sorry miss, pumapatol ako sa babae

Thursday, July 24, 2008

ito ang unang post ko kaya susubukan kong magpakabait kahit konti.

lunes ng umaga, rush hour, sa loob ng animo'y lata ng sardinas na MRT...

nakatayo ako malapit sa pintuan habang pilit na inaabot ng dulo ng aking daliri ang handrail ng tren. isang istasyon na lang at bababa na ako nang biglang nagsalita ang isang babaeng nasa may harapan ko.

babae: excuse me! kanino bang kamay yang nasa likuran ko? kanina pa yan ha. nakakabastos na.

nagtinginan ang lahat ng pasahero sa babaeng nagsalita. pagkatapos ay ibinaling naman nila ang tingin sa 'kin.

pasaherong lalake: o, walang hipuan.

tawanan ang lahat. pati ako.

babae: pucha, mga lalake talaga ngayon ang lilibog. kahit saan na lang... (tapos tingin ng tingin sa 'kin)

ako: (hindi na 'ko nakatiis) e bakit ka tingin ng tingin sa 'kin? feeling mo hihipuan kita? kapal mo naman.

babae: e di ba kamay mo yun? pucha ka. manyak! (halatang nainis)

ako: excuse me? ikaw hihipuan ko? ano ka sinuswerte?

babae: gago!

ako: gaga, sister. pwet mo hahawakan ko? meron din ako nyan. dun ka kaya sa may harapan, nakita mong puro lalake dito e. feeling mo ang ganda-ganda mo. ang itim naman ng batok mo. 'wag ka ng magsalita. hihirit ka pa eh. (in voice tone of a gay)

tawanan ang mga kasama naming pasahero.

ako: "sorry miss, pumapatol ako sa babae. assuming ka kasi e."

ilang saglit pa at tumigil na ang tren sa istasyong bababaan ko. nakangisi pa rin ang mga pasahero habang sinusundan ako ng tingin palabas ng jam-packed na bagon.

40 comments:

bunso said...

sinubukan pero di nagawa..grabe naman un..hehe

well, welcome sa blogspero!

ka bute said...

salamat. mabait na ko sa lagay na yan. *grin*

canky.is.me said...

ok lang yan. kakampi mo ko. may mga babae talagang assumer. nako buti pinagbabawal ang mga lalaki don sa mga pambabae na area.. NDE MO GUGUSTUHIN DON.

anyway, hulaan ko.. yan ba ay matanda na? ung nasa late 40's or early 50's? haha

Jhamy whoops! said...

i lurvee it.. wagi ang pag tataray mo haha.. oo nga naman.. bat naman kase feelingera yang babaeng yan.. mala dyosa ba ang itchura nya para hipuan?

=)

add kita sa link ko oks lang ba?

prinsesa000 said...

natawa ako pero kung ako cguro ung babae mas gugustuhin ko na lang kainin ng riles ng MRT dahil sa pagkapahiya.. hanep sa mga banat! panalo!!!

Chyng said...

haha, panalo ang acting!

for girls kasi, nde ganian ang style, wag magrereact pag di kayang panindigan. dapat ESKANDALO AT ITS BEST!

but not my style: if i were her, hahawakan ko yung kamay na humahawak saken sabay PISIL. lingon sa lalake. pag type: SMILE. else: bulungan ng "LUGE AKO!" (--,)

is that melai? (--,)

allknowing superboi said...

ka bute. :D

welcome blogsphere na term nila na gagamitin ko din for now :D

WINNER ka sister... kahit dama kong hindi ka sister. :D hehehe


naman kasi, kung magfifeeling siya dapat meh karapatan at kung balak niyang mageskandalo eh dapay may proof. panalo lang eh.

may mga babae tlgang joke. sarap batukan.

ka bute said...

mga sisters, tenchu sa comments. mabait naman ako at peaceful na tao. pero pag may nagmamaganda sa paligid, bah... ibang usapan na. hehehe. *wink*

ka bute said...

teka, curious lang ako sa comment ni canky. batit d ko gugustuhin sa pambabae na area sa mrt? anung melon dun? ;)

canky.is.me said...

kasi balahura mga tao don. lalo na ung mga matanda na parang walang pinagtandaan.(?!?) nagaattitude amp. parang dapat pagbigyan mo parati kasi matanda sila. eh nde ako ganon.;p mabait ako sa taong deserving hahaha.

napunding alitaptap... said...

teka, perstaym mo bang magsulat sa blog? 11 comments? ahaha! ayos!

o well, hmmmm, that is what feelingeras get. ahaha!

Roland said...

hehe, honga may train for girls only dba, bakit kung saan puro lalaki dun sumasakay... minsan nakakainis din... ang masama kung sino yung mga "pinagkaitan" ng itsura yun pa ang ubod ng arte.

welcome sa blagosperya!!!

Stan™ said...

ahahaha...

keep writing natawa ako!

ahahaha...lol.



add kita sa links ko ha!

Ely said...

nagmura siya? dapat minura mo din! LOL. nainis din ako sa mga babaeng nakikipagsisiksikan sa mga lalake, may train naman para sa kanila.

Damsel in distress no more said...

Istariray na mushroom.,,nkita ku kea ikaw ung nanghipo haha ;p nice post, mbait kn sa lagay n yn ah hekz

bloom said...

ahaha. natawa naman ako. :)) kairita talaga yung mga ganyan. panira sa kababaihan. nagmumura. shet sha. hahahaha.

Nang Magblog si Winkii said...

pakiboto naman po ako sa idol blog. :)

may link sa blog ko.

salamat pO!!

Claud said...

Ako naman naiinis sa mga tulak ng tulak na mga papasok kahit alam nilang may mga lalabas pa. Tsaka yung mga matatandang naiinis kasi maingay kayo ng mga kaibigan mo. Wala naman kayo sa library.

ka bute said...

ang panghihipo daw ay prang pagnanakaw. pag nahuli ka, ke malaki o maliit yung ninakaw mo pareho lang ang tawag sa 'yo. magnanakaw. kaya kung manghihipo ka, sympre dun ka na sa maganda at may dating. hehehe. kasi pag nahuli ka, pareho lang din tawag sa 'yo. ke panget o hndi yung hinipuan mo, manyak ka sa mata ng mga tao. e joshko yung babae sa mrt, wala na ngang ganda wala pang dating. tapos mambibintang na hinipuan sya. assuming! kapal ng face. hahaha.

Rio said...

madaming salamat sa pagdaan sa aking bahay..
welcome to blogosphere!! enjoy blogging!

duke said...

wohoooo!

tama yan!

madaming ganyan!

mga feelingero/feelingera.

hahahaha!

pen said...

ahahhaha!

ang galeng! ahoo! ahoo!
may coach naman para sa babae e dun pa sumingit sa boys..e baka taktika ni sister..

hehehe!
WRITE. LIVE. LOVE.

anonymously_madz said...

welcome to blogspot!! =) haha. xlink kita hah? love your blog. interesting kahit 2 posts pa lang. haha

napunding alitaptap... said...

at 26 comments na nayun after i click the publish button. . . . . ΓΌ

ahaha!

hmmmm, anyway, hindi ko trip ang HR that5 is why I decided to work on a school setting instead.

psych grad ka ba?

flyfly!

ka bute said...

@napunding alitaptap: yeah yeah... psych din aku. hihihi. really, ur working in a school? anong level? naks! to the highest level ka pala. =)

Roxy said...

eh.. baka naman crush ka! gumawa lang ng paraan para lam mo na.. mapansin mo :D

Salamat sa pagdaan parekoy :D

rok said...

first time sa blogging? wow namn, hanep sa comments!


haha, natawa ko dito. panalo. ang taray!

TENTAY™ said...

panalo ka nanaman. ang taray mo pala eh.

Mahiwagang Sibuyas said...

langya lolololololololol :D

you're the meyn supermeyn! lololol

tama yan. tama yan. tama yan.

sana ipinagduldulan mo din sakania na mas pretty ka sister!
ang lamang lang niya eh may matreeees siya.

lololololol :D

gandarynako said...

ang saya-saya ng post na ito! keep it coming!

UtakMunggo said...

eh bakit naman ikaw ang pinuntirya? kung paguusapan natin ang radius at proximity, san ka ba banda? di mo ba nakita ang tunay na salarin o masikip lang ang panty ni babae at nag-feeling na may humipo sa pwetan niya?

tactile hallucination ang tamang sagot diyan. haha

chillidobo said...

maligayang pagdating sa bagong magpapasaya ng buhay dito sa blogsphere!

jOan aka nUdz said...

sinampal mo sana!! hahahaha!!! =)

leizlmarie said...

action na sana eh naging comedy pa! haha..

sonya sonya said...

ganyan ang nararapt sa mga katulad niyang hitad. sinosopla. hihihi

onatdonuts: "Tirador ng Kaning Lamig" said...

nakakatawa ka na naman...

may mga ganyan talagang babae...assuming hehehe

yung iba naman...nasisikipan...ayaw madikitan? eh siksikan na nga?

anu sila? makinis? malinis? dalisay? maputi ang batok? hahaha

Love said...

hahaha..
tama ung ginawa mo.. pretend ur one of the gurlz ..

kaya lng parang masakityung ibang words na nasabi mo pero anyway, she deserves it nmn.. haha...

taray-tarayan lang ang beauty mo...
hahaha.. i never heard of that before (in real life) ..a man acted like a gay in time of trouble..

very wise move..

(ayan nag-enjoy na tuloy akong mag-comment haha.)

nahj12 said...

hahaha.. nice one.. kasi kasi.. well.. babae din ako.. i know how it feels to be in her shoes.. pero haller.. di man sya sure.. ikaw nasa likod nya.. lalo na siksikan.. normal lang na mabungo pwet nya. .kung siksikan diba..

Dhianz said...

wow.. 'la akong masabi sau... graveh...