That Day We Met

Thursday, March 13, 2014

We met two years ago in possibly one of the most unromantic places to meet – in a job interview. Napagtripan mong maghanap noon ng trabaho. Ako naman, naghahanap ng matinong trabahador (parang construction worker lang). I no longer remember if I shook your hand that time, but I do recall the first question I threw to you, “Ilang taon ka na?” Obviously, because you look like just a kid. (kid talaga?)

Fortunately, you did not make it in the interview. Yes, fortunately. You were qualified, but (we thought) you were too “mabait” for the job. Suwangit daw kasi yung magiging boss mo if ever. But I have a theory. Our boss wanted you to be part of her team from the very beginning, kaya hindi ka nya ipinamigay (ikaw na!). Kaya nga after a couple of days, kasama ka na namin sa Sales. Fortunately. (I guess ‘tadhana’ played her part)

We became colleagues. We work inside the same office 9-10 hours a day. But days pass na hindi tayo nag-uusap. Who knows, baka nga weeks pa eh? Ironically, I was just sitting right in front of you. You were busy doing your thing, and I was busy doing mine. In other words, hindi tayo close. Or I guess the right words should be “never tayo naging close.”

Who would’ve imagined that after two looooong years, we would become like this? I didn’t see it coming. No one did. But as the saying goes, every great love story begins somewhere. And that is how ours have started.  Thanks to Davao. Thanks to our boss. Thanks to Cebu Pacific. Thanks to that taxi driver who drove us to Magsaysay…Park. Lol!

It has already been a year since we decided to try things out and see if they’ll work. A little rough and bumpy some of the time. But I’d still say that those 12 months were still the best 12 months of my life. You are a very caring person and patient with my moods. For that alone, ang swerte-swerte ko na.

Love, I am not good with words. But I only want you to remember one thing: MAHAL KITA. I may not be the sweetest person on earth but I will always be beside you… I will always be right there, falling in love with you each and every day.

Happy anniversary!

With all the love I can muster,


Obi <3

Mendiola

Tuesday, October 9, 2012


"Kailangan ko ba talagang sumama?" tanong ko sa 'yo.

Hila-hila mo na ako bago ka pa man sumagot, "Nasa eskwelahan ang isang estudyante hindi lang para pumasok," giit mo sa akin. "Sabihin mo nga, ikaw, bakit ka ba nandito?" dagdag mo pa.

"Para mag-aral?" sagot ko sa 'yo na parang isang batang nagpapaliwanag ng obvious.

Tumigil ka at humarap sa akin, "Mali! Nandito tayo para matuto. At minsan, para meron tayong matutunan, kailangan nating lumabas ng eskwelahan," gigil na gigil mong pagpapaliwanag.

"You mean mag-cutting classes?"

"I mean umattend ng totoong classes," pakli mo sabay sakay sa pinara mong bus.

Gusto kong magreklamo pero sumunod din naman ako.

Hindi ko alam kung naaalala mo pa, pero dito nagsimula ang kwento nating dalawa. Nauto mo akong sumama sa 'yo noon sa isang rally na kahit kailan ay hindi ko naman pinaniwalaan. Mahal ko naman ang Pilipinas, pero hindi lang talaga ako ang tipo ng taong magtitiyaga sa kalsada para magreklamo sa kapalpakan ng gobyerno, pagtaas ng pamasahe, matrikula, presyo ng gasolina, bakit hindi nagkatuluyan sina John Lloyd at Bea, at kung anu-ano pang bagay na gusto mong ipaglaban na sa totoo lang ay hindi ko naman maintindihan.

***

Hindi ko alam kung naaalala mo pa nang minsang mag-cutting classes tayo para pumuntang Mendiola. Sabi mo sumama ka lang kasi nauto at pinilit kita. Pero hindi ako naniniwala. Sumama ka kasi nag-aalala ka. Tama ako hindi ba? Pero alam mo, hindi ko din lubos maisip kung paano tayo nagkasundong pareho. Paano nga ba? Magkaiba tayo ng hilig sa pagkain, fashion sense, ugali, paniniwala, at maging prinsipyo sa buhay. At isa pa, minsan nakakapikon ka rin kasama.

"Dapat nasa klase tayo ngayon at PUMAPASOK," reklamo mo sa 'kin pagkatapos nating magbayad ng pamasahe.

"Bakit? Natatakot ka 'no?" nakangiti kong tugon sa 'yo na may halo pang pang-aalaska.

"Bakit naman ako matatakot? Rally lang naman ang pupuntahan natin di ba? At kung natatakot man ako, dahil yun sa 'yo. Ang akin lang, mag-aral muna tayo. Bago tayo maging responsableng mamamayan, kung yun nga ang tawag sa ginagawa natin, maging responsableng estudyante muna tayo. Maging responsableng anak sa mga magulang natin. Sa mga magulang natin na nagta-trabaho ngayon makapag-aral lang tayo," may pagka-inis mong sagot sa 'kin.

Nagkibit-balikat lamang ako, "Whatever."

***

Hindi ko alam kung naaalala mo pa yung mga tanong mo sa 'kin sa bus papuntang Mendiola. Ang kulit-kulit mo noon. Muntik na nga akong mapikon sa 'yo.

"Sabihin mo nga, lalaki ka ba talaga? Until now wala ka pa ring girlfriend?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses mo na akong inusisa tungkol sa bagay na iyon gayong iisa lang din naman ang palagi kong sagot, "Alam mo, hindi dahil--"

"Walang girlfriend ang isang lalaki ay nangangahulugang hindi na s'ya tunay na lalaki. Alam ko naman yun," inunahan mo na ako.

"Yun naman pala eh."

"Pero kasi iba naman ang case mo. Kahit naman ganyan ka, imposibleng wala kang natitipuhan at wala ding nagkakagusto sa 'yo." Napabuntong-hininga ka ng malalim, "May hitsura ka naman. Matalino. Mabait. Gentleman. Pero bakit wala?"

"Anong kahit naman ganito ako?" kunot noo kong tanong sa 'yo.

"Wala lang. Tingin ko kasi ikaw yung tipo ng lalaki na masyadong perfectionist. Gusto mo ganito, ganyan. Hindi ka tumatanggap ng isang bagay na nasa minimum acceptable standards lang."

"Hindi ako pihikan. At lalong hindi ako perfectionist."

"E ano?"

"Hindi ko alam. Ewan."

Tumahimik ka saglit tapos sumandal ka sa upuan, "Sa ating magkaka-klase, kayo lang ni Pao ang walang girlfriend. Napansin mo ba yun?"

"Bakla si Pao."

"Kaya nga."

"Kailangan ko ba ng girlfriend para lang patunayan na lalaki ako?"

"Sinabi ko ba na kailangan mong patunayan na lalaki ka?"

"Tinanong mo 'ko kung bakla ako, hindi ba?"

"Ang sabi ko kung tunay na lalaki ka ba."

"Ganun din yun."

"Hindi. Magkaiba yun."

"Ang labo mo."

Ganoon naman palagi ang takbo ng usapan nating dalawa sa tuwing magtatanong ka tungkol sa kasarian ko. Kahit na alam kong alam mo naman ang sagot, pinapatulan pa rin kita.

***

Hindi ko alam kung naaalala mo pa yung mga bagay na napag-usapan natin sa bus papunta sa isang rally sa Mendiola. Aaminin ko, isa iyon sa pinakagusto kong byahe natin nung nag-aaral pa lang tayo.

"Ikaw, bakit wala kang boyfriend?" tanong mo sa akin noon.

"Sino namang may sabi sa 'yo na wala akong boyfriend?"

"Naisip ko lang. Magkasama tayo halos araw-araw at wala naman akong nakikita na naghahatid o sumusundo sa 'yo."

"Yun ba ang idea mo ng isang boyfriend? Ang taga-sundo at taga-hatid?"

"Hindi."

"Yun naman pala eh."

"Kaya nga."

"So nasagot ko na ang tanong mo?"

"Hindi pa rin."

"Oo nga."

Tumingin ka muna sa bintana ng bus bago ka sumagot, "Ang labo mo talaga," tapos ikaw naman ang napabuntong-hininga.

Siguro sumagi rin sa isip mo yung unang beses tayong nagkita. Late ako sa entrance exam noon. Actually, late tayo pareho. Tapos sabi ko sa test administrator binaha kami. E hindi naman umuulan. May point ka nga siguro, ang labo-labo ko.

***

Hindi ko alam kung naaalala mo pa yung unang beses nating napag-usapan ang buhay pag-ibig mo. Ang tagal-tagal na din kasi nating magkaibigan pero ni minsan ay hindi ka nagkwento tungkol sa bagay na iyon. Siguro kasi'y hindi rin naman ako nagtanong.

"Ilan na ba ang naging boyfriend mo?"

"Paulit-ulit?"

"Iba yung bakit wala kang boyfriend sa nakailang boyfriend ka na."

"Fine," maiksi mong sagot na halatang pag-iwas sa aking pang-uusisa.

"Seryoso ako."

Tumingin ka muna sa akin bago sumagot, "Isang seryoso, tatlong fling. Happy?"

Tumango lamang ako at ngumiti sa 'yo.

"Maniniwala ka bang Grade 5 pa lang ako nang una akong nagkaroon ng boyfriend?"

"Grade 5? Nine years old pa lang yata ako noon."

"Ang kapal mo. Ten na 'ko that time."

"Anong sabi ng mga magulang mo?"

"Sira ka ba? Syempre hindi nila alam."

Bumaling ako sa 'yo at itinuloy ang pagtatanong, "At wala ni isa sa kanila ang naka-first base?"

"Oo," mabilis mong sagot sa tonong as-a-matter-of-fact. "Bakit? Ano bang palagay mo sa 'kin? Gago ka talaga."

"Pokpok?"

"Ulol."

Pinalo mo sa akin ang kalong mong backpack. Tapos natawa tayong pareho. Yung tawang kasama pati puso, na parang tayong dalawa lang ang nasa loob ng bus nang mga oras na iyon. Alam mo isa yun sa pinaka-memorable kong sakay sa bus noong kolehiyo. Ang babaw ko ano?

***

Hindi ko alam kung naaalala mo pa yung unang beses na nagtanong ka sa akin tungkol sa buhay pag-ibig ko. Hindi ko nga alam kung bakit all of a sudden ay bigla kang nag-usisa. Patay malisya lamang ako noon. Pero deep inside ang laki ng ngiti ko. Paano ba naman kasi, for the first time sa loob ng apat na taon nating pagkakaibigan, bigla kang naging interesado.

"Para saan yung fling relationships? Ba't may ganon?" tanong mo sa akin pagkatapos mong malaman kung ilan na nga ba ang naging kasintahan ko.

"Wala. Pampalipas oras lang. Masabi lang na may boyfriend," paliwanag ko sa 'yo.

"Ah," tumatango mong tugon. "Yun ba yung M.U.?"

"Iba yun tange. Kapag fling, parang kayo pero hindi. No strings attached. Iba yun sa M.U."

"Ah, malabong ugnayan. Nagki-kiss din ba yun?"

"Alin?"

"Kapag fling lang."

"Depende."

"E yung sa inyo ng mga naging fling mo?"

"Depende nga."

"Depende saan?"

"Depende kung gusto nya. Depende kung gusto ko. Depende sa 'ming dalawa."

Tapos nagkatinginan tayo. Pakiramdam ko noon para akong nakuryente. Ewan ko ba. Ang weird. Kaya naman pilit kong ibinalik ang usapan sa 'yo.

"Ikaw ba?"

"Anong ako ba?"

"Hindi ko pa rin matanggap na ga-graduate na tayo't lahat pero until now wala ka pa ring nagiging girlfriend."

"Requirement ba yun para maka-graduate ako? Hindi ako na-inform," pagbibiro mo.

"Seryoso na nga," mahina kong tugon. Tapos tiningnan kita ulit, "Ano ba ang ideal woman para sa 'yo?"

Hindi ka kaaagad sumagot noon. Nakatingin ka lang sa bintana. Matagal. Tapos bigla kang nagsalita, "Gusto ko yung may sense."

"Sense?"

"Oo, sense."

"At wala ka pang nakikitang babae na may sense?"

"Meron na."

"O, yun naman pala eh. Bakit ayaw mo pa?"

"Sinabi ko bang ayaw ko?"

"E bakit nga?"

Bumaling ka sa akin ng tingin at hinding-hindi ko malilimutan ang iyong naging tugon, "Dahil ako ang hindi niya makita. Pwede pala yun. Kahit nasa harapan ka na niya..."

***

Hindi ko alam kung anong meron sa bus na iyon. Yung nasakyan natin papuntang Mendiola. Naaalala mo? Madalas naman tayong nagkakasabay pauwi pero sa ilang taon nating pagkakaibigan, noon lang tayo nag-usap ng seryoso. Yung totoong seryoso. Noon mo lang sinagot ng seryoso ang mga tanong ko. At noon lang din yata ako sumagot ng seryoso sa mga tanong mo.

"Alam ba niya?" tanong mo sa akin.

"Hindi ko alam. Siguro."

"Siguro. Paano kung hindi?"

"Ewan. Hindi ba may mga bagay na hindi na dapat sinasabi? Yung dapat understood na?"

"Katulad ng love?"

"Oo, katulad ng love."

"Mahirap mag-assume. Hindi naman lahat ng tao matalino pagdating dyan. Mas maganda kung malinaw. Minsan kasi, parang figure of speech ang love na hindi dapat tine-take literally."

Pinagmasdan lang kita.

"I'm not saying na marami na akong alam tungkol sa pag-ibig, dahil sa totoo lang, wala. Baguhan din ako," dagdag mo pa. "Pero kung talagang gusto mo ang isang tao, hindi mo dapat sinisikreto."

"Paano kung di ka nya gusto?" tanong ko sa 'yo.

"Paano kung gusto ka nya?"

***

Hindi ko alam kung naaalala mo pa yung huling beses tayong nagkita. Graduation natin noon, at kinabukasa'y pupunta ka na ng Amerika upang doon magpatuloy ng pag-aabugasya. Sabi mo noon babalik ka, na hintayin kita. Hinawakan mo pa nga ang mga kamay ko. Niyakap kita ng mahigpit. Gusto sana kita pigilan pero naisip ko, paano? Paano kita pipigilang kamtin ang mga pangarap mo? Paano ko sasabihin sa 'yo na dito ka na lang, na wag ka ng umalis? Paano ko aaminin sa 'yo na mahal kita gayong alam kong magiging dahilan lamang iyon para gumulo ang mga plano mo sa buhay?

Tama sila. Hindi pala talaga ganoon kadaling ipusta ang pagkakaibigan para lang sa tsansang maging tayo. Lalo na kung kasama ring nakataya pati ang mga pangarap mo.

***

Hindi ko alam kung naaalala mo pa yung huling beses tayong nagkita. Nangako akong babalik ako. At umasa ako na maghihintay ka. Alam kong wala naman akong karapatang magtanong. Pero bakit nga ba? Bakit bigla kang nawala?

Matagal kitang hinanap at hindi ko inaasahang dito tayo magtatagpo. Labing-anim na taon na rin ang nakalipas. Tama sila. Tunay ngang mapaglaro ang tadhana. Patuloy ka pa rin sa pakikibaka para sa iyong mga paniniwala. Ako nama’y nakikibaka rin. Nakikibaka kaanib ng gobyerno.. kasama ng mga taong marahil ay kinasusuklaman mo.

Hindi ko alam kung naaalala mo pa yung una't huli nating byahe patungong Mendiola. Magkaiba man tayo ng direksyong tinahak, magkaiba man tayo ng paniniwala, anu’t anu pa man, patuloy pa rin akong aasa. Ang hiling ko lamang, kapag dumating na ang tamang panahon, sana’y handa ka pa ring pumusta.

 -WAKAS-

In memory of Uncle Noel who has loved, hoped, and incessantly waited;
    To Auntie Cely who has fought, disappeared, and never been found;
         To all the victims of Martial Law and their loved ones who remain
               in search forty years after.

Entry para sa kategoryang Maikling Kwento sa Saranggola Blog Awards 4.


To the twentysomething who wants to change the world

Friday, June 29, 2012


Dear Fresh Grad,

I think I saw you yesterday along Makati Avenue, wearing the most smart-casual attire your closet will allow, waiting for the traffic light to change to red. You were clutching a brown envelope — they contained your résumés, right? But you looked a little flustered. Did your job interview not go so well? It’s your fifth interview in six weeks, I hear? Don’t worry, they say “Don’t call us, we’ll call you” to almost everybody. Hindi ka nag-iisa. Oh, your best friend nailed her interview on the first try? And your other ka-barkada, too? Well, good for them. Wag ka lang inggitera.

I know, I know. You’ve imagined yourself to be in your dream job immediately after graduation, getting paid (a lot), and doing what you love to do (so “it doesn’t feel like work at all,”). You saw yourself changing the world, while live posting it on Twitter.

I must say, your imagination’s pretty impressive, and you must’ve been reading a lot of Steve Jobs. Darling, the real world doesn’t work that way, and definitely not that fast. So your two friends who nailed it on their first try? I’ll bet you’ll spend at least one Friday night with them at a karaoke bar, singing your angst away. Alanis’s Hand in My Pocket is a good first song, by the way.

Buying Starbucks

You’ll find a job yourself soon. It won’t be your dream job, but hey, at least it will pay for happy hour. You will be asked to buy Starbucks for your boss’s guests, and while walking out of the office, you’ll tell the universe, “Nag-graduate ako ng cum laude para lang bumili ng kape?” When you return, the boss will be angry to know that you forgot to put Splenda in his coffee, and the universe will tell you, “E kape nga lang hindi mo mabili nang maayos, cum laude ka pa nyan ha.” You will print the wrong report. You will be yelled at for a lousy job someone else did, and you will be yelled at for a job you put your whole heart into. You will be told you’re stupid, and if you’re lucky, the whole office will be there to hear it. You will cry in your cubicle. You will lose the promotion to the boss’s son, or to someone less hardworking than you. You will learn about dirty office politics, and you will be frustrated to know that you can’t do anything about it. You will figure in office tsismis, and you’ll make your Twitter account private. You will see your friends going to Boracay, Bangkok and Europe, having the time of their lives, while you’re left here, living paycheck to paycheck, wishing you were born an Ayala, a Gokongwei, or a Gosling. You will think about quitting. You will lose the sparkle and the passion. You will forget about your ultimate dream when the real world crushes it right before your eyes.

But please don’t.

Make Passion Last

The truth is, you will never be as passionate as your Fresh Grad self ever again. Make that passion last as long as you can. I don’t want to be dramatic, but really, that sparkle? Once it’s gone, you can never take it back. Oo, parang virginity lang.

So while you have it, savor the moment. Go make mistakes, while you’re still expected to be imperfect. Go cry in the cubicle, while your age allows it. Go sing Hand in My Pocket and You Learn at the karaoke bar, while you’re still “young and underpaid.” Go chase your dreams and change the world. The best time to change the world? It’s right after college, when you are f*cking sure you can.

See, you will become 26. Then 28. Then 30. And you will be busy looking for money to pay for the bills, or yelling at your assistant who printed the wr ong report, and you will just forget about the world you badly wanted to change before.

How old are you again? Actually, I don’t really need to know. You were glowing from where I saw you, and that gave away your age. So stand up straight, clutch your résumés, hold on to your dreams, and stay glowing as long as you can. Make the most of your youth. I swear, you’ll miss it when it’s gone, and by that time, you will only be able to write about it.

Best regards,

An Ex-Fresh Grad

By Antoinette Jadaone

tanggal na po ba ako?

Tuesday, May 15, 2012


describe humiliation.

nag-cr si greg. nakita ko. nakita ng dalawang mata ko. nakita kong pumasok sya sa loob. after ilang minuto, lumapit ako. hinawakan ko yung door knob. mahigpit... mahigpit na mahigpit na parang humahawak yumayakap lang ng katawan ng babaeng marikit (yung 36-24-36). narinig kong bumukas yung gripo sa loob. pero ang tagal mag-flush. tumae ata. hmmmm... naghintay ako ng konti. patience is a virtue.

maya-maya pa, may nag-attempt na buksan yung pinto. hinila ko pakabila. para kaming nagtutug-of-war. tapos tumigil. tapos hinila nya ulit. tapos tumigil ulit. na-realized siguro, na-locked sya sa loob! nakiramdam ako. akala ko sisigaw si g*go. narinig kong parang sinipa-sipa nya yung pinto at hinila nya ulit para bumukas. hinila ko din pakabila, mas malakas. ilang minuto ding ganun ang eksena, at halos mamatay ako sa katatawa.

after ilang attempts, tumahimik bigla. LMAO! naisip ko ng bitawan yung door knob dahil medyo matagal ng nasa loob si mokong. kinatok ko yung pinto tapos sabi ko, "o, ano? suko ka na badoodles??!" with matching wagas na wagas na pagtawa. as in BWAHAHAHA!!! tapos sumilip ako sa may kanan. paglingon ko, holy cow!!! anak ka ng bitch!!! nakita ko si greg... naglalakad, may dalang folder papasok ng lobby!

OMG! as in OH MAY GAS! WTF!!! eh sino 'tong nasa loob ng kubeta???!!!

binitiwan ko yung door knob. at sakto, plak! bumukas ang pinto. nakita ko si madame vice president. pawis na pawis. tunaw na yung eye liner at nanlalaki ang butas ng ilong.

nanlambot ako.

P-A-T-A-Y.

eherm.. eherm... anybody??

Friday, April 27, 2012


"HELLO, BOBBY. HELLO, MIRANDA. I'M BAAAACK!"

kasabay ng undas noong nakaraang taon e sumagi sa isip kong tuluyan nang mag-quit sa pagbo-blog. unang-una, dahil magastos. at hindi ako mayaman para tustusan ang bisyong sabi ng nanay ko e wala namang kapararakan. (akala nya lang wala, pero meron, meron, meron!) *pak* <- hindi kumpleto yung linya pag wala yung sampal. ;))

ikalawa, nawalan ako ng gana. o mas tamang term siguro, nawalan ng inspirasyon. eeeww! as in yuckkk! ang korni mang isipin pero hindi ko akalaing guguho ang mundo ko (wow, parang teleserye) dahil sa lablayp. hindi pala totoong ang pagibig na nagsimula sa landian e mananatiling landian hanggang sa dulo. minsan, kung ano pa yung inaakala mong fling, yun pa pala yung for real. *shet* <- exag itong pangalawang dahilan. ang totoo, tinamad lang ako. period.

kaninang umaga, may nabasa akong article tungkol sa blogging. sabi nung author, blogging gave him a little space where he could be boring and self-serving. nakarelate ako. sa blog ko, ako ang bida at ang kontrabida. kaya kong maging mabait kahit na mapanlait (daw) ako sa totoong buhay. kaya kong magladlad este maglahad. kaya kong magkwento ng mga bagay-bagay nang walang pinapanigan, walang kinikilingan, at walang pinoprotektahan.. serbisyong totoo lamang. *eherm, eherm.. excuse me phowz?*

makalipas ang limang buwan, bukod sa pagpapalit ng twitter name (from @iamkabute to @obijuankenoobi) at sa hairdo kong tinawag ni Bab na "gupit ng baklang mayaman", wala namang ibang bago. medyo sinipag lang ng konti. sinipag mag-isip, magsulat, at magtagni ng mga letrang pampasikip sa world wide web.

"it just feels good to be able to write again about things you honestly enjoy — not as a blogger per se, but as someone who wants to give worthy things the worthy writing they deserve."

#naks

tatlong taon

Tuesday, November 1, 2011

sa loob ng tatlong taon, kahit paunti-unti ay buong-puso kong naibahagi ang aking sarili at pagkatao sa bawat pagtangan ko ng lapis at sa sandaling ilapat ko ito sa papel. tatlong taon. 31 entries. 732 komento. may mga natuwa, natawa, na-touched, nainis, nagduda, at nagkunwaring nagbasa. marami akong nakilala.

sa loob ng panahong iyon, hindi ko na mabilang kung ilang papel na ba ang aking sinulatan, pinunit, ginuhitan, at itinapon depende sa tamis o pait na namamahay sa akin sa bawat pagtatangka kong lumikha ng akda. hindi ko na din mabilang kung ilang beses akong nagalak, na-frustrate, namangha, at na-disappoint sa pagtatapos ng mga kathang damdamin at kaluluwa rin ang naging puhunan.

sa loob ng tatlong taon, hinayaan kong matunghayan ng mga mambabasa kung sino ako, maging ang mga kalakasan at kahinaan ng aking pagkatao. at inaamin ko, noong una'y nagkaroon ako ng mga pag-aalinlangan. natakot akong mapintasan sa paraan ng aking pagsusulat at paglalahad dahil batid kong nariyan ang mga kritiko. susuriin ng mga higante at maalam (kuno) sa panitikan ang bawat titik at ideyang iluluwa ng aking utak. higit sa lahat, natakot akong mahusgahan dahil ang bawat kwento ay sasalamin kung sino ako bilang isang tao. ngunit nakatagpo ako ng lakas upang tanggapin ang mga bagay na maaaring makasakit sa akin.

tatlong taon na nga ang nakalipas at ngayon, hindi ko alam kung kaya ko pang ipagpatuloy ang pagsusulat. hindi ko na alam kung paano ilalarawan ang mga bagay at pangyayaring gusto kong itala at ikuwento, gayong nauunawaan ko namang hindi ito isang research paper, term paper, formal o informal theme, o kahit anong essay na may deadline at nagdidikta kung ano ang dapat lamanin. hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. marahil ay nawalan lang ng gana, ng inspirasyon, ng oras, ng pagkakataon. o marahil ay namatay na ang apoy na nagsisilbing liwanag sa tuwing ilalapat ko ang tangan kong lapis sa papel.

ngayon, pilitin ko mang sumulat ng bago, labis na akong nahihirapan. nakalimutan ko na siguro ang pakiramdam kung paano mag-bahagi ng malaya at walang pag-aalinlangan. nakalimutan ko na kung paano gamitin ang aking imahinasyon. nakalimutan ko na ang tatlong taong lumipas at ang samu't saring kwentong humulma sa akin bilang isang manunulat.. bilang isang tao. wala. nakalimutan ko na ang lahat...

wala na ang kilig sa bawat paghabi ng kwento gamit ang lapis at papel...

wala na ang sabik na tapusin ang sinimulan...

wala na ang kagustuhang magpatuloy pa...

tatlong taon. wala na.