prologue...
monday morning, habang nag-bbreakfast ng pasalubong nyang chorizo...
sya: kwento ka ng kwento tungkol sa tukso e tatlong taon na yata kitang pinipikot pero until now ni laway mo di ko pa natitikman. bakla ka nga siguro. ako: kelan mo naman ako pinikot?
ako: di ka kasi nakaka-arouse.
sya: gago. buti pa nga 'tong chorizo, iwan mo lang dyan tumitigas na. ako: nagmamantika naman. *grin*
walang kwentang prologue. hehe.
IKALAWANG TAGPO: ANG TEACHER'S ASSISTANT AT AKO
meet dona. sa lahat siguro ng TA (teacher's ass..istant) na nakilala ko, sya na ang pinaka-hot. hot as in hot talaga. kasing init ng pandesal sa pugon de manila, masarap kainin mapa-umaga man o merienda. ^_^
isa si dona sa mga TA ni dr. dizon, ang manyakis naming prof sa bio. kung papipiliin ako ngayon ng mapapangasawa, gusto ko yung katulad ni dona. mabait, maganda, mabango, hot (paulit-ulit ako) at higit sa lahat, makinis at balingkinitan ang katawan. sabi nga ni ron, parang ang sarap-sarap nyang dilaan. (oo, ang manyak. haha..)
kung tutuusin, ni minsan hindi naman ako nilapitan ni dona. pero pucha, sa tuwing makikita ko sya, pakiramdam ko pilit nya kong hinihila papalapit. parang magnet. sa sobrang paghanga ko sa kanya, sumali ako sa mountaineering club (kung saan member din sya) kahit pa bukod sa wala naman akong gamit, wala din akong kahilig-hilig.
unforgettable ang unang pamumundok ko kasama si dona. ilang minuto pa lang kaming naglalakad nang bumuhos ang malakas na ulan. pagdating namin sa camp site, nakita ko si dona... basang-basa (sa ulan. literal yan). nalalag ang panga ko. tumindig ang mga balahibo (balahibo lang?). lumipad ang isip ko at nag-imagine ng kung anu-ano. nang dapuan ulit ako ng tamang huwisyo, ang tanging nasabi ko na lang, "lord, patawarin po ninyo ako." hehe.
pagbalik namin sa maynila, nalaman ko ang trivia na devil's mountain pala ang tawag ng mga mountaineer sa bundok na inakyat namin. naisip ko, lahat ba ng umaakyat dun nade-demonyo tulad ko? (--,)
bukod sa trekking experience namin ni dona, madalas ding magtama ang mga paningin namin sa cafeteria. nginingitian nya naman ako at alam kong wala yung halong kahit anong malisya. pero sa tuwing magkaka-tinginan kami, parang gusto kong isigaw, "dona, pwede bang patikim? pramis, di ko lalamugin!" lels.
isa pa sa mga memorable experiences ko yung finals namin sa bio. may bakanteng upuan sa tapat ko at dun sya pumwesto para mag-sort ng test papers. natigilan ako kasi ang bango. first time ko syang nakitang naka-bun ang hairstyle, at syet.. ang puti ng leeg. pinagpawisan ako sa loob ng aircon na kwarto. that time ko nalaman na isa rin pala yun sa mga weaknesses ko -- babaeng maputi ang leeg. @_@
hindi ko makakalimutan si dona. bukod kasi sa talagang artistahin sya, sa kanya ko lubusang naintindihan yung term na maka-mundong pagnanasa. alam mo un? hahaha. at isa pa, dahil kay dona, minsan sa buhay ko, naging devil mountain climber ako at kahit pano, saglit kong naging paboritong subject ang bio. ^_^
24 comments:
bitin mode! part 3 hehehehehe
may nagngyari?hahahah
ganun talaga enoh pag may gusto ko sa isang tao.
sana may nangyari sa inyo ni dona... aabangan ko! :D
Buti walang kademonyohan ang nangyari sa devil's mountain ... LOL! JUKKKK! :D:D:D:D:D:D
ayos ang pagpunta mu sa devils mountain saktong -sakto :)
Hahahaha.. Kala ko ang blog na to ay pang bekis.. Hehehe. Sorry. but anyway, abangan ang susunod na tagpo!
nakakaarouse siguro siya pag basang basa. lolz
go lang . post ka lang bro as long as TRUE TO LIFE to ah
May mga luntiang pangiliti pero kung ano ang gusto ko dito 'yong pag-oorganize mo ng iyong thoughts.
Elibs!
:)
hahaha! paganda ng paganda at.. yun na yun! hmm, i think, you could get published.. or better yet, when you finish writing this, you can get yourself published in black and white. para mas accessible sa hot-blooded pinoys hehehe.. (;
hmm, naalala ko tuloy yung memoirs of a geisha. sabi dun sa book, mas naaarouse yung mga male japanese sa neck ng haponesa, kesa sa legs or any part of their body. baka may lahi kang japanese? sabagay, di nakapagtataka, malamang nalahian yung mga ninuno mo.. (;
P.S. nag-eexist ba talaga ang devil's mountain??? kung oo, san naman yun? makapunta nga.. hehehe..
P.P.S. ngayon ko lang napansin, pero thanks sa paglagay ng link ng URL ko sa sidebar mo hah? nagustuhan mo talaga ang blog ko. the feeling is soo mutual! nyahaha
@karen: lakas mambola. un oh. ;)
hot-blooded pinoys? should i interpret it literally? hahaha. yung mt. cristobal in quezon is the devil's mountain. sabi nila twin daw un ng mt. banahaw. so parang si cristobal ung bad and si banahaw ung good. something like that.. kaya nga dpat pala sa banahaw na lang kami umakyat. hahaha. kung pupunta ka dun, just be sure na hindi umuulan. payong kapatid lang. lels. (--,)
yeah.. so MU na tayo. ooops. ahahaha. ;)
a great inspiration can take you greater heights-see--umabot ka sa bundok.magnda talagang motivation ang libido.joke po.hehehe
ngayon ko lang nabasa ang part 1 at part 2 unang tagpo. at talagang kelangan ay dalawa ang part 2? lolz.
ahm. galing mo sa tukso ah. nakakabilib. parang di ko kaya yang mga ginagawa mo. wahahaha. disiplinado.
sa mt.cristobal ang bundok na sinasabi mo. tama ba ko? natukso din ako dyan. wwahahaha. dun kame sa crater ng ng ... camp. lol. wala lang.
uy, di ako marunong mambola ah, that's a baseless accusation! hehehe. ims serious. and yeah, when i said hot-blooded pinoy's, you have to take it literally..
oh.. interesting.. biruin mo, meron palang kambal na mountains. bat ampanget ng name ng kambal ni cristobal? hahaha. yeah, magdadala talaga ako ng payong. ayokong matulad kay dona. loll
yeah. m.u. na tayo nyan. ayos ba? hehehe *wink*
ser alam mu yung kanta ng kamikazee na "lalandiin"? try mu pu pakinggan, haha baka maka relate ka, hihi! :D
hahahah! kung emo ako..bastos ka!! hahha! napatawa mo ako! nakakademonyo nga tong post mo nag iisip tuloy ako kay dona naiimagine ko tuloy sya...natitibo ata ako! waaaahhh!
ayos dali next please!
added you sa blogroll ko..i like you na! close na tayo ha?! hmmm...may twitter account ka ba? add mo ako @iyakhin ok!!
i like your humor..natural..promise!
galing mong mag-type... typer ka talaga.. :)
hi!
i'm a women's rights advocate...silent na lang ako sa blog mo
thanks for leaving a comment on my post and here is my answer:
VFA is an unequal agreement between the Philippines and the US. Who needs US forces in our country? I think we don’t need US forces here…what we need are jobs and social services like health and education. The presence of US forces undermines our national sovereignty.
these more than 700 US troops are stationed indefinitely in Zamboanga since 2002? What are these US forces doing there? There mere presence endangers our country, US has many enemies…
there are also violations committed, remember the case of Daniel Smith that raped Nicole? How about other abused Pinays that didn’t come out in the open because they were scared?
Please read my other post regarding VFA:
http://lifeandstrugglesxxx.blogspot.com/2011/05/us-military-bases-again-no-way.html
http://lifeandstrugglesxxx.blogspot.com/2011/05/is-there-really-on-going-talk-of.html
http://lifeandstrugglesxxx.blogspot.com/2011/05/how-vfa-review-will-end-up.html
thanks for taking time visiting my blog
wui may email ako sayo...
gamit ko ung email addy na nigagamit mo kapag nagcocomment ka sa blog ko.. ang twtter ko? twitchYanah
-yanah
si donna!-ang babaeng nagpatindig sa kabute ni ka bute :)
@karen: uy, cybersoul na naman yan. hehehe. mganda ung tanong mo. ba't nga ba ang panget ng pangalan ng twin ni cristobal? ang daya no? ;) if ever, ikaw lang ang 'kakilala' ko na umaakyat ng bundok na nakapayong. ;)
P.S. i don't have plans to become a Rater R writer. wholesome kasi ako. hahahaha. (--,)
di po ako script writer. lels
haha.. cybersoul ba. bahala ka!
yeah, e yang name mo kaya? maganda ba? hehe. di ko na-gets nung una e.
haha! uy, nagmountainhiking kami dati ng nstp class ko, nakapayong ako noh, foggy kci sa baguio.
P.S. Oo, alam kong wholesome ka. Defensive ka naman! d:
Gusto ko din ng maputing leeg, masarap na tignan, parang ang sarap pa halikan. Haha. yun lang.
Post a Comment