this guy is inlove with you, pare...

Tuesday, October 7, 2008

unang beses pa lang kitang nakita tinamaan na ako sa ‘yo. walastik may chuvachuchu kaagad. parang lucky me pansit canton. instant! kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. nilapitan agad kita sabay banat ng “hi, miss. naniniwala ka ba sa love at first sight?” hindi mo naman ako sinoplak. in fact, napangiti pa nga kita.

dahil less than one percent lang naman ang katorpehan ko sa katawan, walang araw na lumipas na hindi kita hinatiran ng merienda with matching roses pa. nung minsang magkita tayo sa swiping terminal sabi mo sa ‘kin napaka-thoughtful ko. uy! kahit hindi ako kumakain ng gulay na hinaluan ng knorr ginisa flavor mix, biglang napuno ng kulay ang black and white kong mundo. daig ko pa ang nanalo sa lotto.

bigla akong na-inspire. lalong lumakas ang loob ko na para bang nakakain ako ng isang libo’t isang balot. napa-i love you tuloy ako dahil sa sobrang pagka-carried away. ahahahay. ano ba yan? ako nga ba’y inlab at puso ko’y tuluyan mo ng nabihag? (siyet. ako ba ito?)

mr. kupido ako nama’y tulungan mo
bakit di panain ang kanyang damdamin
at nang ako ay mapansin.
mr. kupido sa kanya’y dead na dead ako
wag mo ng tagalan
ang paghihirap ng puso ko.

o, prinsesa ng buhay ko kailan ko kaya makakamit ang matamis mong oo?

35 comments:

jigs said...

bakit pare? do call her pare or fell in love with a guy? eheheheh

ka bute said...

hahaha. gurlash un mga 'tol. :) pare lang tawag ko sa kanya. hehehe. :))

jigs said...

ahhhh ganun po ba? galing nyo pong magsulat. kakatakot. tiyak mapapa oo mo rin yan in no time. ehehe anyways pwede po bang exchange links? may site ako local dito sa Davao Pagtuki sa mga Butang
if you like just send me a message ok? thank you ka bute.

Lance said...

hahaha.. cool move dude.. just take your sweet sweet time... timing lang un..if hindi pa xa taken, go agad. goodluck,dude!

bloom said...

seryoso to? hahaha.

ka bute said...

hahahaha. bakit? mukha ba kong nagbibiro, bloom? hehehe. marunong din naman akong umibig. nyahahahha. :)) epekto 'to siguro ng simoy ng hangin ng kapaskuhan. ;)

Chyng said...

ayos, my lovelife ka na nawa bago mgpasko! ;)

canky.is.me said...

medyo nawindang lang ako sa title hahaha pero nung nabasa ko.. haaay.. inlababo si koya! :) hindi ka na belong samin! hahaha

RONeiluke, RN said...

bwahaha! sobrang natawa ako dun sa kantang mr. cupido! hahaha! nanaalala ko may palabas na ganun dati sa channel two! hehe! ang lupit mp pre. galingan mo... :) peace out!

kamusta na nga pala ang braso mo?

---

off the record, the voting is now open for the e[kwento]mo: emo writing contest. i almost forgot that i passed an entry—lamentations of a withered tin can. if you liked it, don’t hesitate to drop by this site and vote. voting will proceed until october 17 (friday). there are 15 entries from 15 aspiring emo bloggers. so if you have time, it would be nice if you check us out :)

http://kundiman.net/ekwentomo-entries/

Nyl said...

hehe!ang saya mo namang magkwento. Sana sagutin kana!..pero teka lang..bakit "this guy's in love with you 'pare'? di naman siguro sya bading ano?hehe

ka bute said...

har har har.. inde naman. 'pare' kasi tawagan namin. (word of endearment, ika nga) hak hak.. ;)

Roxy said...

hah! akala ko lumabas na ang tunay mong kaanyuan. wahhehe :D

Sarap mainlab! wooooots! sige lang hintayin mo lang at sasagutin ka din nyan! ;p I believe in you!

woots.

-mOlit- said...

wow namam inlAb si mr. Ka bute.. oi.. grabeh na to.. to the highest level na!.. cool nman ng tawagan nyo pare..hehe.. good luck.. weeehhh...

chezza said...

Sweet mo naman...Ang "oo" ay mas matamis pag pinaghirapan katulad ng mga ginagawa mo sa kanya...
To Pare: Oo na agad!

icka said...

"hinaluan ng knorr ginisa flavor mix, biglang napuno ng kulay ang black and white kong mundo"
-hanep sa banat eh. magsisisi siya pag di siya um-oo.

Myk2ts said...

parang sunsilk commercial lang... awww inggit nanaman ako :(

nahj12 said...

go.. kung single and available.. go go go.. pareho naman ata kayo diba.. hehhe.. pero pick up line mo.. hmm.. no comment.. ehhe.. salamat sa pagbisita.. good luck sa love life.. heheh. .ako dn.. inggit.. lolz

Jhamy whoops! said...

wooowoooowwwwww!!! iba ang leveling nang puso mo!! inalababo ka na!!! hehehehe

-=May=- said...

congrats.sa pagiging inlove.kung di ko pa nabasa yun mga unang comment,aakalain ko ding "pare" is "pare".hahaha.pero congratz ulit, at sana nga makuha mo na ang inaasam asam mong "oo" :) hihintayin ko yang love story mo :)

Toni said...

huwaw!iba talaga nagagawa ng 'pag-ibig'!
Sarap ng feeling ng may ka 'I LOVE U '! Kikiligin ka...sabay sabi 'Ingat'...pero kung wala...

Puwede namang I love me!Ingat ako! (joke) hahaha

nice post. :)

RONeiluke, RN said...

nako! gusto ko na ngang mapanuod yun eh kaya lang wala akong makitang DVD nun! huhuhu! o xa kwentuhan na lang kapag napanood ko na... walang spoilers! ahehehe!

Love said...

haha. medyo naligaw ako d2 sa pagpost ng comment..

.. how sweet naman..
ang cute pla kapag kabute ang naiinlab.. haha..

Dudong said...

wow makata ka na ngayun....ahihihi...wow ganda ng tama sayu ng love...ako kasi pag nainlab napaka paranoid ko...pag di sinagot ung text ko, sasabihin ko agad "damuho ka, sinung kalandian mu at hindi mu sinasagot mga txt ko?" ...ganyan agad ang bnat...ahihihi, medyo busy lang kaya hindi nabibisita ang blog community...

undecipherable indentity said...

yiihhiiii....in-looovveee!!!yyiihhhiii....

eloiski said...

woohooo!
inlababo!

mapapasagot mo rin yun!

natuwa ako sa kanta na mr. cupido!

jOan aka nUdz kUlot said...

eh ikaw nmn pla ang inspired eh..huwaw... ako kaya kelan ko mahahanap ang yuri,eli,popoy ng buhay ko..hayness.. =)

jigs said...

ka bute! congrats at nag ka pr kana! ahahah cool dude. you deserve it. pero d mo pa rin ako na lilink sa blog roll mo. huhuhuhuhu


PR3 para kay ka bute! burger naman jan. :D

Lover Boy and Girl said...

Ang saya pag inlove. Thumbs up with this post. Definitely, makikilig ang mahal mo pag binasa nya to! Yahoo!

jei an™ said...

hi thanks sa pagview sa blog ko... the concert is on nov. 16 nga pla =p

Dhianz said...

graveh natutuwa na akong sobrah sa page moh ha... hehe... eto nakikibasa pa ren... pag sinagot kah nyah syah ang swerte sau.... kc parang u sound like a sweet funny guy in real person... naks.. =)

Mys Lyke Meeh said...

oi--totoo ba to? in love ka? Napasagot mo na siya? Naks--totoo bang palagi mo siyang binigyan ng merienda with rosas? naks--aye, in love ka nga, kaya?

Haha!