tanggal na po ba ako?

Tuesday, May 15, 2012


describe humiliation.

nag-cr si greg. nakita ko. nakita ng dalawang mata ko. nakita kong pumasok sya sa loob. after ilang minuto, lumapit ako. hinawakan ko yung door knob. mahigpit... mahigpit na mahigpit na parang humahawak yumayakap lang ng katawan ng babaeng marikit (yung 36-24-36). narinig kong bumukas yung gripo sa loob. pero ang tagal mag-flush. tumae ata. hmmmm... naghintay ako ng konti. patience is a virtue.

maya-maya pa, may nag-attempt na buksan yung pinto. hinila ko pakabila. para kaming nagtutug-of-war. tapos tumigil. tapos hinila nya ulit. tapos tumigil ulit. na-realized siguro, na-locked sya sa loob! nakiramdam ako. akala ko sisigaw si g*go. narinig kong parang sinipa-sipa nya yung pinto at hinila nya ulit para bumukas. hinila ko din pakabila, mas malakas. ilang minuto ding ganun ang eksena, at halos mamatay ako sa katatawa.

after ilang attempts, tumahimik bigla. LMAO! naisip ko ng bitawan yung door knob dahil medyo matagal ng nasa loob si mokong. kinatok ko yung pinto tapos sabi ko, "o, ano? suko ka na badoodles??!" with matching wagas na wagas na pagtawa. as in BWAHAHAHA!!! tapos sumilip ako sa may kanan. paglingon ko, holy cow!!! anak ka ng bitch!!! nakita ko si greg... naglalakad, may dalang folder papasok ng lobby!

OMG! as in OH MAY GAS! WTF!!! eh sino 'tong nasa loob ng kubeta???!!!

binitiwan ko yung door knob. at sakto, plak! bumukas ang pinto. nakita ko si madame vice president. pawis na pawis. tunaw na yung eye liner at nanlalaki ang butas ng ilong.

nanlambot ako.

P-A-T-A-Y.

14 comments:

hArTLeSsChiq said...

ahahahahahahahaha YARI KA!

joeyvelunta said...

yari ka boi! May memo ka na bukas. Ikaw naman daw ikukulong sa cr na naka-eye liner hahaha

iya_khin said...

hahahaha! lagooootttt!!! at ngayon lang napadaan! umaupdate kana pala! yiiii!!

Bino said...

abangan ang susunod na kabanata hehehe

_isheloveblog_ said...

Ahahahahaha..natawa nemen ako dun..
laggggggggoooooot kaw kabute.hihihi.
kamusta?tanggal kna po ba?hahaha

^_^

Jessica said...

NAKOW!! hahahaha! XD

sino kaya un... HALA!!! hihihi

Bangkero said...

:) hahaha.

anung kasunod na nangyari?

Ers said...

wahahahaha!

"suko ka na badoodles???"

wahahahaha!

Justin said...

Pak-tay! lipat ka na raw ng desk sa cr :P

Joanne ;p said...

Wahahaha.. lagot ka!!

Tal | ThePinayWanderer said...

hahaha, kahit super late na 'ko. ;)

Ungaz said...

Bwahahahaha!awkward..nice