eherm.. eherm... anybody??

Friday, April 27, 2012


"HELLO, BOBBY. HELLO, MIRANDA. I'M BAAAACK!"

kasabay ng undas noong nakaraang taon e sumagi sa isip kong tuluyan nang mag-quit sa pagbo-blog. unang-una, dahil magastos. at hindi ako mayaman para tustusan ang bisyong sabi ng nanay ko e wala namang kapararakan. (akala nya lang wala, pero meron, meron, meron!) *pak* <- hindi kumpleto yung linya pag wala yung sampal. ;))

ikalawa, nawalan ako ng gana. o mas tamang term siguro, nawalan ng inspirasyon. eeeww! as in yuckkk! ang korni mang isipin pero hindi ko akalaing guguho ang mundo ko (wow, parang teleserye) dahil sa lablayp. hindi pala totoong ang pagibig na nagsimula sa landian e mananatiling landian hanggang sa dulo. minsan, kung ano pa yung inaakala mong fling, yun pa pala yung for real. *shet* <- exag itong pangalawang dahilan. ang totoo, tinamad lang ako. period.

kaninang umaga, may nabasa akong article tungkol sa blogging. sabi nung author, blogging gave him a little space where he could be boring and self-serving. nakarelate ako. sa blog ko, ako ang bida at ang kontrabida. kaya kong maging mabait kahit na mapanlait (daw) ako sa totoong buhay. kaya kong magladlad este maglahad. kaya kong magkwento ng mga bagay-bagay nang walang pinapanigan, walang kinikilingan, at walang pinoprotektahan.. serbisyong totoo lamang. *eherm, eherm.. excuse me phowz?*

makalipas ang limang buwan, bukod sa pagpapalit ng twitter name (from @iamkabute to @obijuankenoobi) at sa hairdo kong tinawag ni Bab na "gupit ng baklang mayaman", wala namang ibang bago. medyo sinipag lang ng konti. sinipag mag-isip, magsulat, at magtagni ng mga letrang pampasikip sa world wide web.

"it just feels good to be able to write again about things you honestly enjoy — not as a blogger per se, but as someone who wants to give worthy things the worthy writing they deserve."

#naks

9 comments:

joeyvelunta said...

Yehey! Tagay na yan oh. Maligayang pagbabalik.

Axl Powerhouse Network said...

ganda ng post mo!
welcome back!!!
sana tuloy-tuloy na!!

salbehe said...

Tuloy tuloy mo lang yan, parang init sa tag-araw.

JC said...

naaliw ako ng labis labis sa post mong ito! hahahaha. parang magkaharap lang tayo, ganyan tapos bumabangka ka sa kwento mong walang kapararakan.. hahahaha.

sarap basahin, ang kulet.. salamat sa pag-share bestpren. bestpren agad ang feel ko?! Hahahaha

Anonymous said...

so welcome back na :D

J. Kulisap said...

Parang sumpa 'yan.

Ayaw mo na,gusto pa nila.

Patatagan na lang.

WB

jhengpot said...

pak na pak ang pangatlong paragraph... lab it! lol.

Lady Fishbone said...

hello first time in your blog.... I LIKE IT <3