mrt part 2: libre

Friday, August 15, 2008

nag-aabang ako ng tren nang makita ko ang isang lalaking nagbabasa ng Libre. napansin ko na 'sang damukal ang hawak nyang kopya kaya lumapit ako at umepal.

ako: manong, pwede bang makahingi ng isa?

tumingin sa 'kin si manong. parang construction worker ang suot. naka-shorts, tsinelas na goma, at nakapang-basketball na sando.

akala ko sasagutin ako ng "hu u?" pero no response si manong at itinuloy ang pagbabasa.

ako: (dedma si manong kaya lalong umandar ang kaepalan ko) pahingi naman ng isa?

manong: kumuha ka kaya ng sarili mo dun. (sabay turo sa lugar kung saan nakalagay ang mga libreng dyaryo.)

ako: e wala na hong natira eh.

manong: oh, e di wala na kung ganon. ba't hihingin mo 'to e akin 'to?

parang uminit ang dugo ko sa katawan sa sagot ni manong.

ako: ang dami nyo ho kasing kinuha kaya wala ng natira. isang dangkal yata yung kinuha nyo e.

manong: (nairita na ng tuluyan sa pangungulit ko) putang-ina. magbyahe ka kaya ng maaga para makakuha ka ng sa 'yo.

ako: (nairita na rin) e bakit kayo nagmumura? humihingi lang ng kopya e. ang dami-dami nyo kasing kumuha. prang pati ata mga kamag-anak nyo bibigyan nyo.

hindi ako war freak pero pag may mga taong wala sa lugar, pucha, hindi pwedeng hindi ko patulan.

nakatingin na sa 'min yung ibang pasahero na nag-aabang din ng tren. parang mga audience sa mandalay bay at nag-aabang ng pagtunog ng boxing bell bilang hudyat ng round 1.

may lumapit na referee. si manong guard.

guard: mga boss, wag kayo dito mag-away. dun kayo sa baba. ang aga-aga e.

ako: boss, humihingi lang ako ng kopya ng libre. 'sang damukal ang kinuha nitong si manong e. tingnan nyo.

sumegunda yung isang miron na nakiki-usi, "buwaya kasi e."

guard: isa-isa lang kasi ang kuha. akin na yung iba. para lang sa mga pasahero yan.

ako: kitam manong? para lang daw sa pasahero. kayo naman pati buong angkan nyo e kinuhanan nyo ng kopya. wag ganun.

tawanan ang mga usisero.

wala ng nagawa si manong construction worker kundi ibigay ang mga sobrang dyaryo sa gwardya at naglakad na palayo. napahiya ata.

pagdating ko sa opisina, nakita ko si manong sa lobby. sya pala yung magpipintura nung stock room namin. ayun, maghapon akong nagtago sa cubicle. mahirap nang masapak.

29 comments:

Bloom said...

mainit init pa to ah! hahaha. halah ka, ayan tuloy.. minsan talaga may mga nagagawa ang mga tao na wala sa lugar. pero come to think of it, may reason rin naman pala. :) kaya lang, sabi nga diba, THE END DOESN'T JUSTIFY THE MEANS. :)

chezza said...

meron naman palang pagagamitan ung libre eh, at least si manong resourceful...kelangan ka ngang magtago! :)

Anonymous said...

wekwekwek. . .

ismolsworlds pala kayo e...ahaha!

relaks lan din ha, teka, malay mo naman, ipamumudmod nya yun sa stockroom? ahaha!

nga pala,lab da header ha!

Myk2ts said...

dumalaw ako dito para idiliver yung binili mong isangkilongbigas.

pwede ba kita iadd sa links ko?


salamalaykum :)

Anonymous said...

mana ka ba skain? hahaha... nagtataray din oh.lol.

onatdonuts said...

baka naman kailangan yun ni manong para ilatag sa opisina niyo ang mga diyaryo...para di kumalat ang pintura. hahaha

-mOlit- said...

halaka! kailangan mo talagang mag tago!..tsk..tsk..astig ka talaga... i really enjoy reading ur blog.. kaya keep posting! hah... =) wag mag taray!..haha

Jhamy whoops! said...

baka naman gagawin nyang coat para hindi sya malagayan nang pintura sa katawan.. hahahahahaha!!!

hindi ka mahilig makipagaway sa mrt no.. hehehe!! astig ka talaga!! apir!!!

prinsesa000 said...

naku lagot ka! napahiya ung manong dahil sa katarayan mo! kaya naman pala nya kailangan ng dyaryo kasi magpipintura sya e... pero in fairness and damot ni manong isa lang naman ang hinihingi mo di ka pa pinagbigyan.. nice post!

Kape Kanlaon\ said...

wtf!
i agree.. cguro gagamitin nya as something to protect the floor from excess paints...
regalohan mu nalng nang isang dangkal na dyaro..hehehe

Camille said...

hi kabute!! salamat sa pagbisita! o sha.. tinatawag na ko ng nanay ko at kakain na raw.. :) ingat ka lage!

MAY said...

hala ka... hehe.. mamumukhaan ka nun... panu un everyday ka na magtatago nyan? hehe... tpos na ba pinturahan un stock room nyo? :)

Rio said...

hehehe...e bakit kasi hindi used newspaper ang gamitin ni manong e??
magbabasa ba sya ng dyaryo habang nagpipintura?

krykie said...

wahaha

hello (--,

nakakatawa yun wah.

paktay ka kay manong!

ingat LoL.

Anonymous said...

hahaha! natawa ako dun! :) Salamat sa pag bisita sa blog ko! :) daan ka ulet pre ha!

gillboard said...

haha... para sa Libre talaga...

Ely said...

hahaha! galing mo ah! sana inasar mo pa si manong habang nagpipintura...

lucas said...

hahaha! idol na kita! haha! grabe sobrang napahiya si manong..haha! buwakaw kasi eh..hehe!

really funny post! bravo!

sonya sonya said...

masyado yata dinibdib ni manong ang salitang libre. uy salamat sa pagbisita sa aking blog ha :) xoxo

Love said...

ei thanks sa comments...
wla akong makita kung saan pwedeng ipost to weh.. d2 na lng.. ^^,

Dudong said...

ang tapang namn...grabe...naku marame ngang buwaya sa libre...kahit na hindi naman nila magagamit lahat basta libre take advantage...bute hindi mu nakasabay sa elevatro ung manong naku gulpe ka pagnagkataon...hehehe...

pabati: dinaanan mu kasi ako kaya yan daanan din kita...uhm gantihan lang....

ganda ng entries mu....

Roxy said...

Nakuha mo balbon!

cguro para sa mga ka-karpentero yun mga kinuha nyang jaryo eh baka kung nakita ka pagtulungan ka lol.

Nice one! ang tagal mo naman mag update naatat tuloy ako!

:P cheers

canky.is.me said...

hahaha naaaliw ako sayo bang level ang mga experience mo sa mrt.. maaksyon lagi! ndi ako sumasakay don [kc kadurrdurr di ko keri ang dami ng mga otaw..*nagiinarte*], pero kung sakali man sana makasabay kita habang gumagawa ulit ng ganyang mga eksena hahaha.

si manong sugapa sa libre. nde kaya siya natatae ng bongga? at kelangan niya na maraming dyaryo amp

Eyebags said...

sa tingin ko ung diyaryo gagamitin niyan pagpintura..ilalagay sa sahig, para wag matuluan ng paint.ahaha.

aliw etong entry.

jigs said...

grabe di ko akalain ang dami mo palang pans Ka Bute. i was really right about this blog, noon kahit 2 pa lng ang post dami nang nag kokoment until now nag change na ang template mo ayus pa rin. :D keep it up ehehehehe

lucas said...

kamusta na buhay buhay? :)