong anghel. bagong anghel na makakasama at mamahalin mo. bagong anghel na magbabantay sa 'yo. siyang anghel na pinangarap kong maging papel noon sa buhay mo.

"heto pa rin ako. umaasang ang puso mo baka sakali pang ito'y magbago. narito lang ako. kasama mo buong buhay mo. ang kulang na lang mahalin mo rin ako'ng lubusan..."

hindi ko na hinihiling pa na ibalik natin ang noon. ang dami ng nagbago. hindi na nga ako ang anghel na sinasabi mo. pero ganun pa man, hindi naman magbabago ang pagtingin ko sa 'yo. ikaw pa rin ang kababatang malapit sa puso ko. pero sa pagkakataong ito, maaari bang ikaw naman ang maging bantay namin ng "mahal" ko?

30 comments:

Chyng said...

im here! but im not really back! dumadalaw lang sa isang Kabute!

Lance said...

makes me think of my friend, his name is Angel.. tsk tsk tsk

Myk2ts said...

awww.

hirap maging angel.
cryer post. napa-emo ako.

bagay yung song na "in the arms of the angel"

chezza said...

Be the "guardian" to your "angel" coz she won't forsake you ;)

bloom said...

*kanta mode* NARITO ANG PUSO KO.. NAGHIHINTAY LAMAN SAYOOOOOOOO. hahaha. ang dami namang sawi sa pagibig! anuuu beeehr?

Dudong said...

ganun biglang lumayo...magandang kanta rin para sayu... "how could an angel break my heart"... lalalala...yan last song syndrome...

UtakMunggo said...

aray. sakit naman nung last line.

-=May=- said...

aaaawww.. may anghel ka na rin palang bago... :) sad sad but happy in the end... ganda ng ending ng post mo... just a thought... baka naman nakita nya nakatago un ibang part ng pagka-angel mo... hehe (like buntot probably??) hahaha... joke lang po... nakibasa at dumaan lang... see yah round mr ka bute

dazedblu* said...

ahoy matalinhaga at ma-dramang gunita, hehe :)

RONeiluke, RN said...

hays... kung natutuhhruan lang ang puso, tiyak, ikaw ang pipiliin niya... pero hindi eh...

kaya mo yan. tira tira!

---

wow...meronh ka na din? panoorin mo na..sooooooooobrang lupit!

Love said...

awts..
parang emote na emote ka..
pakanta-kanta lng.. pero ganda ng pagkagawa nung post...hehe

-mOlit- said...

outch!.... oh bakit! tanong ko sayo oh bakit?..hehe...

hahai.. thats life.. kaya mo yan!.. aja!..

emote ka ngayon ah! - pa cheese burger kanaman dyan!!.. burger! burger!...=))


ciao!

Jhamy whoops! said...

awwwwwwwwwww...sad naman neto.. haayy.. thats life..

wag ka nang maging malungkot.. isipin mo na lang na hindi na nya matitikman ang iyung alindog!

ayus! apir!

onatdonuts: "Tirador ng Kaning Lamig" said...

huwaw astig naman to. haha masakit talaga ang ganyan...akala mo yun na...tapos biglang lumayo? mantakin mo yun?!

pero ayos lang yan may anghel na rin pala sa puso mo...at ako'y maligaya sa iyo...isipin mo nalang na parte yan ng pagtanda...dapat ay may matutunan ka ring gintong butil ng aral. peace!

Ely said...

pag-ibig. takot na ako diyan kaya hanggat maari ay iiwasan. Mas masarap at mas masaya pa rin maging SINGLE!!!

prinsesa000 said...

buti na lang walang sound im sure nakaka LSS to! e sa tingin mo ba would you be happier with ur angel or with ur "mahal" now?

canky.is.me said...

naman eh... yan talagang kantang yan?? wahuhuhu........ ok lang yan ka bute.. ang dapat di mo na pinapakinggan yang kantang yan!nakakasira ng bait! hahaha

Rio said...

bakit? hindi ko maiwasang hindi manghinayang sa naputol nating samahan. hindi ko maiwasang hindi masaktan.

>> baka naman nanghinayang din sya, yun nga lang ay baka hangang duon nlang ang kaya nyang ibigay na pagbabantay? o kaya naman ay nararamdaan nya na mas may karapat dapat na magbantay sau ng higit sa kanya...

sonya sonya said...

chakit chakit... kung ganyan na lang ang inaabot mo sa mga girls, bat di ka sumubok ng kakaibang putahe? ehem... ehem.. chekah!

repah said...

kung ako na lng sana...???

Roland said...

haha, emo si ka-bute.

first time to see you putting your "emotions" in writing... awww.

RONeiluke, RN said...

kamusta na? hays... kaya mo yan. ganyan tlaga ang buhay...

.::. Vanny .:. said...

aww.. may bigla akong naalala sa song. :p

anyway.. aja aja! ^__^

Chyng said...

bitchy ng "ikaw naman magbantay samen ng "mahal" ko." ayos! sweet revenge! (--,)

Keitaro Hanazawa said...

Kaya ayoko ng relationships eh. Kasi in the end, magkakasakitan lang kayo. Magdrama daw ba sa comment?

Gusto ko rin ng guardian angel. I want. I want.

Rendezvous said...

Ok ang punching line sa last paragraph! hehe! atleast may "mahal" ka na rin, hindi man siya yun pero malalaman mo rin ang dahilan pagdating ng panahon.

jexamine said...

well look at the bright side, at least you've found sassy girl while I, on the other hand, am still searching for mine.. *sigh*

RONeiluke, RN said...

napanood mo na yung movie?!!! waaaa! ako hindi pa! i bet maganda yun... hays...

i see wla ka pang bagong post. busy? thanks for dropping by again :)

jig said...

naks! nakakapanindig balahibo, kahindik-hindik na tagpo. wahahah. ang galing. lupet! saludo ako sa yo tol
salamat din sa pag dalaw sa aking blog. kahit alam ko nahihirapan ka din dun. ehehe. anyways pwde ba ang isang link exchange jan?