gitara
Thursday, May 7, 2009
four years ago...
hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko noon at naisipan kong mag-aral tumugtog ng gitara. ang gusto ko lang naman talaga e mapalapit sa’yo. sabi mo kasi okay sa'yo yung mga marunong tumugtog ng gitara. kaya ayun, kahit wala akong hilig sa musika pinilit ko pa ring matuto para sa’yo.
after ilang months natuto din ako. pinag-aralan kong tugtugin yung mga favorite songs mo. nung isang beses nga na nag-jamming tayo, ako yung naggi-gitara tapos ikaw yung kumakanta. at anak ng tinola... sumablay ako! nakalimutan ko yung susunod na kwerdas dahil sa sobrang kaba.
bigla mong hinawakan ang kamay ko at tinulungan akong itipa yung susunod na chord. hindi na ako nakapagsalita at napatungo na lamang sa sobrang kahihiyan. pero kahit napahiya ako sa'yo masaya pa rin ako. yun kasi ang unang pagkakataon na hinawakan mo ang kamay ko.
kapag break time madalas tayong nagkikita sa utmt sa loob ng university. doon ka madalas nagpapalipas ng oras noon kasama ang mga kaibigan mo. pagkatapos kong kumain, doon na rin agad ako dumidiretso. nakikitambay pero hindi naman tayo nagkikibuan. nakakatawa pero kahit hindi mo ako kinakausap, kuntento na ako na mapagmasdan ka habang kumakanta kasabay ng romantikong musika ng iyong gitara.
noon, naisip ko na sana ako na lang ang naging gitara. madalas mong kasama, madalas mong ka-jamming, at madalas mong nabibigyan ng atensyon at pag-aalaga.
happy ending pa rin naman kahit hindi naging tayo. next month ikakasal ka na. at masaya ako para sa'yo. magkakaron ka na ng sarili mong pamilya. at tulad din ng sinabi sa commercial ng mcdo, anu't ano pa man, ikaw pa rin ang first love ko.
hindi man ako ang naging iyong gitara, para sa kin ikaw pa rin ang aking matamis na musika.
16 comments:
I think this is considered as a sweet ending pa din.. Haay!
Tagal mo nagpost ulet! Tamad! hehe
honga eh. ngayon lang kasi ako nkapagbayad ng bill ng kuryente at dsl eh. chos.(--,)
hang sweeeeeeeet naman..
kakatunaw....
oo nga tagal mong nawalah... once in a blue moon ka lang mag post.. tsk... eniweiz we miss yah...
"sana ako na lang ang naging gitara. madalas mong kasama, madalas mong ka-jamming, at madalas mong nabibigyan ng atensyon at pag-aalaga." --- ayos sa quote... =)
at least naging bahagi sya nang maganda mong alaala sa nakaraan... ingatz lagi... Godbless! -di
wow...galing napaka romantiko ng pagkakasulat...sakto sa mcdo na commercial...
hayzz..
nagkaron din sya ng new post after 48 years... hahaha
haha ang sweet naman ng story..
ang weird.. kasi talagang nagpilit ka pa na mag-aral ng gitara kahit di ka mahilig dun.. aba!! mahirap yata yun ah??
atleast kahit paano, dahil sa kanya, natuto ka maggitara.. oh di ba??
siguro, may iba talagang nakalaan para sau..
(^^,)
Wow! Fren,tagal moh di nag-post.HAlos araw araw akoh dumadaan sa blog moh,la nman ako napala.hehehe
Pero eto,bumawi ka nman.Nakakadala nman tong post moh..Galing!! May susunod pa kya?!hahaha
A Writers Den
Yay,tumpak sa McDo commercial ha..;D
Galing nman ng pagkakasulat ah,so sweet.May pinaghugtan tlga?! hehe
Travel and Living
hanep!!! parang commercial lang ng Mcdo! ahehe!
it's really nice to reminisce sometimes and remind ourselves of good things that had passed...
congrats to her :)
..."hindi man ako ang naging iyong gitara, para sa kin ikaw pa rin ang aking matamis na musika."
ako rai maawa nito ba. hehe.
nice naman.
...sana sa pagkakataong ito nahanap mo na ang gitara mo at nang matugtug na rin nya ang himig ng puso mo.
waahhaha. pandamay!
ang sweet naman nun,nilanggam tuloy ang singit ko,darating ang araw mkakahanap ka rin ng gitara mo na mas masarap pakinggan kesa sa inaasam mo.
wow naman.. thats sweet.. soon makita mo rin yung gitara na para sayo...keep loving kabute..hehe
are u gonna sing at her wedding? ;p
Tagal mo nawala ah!
Soon you'll have the same sweet story such as your past but this time, its for you to keep ;p
ehem... ang sweet ha...
first time ko po dito... :)
Galing! Baka pwede mong gawing awit Mr. Kabute. Mag-no. 1 yan, he,he.
Dalaw lang, salamat.
wow naman... :) thank you sa link :)
Post a Comment