original sin

Monday, July 28, 2008

she undid her top and flung her arms around me. she was sweating and the temptation was pouring over me. at aminin ko man o hindi, masarap.
sa isang resort sa laguna. pagitan ng ala-dos at alas-tres ng madaling araw habang ang lahat ay bagsak na sa kani-kanilang mga higaan matapos ang isang nakalalasing na victory party.

hindi ko namalayan na dalawa na lang pala kaming naiwan sa cottage.

"lakas mo palang uminom. yung mga kasama natin knockout na, ikaw nakatayo pa din." sabi ko sa kanya.

"hindi ah. konti pa lang naiinom ko 'no?"

kahit dilaw ang kulay ng bumbilya sa cottage, kapansin-pansin pa rin ang pamumula ng mukha nya. karamihan sa mga babaeng kakilala ko ganito din ang nagiging hitsura kapag nasasapian ng espiritu ng alak.

"patilaok na ang manok. last round?" inabot ko sa kanya ang isang bote ng beer.

"last round na kaagad? ang hina mo naman."

ngumiti lang ako sabay tungga sa boteng hawak ko.

"do you want to do it?" tanong nya sa 'kin.

"alin?"

masyadong mabilis ang mga naging pangyayari. isang kisapmata lang at naramdaman ko na na magkadikit na ang mga labi naming dalawa. she was kissing me fervently (i think this is more appropriate than say "she was kissing me aggressively.") and i was answering back with my own version of aggression.

ilang minuto din ang lumipas bago bumalik ang tamang katinuan sa 'kin. she was already undoing my buttons when i held her up.

"i'm sorry."

"what?" halatang may halong pagkainis sa boses nya.

"we can't do this."

"why not? don't you like me?"

"you're drunk. we are."

"i told you i'm not. don't be ridiculous. i know you want it too. you're not taken naman, di ba?"

"i am not. but you are."

"so?" nakakunot na ang noo nya na parang sinasabi na napaka-istupido ko.

"so?" ulit ko.

"so what?"

"rob will not forgive us if we let this happen." pinilit kong magpaka-natural sa sagot ko. para akong bata.

she smiled sarcastically. "don't tell me takot ka sa kanya?"

hindi ako sumagot kaagad. inubos ko muna ang natitirang laman ng boteng ipinatong ko sa lamesa. nag-iisip. pilit na humahagilap ng mga salitang pwede kong sabihin.

katahimikan. mahaba. nagsindi sya ng sigarilyo.

"i have several friends too na nagiging wild kapag nakakainom. yung tipong nawawala sa sariling katinuan. parang tayo. funny, isn't it?" natatawa kong sabi sa kanya.

"i'm not drunk, okay? if you don't want to do it, fine. but stop acting like an angel. hindi bagay."

"i know. but at least i'm not acting like a devil."

"so you're telling me na i am the devil here?"

"siguro."

"fuck you."

"thanks."

"how dare you?"

nang ilipat ko ang tingin ko sa kanya i was stunned like a sandbag. pati ang mga langgam na nakikikain ng chicharon sa lamesa, parang tinamaan lahat ng stunning spell ni harry potter.

she undid her top and flung her arms around me. i felt my body trembled.

"now, tell me you don't want me," isang mapang-akit na bulong ang narinig ko mula sa kanya.

damn, she was flawless. her body was soft and smooth. kahit na amoy alak, hindi pa rin nawawala ang bango ng katawan nya.

she was sweating and i felt her tounge licking my neck. it was wet and the temptation was pouring over me. at aminin ko man o hindi, masarap. parang narinig ko ang isang libo't isang demonyo na bumubulong, "wala namang makakaalam nyan kung saka-sakali. saglit lang yan."

tama, saglit lang 'to. pero may isang taong sumagi sa isip ko. isang kababata na itinuturing akong parang isang kapatid.

"i didn't know you're a whore. and i guess your boyfriend doesn't know that too."

walang busina, walang preno. the words came out of my mouth abruptly na para bang hindi sa 'kin nanggaling. she gave me a dagger-like look at natikman ko ang isang mala-incredible hulk na sampal mula sa palad nya na kani-kanina lang ay malisyosong naglalaro sa dibdib ko.

"your boyfriend treats me like a brother. alam mo yun. if you don't want to give yourself some respect, fine. but at least give him some."

tumigil ang mga kulisap sa paligid sa paghuni. parang nakiki-usyoso kung anong mangyayari. nabitin.

"alright. i didn't know you're a god. sayang. you are a good kisser pa naman." kumalas na sya ng tuluyan at naglakad palayo bitbit ang damit nya.

naiwan akong mag-isa sa cottage. kinuha ko ang bote ng beer na dapat sana ay sa kanya. lumipad sa malayo ang utak ko. nag-isip...

si rob, hindi nya na dapat malaman ang mga nangyari. kahit na parang magkapatid pa ang turingan namin sa isa't-isa. nothing had happened in the first place. he loves that girl so much and they're getting married next year.

i felt my stomach jerked... out of intoxication or perhaps out of guilt.

38 comments:

acubepixel said...

wow! bihira na lang ang lalaking katulad mo na nirerespeto ang kaibigan. saludo ako sa'yo! congrats sa blog mo at sana marami pang darating ;)

nyl said...

hmmm..kala ko eto yung mga scene na nababasa ko sa mga pocketbook.hehe!

nice one.;)

canky.is.me said...

ibang klase ka, natuwa naman ako don! hahaha kala q biglang magiging parang xerex na tong blog mo :)) i didn't know may tulad mo pa? haha. i mean, andon na eh, ipit ka na.. but u didn't take advantage of the situation. nice one.;)

Stan™ said...

naks!
akala ko may mangyayare na kung ano!
wholesome pa naman ako!

hehehe...
di ka naman nagsisi?

aheheh.lol.

jexamine said...

oy dude, salamat sa blog visit.. ^_^.. love your mrt entry \m/

Nang Magblog si Winkii said...

pang pocket book ang istorya. xD
hanep naman ang mga karansan mO! hahaha

uyy, pakiboto naman ako sa idol blog.
may link po sa blog ko tungkol dun.

salamat!

Jhamy whoops! said...

wow!!! *clap clap* ang lakas ng self control...uber!! kakaiba ka!! tsk.. galing galing.. kakaimpress ka naman.. kung iba yun, lalo na at palay ang lumalapit.. walang kaibikaibigan.. tsk..

*apirrr!!*

=)

-mOlit- said...

wow.. idol.. super ka... kunti nlang tulad mo sa mundo... hehe... mabuhay ka!!....nice one super!...

thanks nga pala for droping sa blog ko at sa comment na rin.. thanks nang marami hah...

Add kita sa links ko.. add mo rin ako hah...;))...(wink)

Chyng said...

walang malanding babae sa matinong lalake! applause! (--,)

anonymously_madz said...

am so proud of you. =) bihira lang yan. haha. it's not true when they say chivalry is dead. still is alive ... kahit comatose lang iba pero at least meron pa tin. haha. you're very good. really. =) congrattttsss!

prinsesa000 said...

swerte ng magiging gf mo!!!
kasi she will be sure na hindi mo sya lolokohin.. naks!!!

ka bute said...

nakaka-flatter naman yung mga comments nyo mga sisters. =) pero honestly, kung nagkataon na ibang babae un... ewan lang ah.. baka naging ala-xerex na nga siguro yung takbo ng kwento. hehehe.

teka guys, tanong lang. sino-sino ba magkaka-kilala dito in person? naguguluhan ako e. ;)

bloom said...

eep! wahaha. galing naman! :) yan ang lalake. yeeess. haha.

napunding alitaptap... said...

ako, ako, kilala ko silang lahat in person!

tsaring! ahahaha!

hmmmmmmmm, nakakatuwa! pero sa totoo lan, for some reasons, mas magandang malaman yun ni friend, baka naman nagawa na din yun ni girl sa ibang lalaki. . . (ahaha. . .SANA HINDI)

impolite truth is better than a polite lie

di ba di ba di ba? hmmmmmm, pero mahirap yan for you, i know.

o sya sya, pakabait ka lagi!

flyfly!

Aice Nice Concepts said...

true story pala eto (^_^) I thought it was made story ... nalaman ko nalang thru comments (^_^)

nga pala swerte naman maging GF mo counted na ata mga species tulad mo dito sa mundo sana naman dumami kayo

well i think you should tell Rob if he is really a brother to you.. and you treat him as your true friend... kung ganyan lang ang GF niya mas mabuti kung malaman na niya hanggang maaga pa kaysa in the end magsisihan lang... do you know what i mean?

thanks for your comment

ka bute said...

when i decided to write this article, i have two choices. either i pretend to be someone else or magpaka-totoo. i chose the latter. mahirap magpanggap. "impolite truth is better than a polite lie" as napunding alitaptap have commented. =)

rob and his gf were my officemates two months ago. that was before i resigned in the company where the three of us work. i tried to do what i think is right then. but it's easier said than done. how the hell am i going to tell my buddy that his gf is a... i don't know.

dala lang yun siguro ng matinding kalasingan. kahit naman ako nawala din saglit sa katinuan. ;)

Roxy said...

Babaitang whoreta. tsk tsk Hands down to you Ka bute, you made the right choice and you are one hell of a true friend. Cheers to you. :P

ROneiluke said...

the girl's a freaking bitch...i agree that your friend has to know...imagine kung magkatuluyan sila...married...and the girl's acting devil behind your friend's back...too bad...polite truth...props to napunding alitaptap...fly fly!!!

rimewire said...

--


saws

antindi mo pre

hakhak

elyens

XXXxx

rok said...

naku saludo ko sau. ung babae na un di karapat dapat sa kaibigan mo. hmp!

TENTAY™ said...

grabe meron pa palang nageexist na lalaking katulad mo... grabe ang hirap ng effort mo ahh.. to think na kahit ganon si gerl eh flawless at napigilan mo. galing...!!

pero masakit sa puson. pero worth it. tama ginawa mo. grabe. ang swerte ng frend mo. malas nya sa babae. hay.

Damsel in distress no more said...

naman! nabitin kme. hekz ;p *apir mga kulisap*

ka bute said...

ahahaha.. "masakit sa puson. pero worth it."

natawa ako sa comment ni tentay. pero teka, let me clear things out muna. i am no saint. wala sa pangarap ko ang tawaging saint ka bute balang araw. di ko alam kung bakit parang bigla akong sinapian ng kabutihan nung oras na yun.

bottomline: lasing man daw ang matsing, may konsensya pa rin. ;)

anonymously_madz said...

ahahah. =) basta. chivalry is not yet dead! its something to celebrate about. haha. oo ganyan talaga si tentay. laging masakit puson. lalo na sa mga post ko na chapter ng novel ko dati. hay naku. araw araw masakit ang puson!

-- mag-add ka ng CBOX mo para we could drop a message dun. kunin mo na lang link sa page ko. hehe.

Roland said...

kinaya mo yun? tibay... kc kung ako pinatulan ko yun... sinampal ko rin... haha, akala mo kung ano na noh? ... add kita sa link ko.... parehas tau, palaiwas sa tukso!

bluedreamer27 said...

my sis will surely love to read this one mahilig kasi sya sa pocket book novels
i will recommend this to her hehe
ganda po ng contents galing!!
i put your link na pla sa blog roll ko
have a great day and more power

gasti said...

potek! ansakit nga sa puson nyan pre...hanga ako sa ablidad mong mag muscle este self control..

napakabuti mong kaibigan..lagay kita sa link ko. *apir!

Roxy said...

Hindi ko magawang hindi balikan ang blog mo. So, ililink na kita parekoy :P Thank you :D

napunding alitaptap... said...

teka teka, catchy pala yun sinabi kong yun! wahahahhaa!

impolite kasi ako! wahahahhahahha!

hmmmmmmmmm, paano ba, basta, tantyahin mo nalan. tutal, naging mabuting kaibigan ka na din sa kanya, LUBUSIN mo na!

goodboy, apir!

flyfly!

jOan aka nUdz said...

ay,gaganda ng mga quotes mo ka-bute i mean dito sa mga comments mo.. nice one parekoy!!! but link na kita huh,binabalik-balikan ko blog mo. Nga pla, salamat sa pgbisita sa blog ko tsk sa pagcomment na rin..quits na tau! =)

allknowing superboi said...

mabuti kang lalaki. apir tayo sa kabutihan mo. bihira ang ganyan.

chillidobo said...

"masakit sa puson pero worth it"
steeg (utot)

ka bute. ang bute mo talaga (ganun ba yun) wala akong masabi. -apir-

saludo sa yo,
chillidobo

Rio said...

galing mo..bilib ako sau./clap clap clap....
ang swerte ng kaibigan mo sa iyo..isang kang tunay na kaibigan!=)

onatdonuts: "Tirador ng Kaning Lamig" said...

mabuhay ka!

pero alam ko pagtulog mo..naisip mo rin...SAYANG hahaha joke

Myk2ts said...

bow.

pinatunayan mo na hindi lahat ng lalaki ay nadadala sa sus*

mabuhay ka kabute

Love said...

WOW!
that's what i call "YoU're the Man!"

BiLiB ako.. (palakpak)
parang medyo (mga 10%) bumabalik yunng tiwala ko sa mga manlolokong lalaki..

you've shown us that a true MAN could
resist in the middle of a trap.. hehe

mabuhay ka!!
now I'm a fan!
Wohoohh!!!

sana lahat ng lalaki ganyan..
nawa'y maging Ka buteng halimbawa ka sa lahat!!!!!!!! (with matching fire works)

gRace said...

woW!!hanep ah!!hmm Ur 1 of a kind!keep up the good thing..hehehe engat

Dhianz said...

galing magkuwento ahh... parang movie.... eniweiz... kaw ang tinatawag na tunay na kaibigan... =)