buhay aplikante

Thursday, July 31, 2008

presenting... mga samu't-saring kakornihan na karaniwang pinagdadaanan ng isang pinoy job-hunter bago maging ganap na empleyado dito sa pinas. (drumroll please.. tentenenen...)

1. gumising ng maaga para makarating ng tama sa oras sa interview (take note, naka-schedule ka ng 8:00 am) pero nang dumating ka, pinaghintay ka muna ng dalawa at kalahating oras bago interbyuhin.

2. magsuot ng formal/business attire kahit na tirik na tirik ang araw. kaya naman pagdating mo sa interview, para kang basang sisiw na binuhusan ng isang baldeng malagkit na pawis. (eeww!)

3. makipagsiksikan sa mrt at makipag-agawan ng kopya ng Libre. (not to mention ang sobrang habang pila bago makaakyat sa station at makakuha ng ticket).

4. sumakay sa ordinary bus ng naka-business attire (with matching necktie pa) habang may dalang folder/envelope. (yung tipong mukha kang ahente ng lupa na 'di naka-quota)

5. at naipit ka pa sa traffic.

6. bumili ng broadsheet tuwing linggo. idagdag na din ang pagbebenta nito kada dalawang buwan sa mga dumadaang magbobote. (at nakipagtalo ka pa kung dadangkalin o kikiluhin yung ibinebenta mong dyaryo)

7. magpa-print ng sampung kopya ng iyong resume.

8. mag-sign up sa jobstreet at jobsdb, at magcheck ng email araw-araw.

9. mag-nobena gabi-gabi at magmakaawa sa Panginoon na sana bigyan ka na ng trabaho.

10. bumili ng librong may temang "How to Pass an Interview?" at ang mga nakasulat dito ang isinasagot mo kapag ini-interview ka.

11. bumili ng city map ng kalakhang maynila na s'ya mong babaunin kapag aalis ka para hindi ka maligaw.

12. dumiretso sa mall pagkatapos ng exams at interview (wala lang, magpapahangin lang), at feeling mo tanggap ka na. pero makalipas ang dalawang linggo, disappointed ka pa rin kasi di pa rin tumatawag yung inapplyan mo.

13. maghanap ng mga agimat at anting-anting sa quiapo na pampaswerte daw sa trabaho.

14. magtirik ng samu't-saring kulay ng kandila sa simbahan at maglakad ng nakaluhod patungo sa pulpito.

15. makipag-plastikan sa mga interviewer (kasama na dito ang pagngiti, pagbati, pagsasabi ng mam at sir, etc. kahit mukha namang alpombra yung kausap mo)

16. maging hambog at mahangin tuwing interview (in short, natututo kang magsinungaling).

17. nagpapanting ang tenga mo sa linyang, "okay, we will evaluate your credentials and give you feedback after a week." at katulad sa #12, dalawang linggo na ang lumilipas wala pa ring tawag para sa 'yo. (naman, asa ka pa)

18. mangarir ng mga essays sa exams.

19. sumakay ng taxi sa makati o ortigas (at nalaman mo na pwede naman palang lakarin yung kumpanyang pupuntahan mo).

20. maparinggan ng mga magulang mo dahil hingi ka na lang ng hingi ng baon sa kanila tuwing may interview ka. at tulad ng dati, uuwi ka na naman sa bahay na wala pa ding trabaho.

mahirap maging aplikante dito sa pinas. kaya kung may trabaho ka na, mas maswerte ka ng di hamak sa mahigit dalawang milyong pilipinong hindi nakakatanggap ng payslip tuwing kinsenas. kaya ipagmalaki at isigaw mo kaibigan, "may trabaho na ako! wohooo!"
[para sa mga aplikante at mga magpagpanggap sa trabaho]

26 comments:

rimewire said...

--

hakhak

pers koment ito

hakhak

akalain mu yun, natawa ako ng sobra sa post na to

hakhak

sige, mag-aapply na rin ako bukas

hakhak

elyens

XXXxx

napunding alitaptap... said...

hmmmmmmm, =p

ako, nagpapanggap na may trabaho. . .haaaaaay,

HR ba? ikaw nga ba yun nagtanong dati sa akin...hmmmm, tiis tiis muna, hehe.

buti ka nga, may pagkukusa.ako, gusto ko, sa aking lumalapit an mga kumpanya, ayan tuloy. . . . wala namang lumalapit.wahahahahha!

nyl said...

hahaha!tumpak ka dyan!hayyyzzz..Pinas nga to!;P

-mOlit- said...

waaaaahhhhhhh.... buti nalang hindi ganun ka trafic dito sa davao....haha...

weeeh!!!"may trabaho na ako! wohooo!"..!!... pak!

Chyng said...

I agree! At sa job offer, malalaman mong MINIMUM lang PALA ANG STARTING MO! WAAPPAAK!!!

Kung isa ka sa nahihirapan gumising ng Lunes ng umaga at makikipagbuno sa edsa at MRT at magrereklamong simula na naman ng isang linggong trabaho, isipin mo nalang na MAS MADAMENG GUSTONG makipagpalit ng pwesto sayo dahil sila walang mahanap na trabaho. Magpasalamat na lang tayo! Cheers! (--,)

Roxy said...

hehe. alpombra ano yuuuuuuuuuuuun????? haha lol

Napadaan lang! :D hop hop hop :P

bloom said...

haha. di pa ko nagaapply eh. di ako makarelate! pero tatandaan ko ton mga to. para pag nagapply na ko, lalagyan ko ng tsek yung mga naranasan ko! haha. :p

anonymously_madz said...

OMG. malapit ko ng maexperience 'to pagnakuha ko na lisensya ko!

TENTAY™ said...

Jusmeyo di ko alam kng matutuwa ako o maiiyak sa post mo, tinamaan ako eh..

TENTAY™ said...

mahal ko naman trabaho ko, pasaway lang... sana... ewan ko di ko masabi ang sinasaloob ko... pero pramis natatakot na ko.

ka bute said...

"welcome on board and challenge your self to the limit." yan normally ang banat ng mga manager dito sa pinas sa first day mo sa trabaho. ikaw naman, dahil excited ka, sympre maniniwala ka. hehehe. di mo alam sa loob-loob nung boss mo, ito ang gusto nyang sabihin: "welcome to hell and don't do anything stupid here, else we'll beat the shit out of you!" hahahaha. (oopps)

prinsesamusang said...

sa tingin ko magastos ang kabibili ng dyaryo pagka matagal hindi nakahanap agad ng trabaho.

Nang Magblog si Winkii said...

hahaha.
nakakatakot tuloy mag-apply. hehe

chezza said...

LOL! na-miss ko tuloy ang Pinas. Wala kc dito yan eh... Dito, bibigyan ka pa ng jobseekers allowance so kahit wala kang job, meron kang moolah :) wala din ditong pila-pila, walang traffic,walang pawis....in other words, Boring +++++!
Salamat sa pagbisita. Add kita, oks?

jOan aka nUdz said...

"welcome to hell and don't do anything stupid here, else we'll beat the shit out of you!" hahahaha. (oopps)

haha..natawa ako sa banat mo...steegg!! tag-hirap tlg sa pinas noh?!trabaho,pana-panahon lang yan..tira-tirah!!! =)

Roland said...

masyadong mataas ang standards ng mga kumpanya dyan sa pinas... buti sana kung malaki ng ipapasahod nila... kaya tuloy i-hindi maiwasan ng iba na makipagsapalaran sa ibang bansa... isa na ako... kaya lang when i look ten years back, wala rin naman nagbago... malaki nga ang sinusuweldo ko dito kaysa nung andjan pa ako, pero nagtaasan din naman ang bilihin... kaya wala rin... sana huminto ang oras o kaya mag-tiktak pabalik.

ROneiluke said...

huhu! nakakarelate tuloy ako...it's been two months and still...PARASite PA RIN! haha! thanks for posting this! nakakatawa! hahaha

bluedreamer27 said...

sinabi mo pa sobrang hirap na kung todo tututlo na ang dugo mo kakahanap ng aaplyan kelan kaya magbabago ang sistema sa pinas

Jhamy whoops! said...

hahahah.. ampness.. buti nalang mabait yung boss ko date at nung nag aapply ako.. tinawagan na ako.. wala nang exam.. walang requirements..to follow na lang.. heheh..

pero infairness tama lahat ng nasa post mo ha.. marami akong nakikitang ganun..

canky.is.me said...

lmao hahaha.. badtrip talaga yung effort na effort ka sa pag-aayos para lang maging presentable tas sasabihin sayo tatawagan ka na lang muahaha. ndi pa naman siya nangyari saken pero diba hahaha.

amp ginawa ko ung 7,8,9, at 13 (nde aq naghanap, may lucky charm lang talaga ko hahaha)

leizlmarie said...

funny but true! nkarelate ako sa iba! hahaha...

duke said...

akchali, naalala ko dati, nagbihis ako, nagpolo, may dalang brown folder.

tatay ko: "o san ka pupunta"
ako: "maghahanap po ng trabaho."

hahaha. parang pelikula ampo!

RONeiluke, RN said...

tambay muna...kamusta na ang buhay buhay? gud afternoon

onatdonuts: "Tirador ng Kaning Lamig" said...

nakakatawa ka naman!

ako kasi gago! may trabaho, nag-resign pa dahil sa putang inang prinsipyo. hehehe

yaan mo makakahanap din tayo ng better na trabaho..ahaha asa pa ako?

naalala ko pa nung kaka-graduate ko palang...na-goyo ako nung inaplayan ko...kala ko ok na yun pala taga-benta lang pala ako ng mga security alarm? hahaha

kaya natin to!

Dhianz said...

natawa akoh sa number 1,2 and 19... hehe... =)