ang mga putang-inang holdaper
Thursday, September 25, 2008
paumanhin. hindi ko mapigilang magmura. first time kong maholdap. at first time ko ding mag-celebrate ng birthday sa loob ng ospital. anim na tahi ang ginawa ng doktor para maisarado ang mahabang hiwa ng lanceta sa kaliwang braso ko. putang-ina. masakit...
"HOLDAP 'TO! WALANG PAPALAG!" sabi ng lalaking katapat ko habang binabaybay ng fx na sinasakyan namin ang kahabaan ng rizal avenue mga bandang alas-onse kagabi.
"PARE, ALALAYAN MO YANG DRAYBER! BUTASIN MO ANG KATAWAN PAG PUMALAG!" sabi ng lalaki sa kasama nyang holdaper na nakapwesto sa harapan.
walang nagreact. tahimik lang ang lahat. nakikiramdam. umasa ako na may sisigaw ng "wow mali!" pero walang ganun. walang camera. holdap nga ang putang-ina.
"diyos ko, parang awa nyo na. wag naman ho o." mangiyak-ngiyak na nagmamakaawa yung isang babaeng pasahero habang pilit na kinukuha ng isa pang holdaper ang tangan niyang bag.
sa puntong iyon, nakatutok na sa 'kin ang mahabang lanceta ng lalakeng nasa harapan ko. at naramdaman kong umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko nang maisip ko isa-isa ang mga nasa loob ng dala kong backpack - n73, psp, mga importanteng CDs at yung portable hard disk na dugo at pawis ko ang mga datos na laman.
"akin na yang bag mo!" sabi ng lalaking nag-declare ng holdap at akmang sasaksakin ako.
"grabe naman kayo manong, ang hirap na nga ng buhay mangho-holdap pa kayo." pakiramdam ko naihi na ako sa sobrang kaba.
"gago, kaya nga kami nanghoholdap e." sabat nung lalaking nasa unahan.
"sinabing akin na yang bago mo eh!" sigaw nung holdaper sa 'kin. "baka gusto mong butasin ko yang leeg mo!"
"wala namang laman 'to manong e. itong wallet ko na lang." parang nakikipag-tawaran pa ko.
"putang-ina! ang tigas mo ah!"
"putang-ina nyo rin manong! nangho-holdap ka na nga lang mangmumura ka pa."
"gago ka pala eh! pare, tutuluyan ko na 'to!"
sumabat yung driver. "boy, ibigay mo na. baka mapano ka pa."
napaisip ako. masyado pang maaga para mamatay ako. marami pa akong gustong gawin. hindi pa natutupad ang pangarap kong makita ang statue of liberty at magpa-picture sa tabi nito. hindi ko pa nalilibot ang buong pilipinas. hindi ko pa nababawian yung abusado kong kasama sa opisina. at higit sa lahat, hindi pa ko nakakagawa ng magiging tagapagmana ko. putang-ina. hindi pa ko pwedeng mamatay.
nasa loob din ng bag ko yung mahabang screw driver na hiniram ko sa computer technician namin sa office. ayoko pang mamatay pero ayoko din namang ibigay ang mga bagay na pinaghirapan ko ng ganun-ganun na lang.
tatlo ang mga putang-inang holdaper. isa sa unahan katabi ng driver, isa sa gitna at nakakatutok din ang hawak na lanceta sa dalawang babaeng pasahero, at yung pangatlo na nagdeclare ng holdap, nasa harapan ko katabi ang isa pang lalaking pasahero.
nagkatinginan kami ng katapat kong pasahero. hindi ko alam kung pano nangyari pero parang nagkaintindihan kami kung anong pwedeng gawin.
"ito na lang wallet ko manong. mahigit tatlong libo din ang laman nito." binuksan ko yung bag ko at inabot ang wallet sa holdaper.
hindi na ako nag-atubili pa nang malingat ang hayup na holdaper sa wallet na ibinigay ko. isang sipa sa mukha sabay bunot ng screw driver na nasa loob ng bag ko at isinaksak sa likod ng holdaper na nasa gitna. dumaplis. pero nakita kong dumugo ang likod ng gago.
sumadsad ang fx sa bangketa. rambulan sa loob. sigawan. murahan. masyadong mabilis ang mga naging pangyayari. naramdaman ko na lang na masakit at dumudugo na ang kaliwang braso ko.
nagkagulo. nagpanic ang lahat. pati ang mga holdaper. lumapit ang mga usisero, tambay at pangkaraniwang tao sa sumadsad na fx. "holdap! holdap!" sigaw nung driver.
nagsitakbuhan ang tatlong holdaper. may mangilan-ngilang humabol pero hindi na inabutan ang mga kumag.
makalipas ang ilang minuto, nasa ospital na ako kasama ang dalawa pang pasahero na katulad ko e sugatan din. wala namang kritikal. hiwa lang ng lanceta. pero puta, masakit pa rin. may mga dumating na pulis at barangay tanod pero hindi na rin ako umaasa na mahuhuli pa ang mga timawang holdaper.
habang nililinis ng nars sa ospital ang sugat ko, lumapit sa 'kin yung isang babaeng kapwa ko pasahero. "dapat sana hindi ka na nanlaban. muntik na tayong mamatay lahat."
hindi ko alam kung naninisi ba o tanga lang talaga si ate.
"ganun ba? insured naman ho ako ate eh." naiinis kong sagot sa babae. natawa yung nars pero si ate hindi.
35 comments:
grabeh to! parang eksena sa isang action film... feel na feel ko lahat ng pangyayare habang nag babasa ako... Belated Happy Birthday! at buti naman at nakapag blog ka na ulit tagal mo ring nawala ah! Prang kung di ka pa naholdap di ka pa mag post ng bagong entry... joke lang..
buti naman at OK ka na... at nakuha mo naman ba ang bag na pinaglaban mo?
parekoy ang tapang mo... buti na lang at di ka napurahan...
paksheyt!
hindi pa ako naholdap, pero parang uso din holdap dito sa cebu.. kaya naman hindi nagdadala ng bag eh.. naku..
tapang mu pare.. nakuha ba nila ang bag at wallet mu? sana hindi..at sana ma tetanus ung holdaper sa screw driver mu.. hahaha
hala shet. pero im glad ur ok ka bute! :) nakakapagtype ka naman eh. hahaha. grabe, buti na lang nasave mo yung hard disk mo! :)
wala namang nakuha sa 'kin. pero yung isang pasahero yung cell phone nya e natangay. malas nya. yung wallet ko naiwan din sa fx pero nakuha ko din. nahulog siguro nung holdaper nung nagkagulo.
nakakapanibago lang mag-type na isa lang ang gamit na kamay. ;(
uy, sa susunod wag ng papalag ah, mas mahalaga ang buhay mo kesa sa mga gamit mo. ingat sa susunod at magdala na ng baril :) pagaling ka
ang sasama talaga ng ugali ng mga hinayupak na mga holdaper na yan!buhay pa man sila ay sinusunog na ang mga kaluluwa sa impyerno! sobrang tindi talaga ng galit ko sa mga masasama ang loob na yan, akala mo eh sila lang ang nangangailangan at naghihirap, ang lalaki ng mga katawan pero puro abo ang laman ng mga utak! kakagigil talaga.Mga halang ang kaluluwa,namemerwisyo na nga, mananakit pa.
Pasensya kna sa comment ko ha, sobrang galit na galit lang tlaga ako sa mga masasama ang loob na yan.ggggrrr...
Pagaling ka, don't worry doble ang karma ng mga yun.
OMG tol.. grabe.. katakot ka..
buti naman ok ka lang tsaka belated tol hapi bday..
ingat nalng lagi tol..
tang inang holdaper na yan
abah..clap clap clap..prng eksena nga sa pelikula..ehmm prang pinoy action movie..nagpakabayani ka ba or dahil lng sa bag mo..hmmmm.. but anyway..get well soon..malayo nman yan sa bituka *wink*
oh crap! that was really a nerve-wracker. napapa-OEMGEE ako habang binabasa to. seryoso. iba talaga kapag true to life ang istorya at ang mismong tao ang nagsulat. wow... kaya ba nagyong ka lang nakapag-update? ang tagal mong nawala? o dahil nging busy ka dun sa nasa hard disk... tsk tsk... 6 stitches. mahaba haba rin yun. marami na akong na-assist na ganyang kaso sa ospital. minsan mga saksak pa. hays... i could only say that you're really blessed. parang pangalawang buhay mo na to. at ang lakas ng loob mo. kung ako siguro nandun i don't think i could do the same thing... hays... it's cool you're ok.
natawa na lang ako sa last part. hindi siguro insured si ate! hahaha!
nako isa na lang pala gamit mong kamay. tsk. gagaling din yan.
belated happy birthday na rin.
---
thanks nga pala sa comment :) gorgeous to the highest freakin' level! hahaha!
Goodness gracious! Ang tapang mo! it's a good thing na lumaban ka to prove sa mga holduppers na hindi sila invincible.
Di mo pa talaga oras, meron ka pang chance to see the US of A!
katakot na experience!
pero nagmukha kang superhero sa lagay na iyon ah!
laganap na talaga ang holdapan!
buti na lang at nagkaintindihan kayo ng kaharap mong pasahero!
magaling!
nakikicomment lang po..
yup...alam ko ang pakiramdam ng naholdap..cguro mga 4 years n din un nanyari with my girlfriend at tito nya..syempre instinct na din at feel maging superhero, ayun napalaban nga kmi...buti n lng kayang kya nmin ang mga pesteng holdaper n yun...pero lintik nmn ang sermon n inabot ko sa girlfriend ko after nun...:D
grabe naman ang nangyari sayo..
nagkaroon na rin ako ng encounter sa mga ganyan, sa akin, sa klaye ng ayala bridge malapit sa SM Manila. Napagkamalan kaming mga estidyanteng bibili ng shabu (mukha ba kaming mga adik? lintik na Muslim yun!).. dahil hindi naman kami bibili, naging instant holdap ang nangyari. hindi niya kinuha ang mga alahas namin (relos lang naman at bracelet ng kasama ko) at mga cellphones namin. pinuntirya niya talaga ang mga wallet namin. Nagkataon na wala naman halos laman ang wallet ko dahil hindi talaga ako nagdadala ng malaking amount ng cash. ayun, halos wala rin siyang napala sa amin. Mabuti na lang at hindi niya tinuluyang isaksak sa akin ang dala niyang bolo... hindi rin naman kasi kami nanlaban. pero pagkatapos nung pangyayari na yun lalong nag-init ang ulo ko sa mga Muslim. sinisira lang nila ang imahe ng Quiapo at ang imahe ng komunidad nila. tsk tsk...
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
woi dude, abaa matarush ang scene na ito! buti okay ka :)) tssk talaga ang mga tao ngayon ehh utak kriminal na. sana sinapak mo yung ale na nagtanong haha :)
infairness asar nga ang ganoon.
ingat!
salamat sa pag daan :)
dats very risky! alam ko feeling ng maholdup, pero never ko naisip na lumaban, mas mahal buhay ko eh.
i got scared! loko ka. good thing ure OK!
whoa.. tht was a sad esperience, at least your ok now... anyways salamat sa pag visit sa blog ko :)
will visit this blog too! XD
wwaaahh!! napaka-sagwang bday gift naman sa yo! i guess from ate's stand point, important pa din talaga yung buhay nya kaya nya nasabi yun.. pagaling ka bro! gaya ng sabi ni robin padilla, wag kang aayaw ^_^
Hayuf na babae yan, parang nanisi pa ah? LOL dalang dala ako sa storya mew, kaya ayaw ko na umuwi sa pinas eh takot ako sa ganyan! gardamit. hey, glad ur ok though. :) OK lang na lumaban ka at nasaksak mo yun isang holdaper, buti nga sakanya pakshet.
Be happy, at ikaw ay still alive!
ouch!natry kong madukotan ng wallet pero yung blunt na hold-apan wag naman sana..yayyy!
traumatic naman 'to.tsk tsk!paano kaya nasisikmura ng mga kawatan ang ginagawa nila ano?kakatulog kaya sila ng himbing?!hayyzzz
kumusta ka naman ngayon?
Grabeeee. Ibang klaseng experience yun at ayoko maranasan. Ang tapang mo ha? tsk.
una sa lahat, nago pala ung page mu.
ikalawa, ang tapang mu tsong, labanan daw ba ang mga holdaper na may patali. pero delikado ang ginawa mu, kung nagkataon hindi lang ikaw ang napahamak kaya tama si ate. ang psp, cp at iba pa napapalitan pero ang buhay mu at ng tao sa loob ng FX hindi na. pati kamay mu kung sakaling naputol hindi na mapapalitan. Ngunit bilib pa rin ako sa katapangan mu, mabuti't wala masyadong nadisgrasya.
tama naman banat mo sa babae.. maiintindihan ko kung bakit ganun sya.. pero ..sana intindihin nya din situation nyo no.. pero grabe.. hirap ng ganitong eksena. kayzz. .mga taong walang matinong nagagwa..
is this true or is this true? ... wow ... well unang una salamat sa diyos at di kayo nakritikal at daplis klang ng lansones este lanseta ang dumaplis sayo!
pero saludo ako sa iyo ... nag ala kapitan boom ka! ... well done pero thank God din!
tapang mu naman... tama si ate, sana di na lumaban... mabuti na lang at walang napahamak... ingat lang kasi baka resbakan ka nung mga holdaper... mga halang kaluluwa nun... di yun papayag na basta ganun na lang.
ay nako.. ikaw pala ang bagung bayani noh! panalo ang scene na yun ha!!! hehehe!!
epal naman nung ale na yun,, tinulungan mo na nga e.. nag siside comment pa..tsk!
napadaan lang ako dito...naku! nakakatakot naman. sa manila bato? dami talagang ganun don noh?.. kung ako nasa sitwasyon mo.. ewan ko lang hihimatayin siguro.. hay nku wag naman po Diyos ko.. tama si ate baka anong mangyari sa inyo. pero tama ka din ang mga pinaghirapan mo mawala nalng bigla. pero life mo naman ang kapalit. swerte walang nangyaring masama sayo.. hindi ko na alam anong sasabihin.. katakot! maimagine ko gano kasakit ang masugatan..
grabeh naman ang mga pangyayari sa buhay mo... katakot naman to ngayon.. Thank GOD that UR OK :d ...speechless ako..haha...
amping lang permi ..:)
kaloka 'to. buti okay kau.
Grabe ang excitement habang nagbabasa ako.. sobra.. feeling ko nandun din ako sa scene.. hehe..
napakatapang mo Ka Bute!
pero delikado ung ginawa mo..
buti na lang aus ang lahat..
may araw din ung mga kamoteng holdupers na un!!
*keep safe
isa lng ang masabi ko! "if you can't beat them join them." ehehehe maging hold aper na din tayo! salamat naman at di ka na-ano. your da best!
namamasyal lang ako when i saw your post... that was pretty dangerous... di ko alam if brave ung term na dapat dun pero you did it for the purpose of protecting your belongings? if yes then it what you did serve its purpose. un nga lang dangerous...
i remembered tuloy when i lost cellphones too... twice... but not as dangerous as your experience...
salute ako sayo tol' ang tapang mo! hehe. buti nlng wlang dalang baril ang mga kumag kya wlang nadali sa nu ^_^
graveh pinagdaanan moh ha... thank God ok ka naman... oh devah i sound like i care...lolz... natuwa naman akoh sau... sugatan kah nah eh humihirit ka pah kay ate...lolz... pano palah 'ung wallet moh? nakuha moh naman devah.... concern lang daw akoh...hehe... tc!... GODBLESS! -di
wow! atapang a tao, hindi a takbo! buti nman sa braso ka lang nadale.
Hala! naku--delikado yung buhay mo non ano? Buti na lang matapang yang dugo mo at mahirap kang mamatay (okay, sorry) Na hold-ap din ako ah, dalawang beses sa Pilipinas tsaka isang beses dito sa Canada, kala mo diyan lang may holdaper? dito rin!Naku kahit saan pala sila!
Pero alam mo saludo ako sa ginawa mo, eh--kung hindi mo yun ginawa, tiyak tatawa yung mga mokong na yun, kc akala nila matatakutin lahat ng tao! ehh, yun nga lang ginagamble mo yung buhay mo dun!
Anyway, hindi lang pala ako!ang nahold-ap!
Post a Comment