tukso: part 2 (ikatlong tagpo)

Thursday, May 26, 2011

prologue...

may mga bagay na hindi na dapat ikinu-kwento pero masarap pag-usapan. aminado naman akong matabil ang dila ko kaya susubukan kong magkwento sa paraang alam kong hindi bastos. pero kung ganun pa rin ang dating, magkaiba siguro tayo ng definition ng socially incorrect behavior. o siguro, isa nga akong pokpok. (compliment ba 'to sir j? *grin*)

sayang, wala ako nung pefect tongue.

isa na namang walang kakwenta-kwentang prologue. (--,)

IKATLONG TAGPO: SI SUGAR, SI CUPCAKE, AT AKO

uunahan na kita. hindi ito threesome, wag masyadong malisyosa kasi wholesome akong tao. (naka-italics, ibig sabihin medyo hindi totoo. medyo lang? lols)

nang napiling first place ang entry ko sa isang literary contest (na sabi nila e prestigious daw), aba, naging instant celebrity ako. bigla akong sumikat at feeling ko ang gwapo-gwapo ko walang hindi nakakakilala sa 'kin sa loob ng campus. all of a sudden (kunwari hindi ko pinlano), bigla akong na-link sa dalawa sa pinakamagaganda at pinakamatatalinong babae sa klase (panalo! bwahahaha!)

temptation # 3: si sugar.

typical girl next door -- maganda, matalino, prim and proper, elegante, at higit sa lahat.. virgin. *,* <= sparkling eye yan. wala lang. hahaha.

sa dinami-dami ng nakilala ko nung college, masasabi kong isa si sugar sa mga babaeng matatawag kong gf material. at inaamin ko, minsan din akong napabilang sa mga daan-daang kalalakihang nagpapantasya sa kanya nung kolehiyo. in short, isa din ako sa mga umasang makaka-first base sa babaeng tinaguriang anghel ng batch namin.

kaya naman nung naging close kami, aba, hindi na ako nagmabagal pa! (oo, ako na ang oportunista). diskarteng marino agad. natuto akong magpanggap at magsinungaling manligaw at mambola. natuto akong magtiyaga. at makalipas nga ang ilang buwan, naka-jackpot ako ng espesyal na nilaga -- naging kami. hindi lang MU, as in naging kami. sabi nga ni greg, "langya! nag-level up ka na, 'tol!"

for the first time in history, ginanahan akong pumasok. pero palibhasa'y naive pa kami pareho (weh, di nga?), hindi kami sweet-sweetan ni sugar sa school. paminsan-minsan, may mga "alam mo na" moments din naman, especially kapag nasa sasakyan at ihahatid ko sya pauwi. nothing extraordinay. normal lang ika nga. lumipas ang mga buwan at masasabi kong nanatiling nasa morally acceptable level ang relationship naming dalawa.

in partial fulfillment of the requirements for the subject statistical research, napadpad kami sa bataan para makisalamuha at mamuhay kasama ang mga kapatid nating aeta doon. one-of-a-kind experience dahil sa loob ng tatlong buwan, wala kaming nakitang ibang tanawin kundi bundok, puno, at ilog. walang kuryente (bumababa pa kami sa bayan para lang mag-charge ng cell phone), walang internet (hindi pa uso ang wifi at usb broadband), at walang starbucks na status symbol ng mga THMS na estudyante noon.

lima kami sa grupo -- dalawang babae, dalawang tunay na lalake, at isang nagpapanggap na lalake. nang matapos na namin ang ipinunta sa bataan, nagkayayaan ang grupo na magliwaliw muna bago bumalik ng maynila. nagcheck-in kami sa isang resort at presto! mga instant bakasyunista na ang drama naming lima!

wala ng plastikang nangyari. magkasama kami ni sugar sa isang kwarto. hindi kapani-paniwala pero ni isang hibla ng malisya e walang dumapo sa utak ko noon. promise. (kaming dalawa sa isang kwarto? walang malisya? di nga?? hehe.) mabait si sugar. respectable and super caring. at takot ako sa mga taong tulad nya.

half past 10 sa loob ng malamig at dimly na kwarto...

tahimik kaming dalawa. pakiramdam ko that time pareho kaming naghihintayan kung sino ang unang magsasalita (na karaniwang senyales ng pagsisimula ng intimate moment ng mga mag-jowa). after ilang minuto ng pananahimik, in-off nya ang tv na sa totoo lang e hindi ko naman ma-absorb ang ipinapalabas. humiga sya at inihilig ang ulo sa dibdib ko.

hindi ko alam kung anong meron sa gabing 'yon. walang dapat i-celebrate. hindi ko birthday at hindi din namin anniversary. pero inalok nya ako ng regalong alam kong kailanman ay hinding-hindi mawawaglit sa isip ko. inalok nya ako ng regalong alam kong kaya kong tanggapin pero hindi ko alam kung kaya kong panindigan.

pero andun na e. nagkasubuan na (pardon the pun). at isa pa, paano ko tatanggihan ang isang anghel na nahulog sa lupa at nagsusumamong ipatikim ko ulit sa kanya ang langit? paano? e tao lang ako.


P.S. next entry na lang si cupcake. *tamad mode*

34 comments:

kae said...

'sayang, wala ako nung perfect tongue.'
di nga? hehe.. natawa ako.(;

uy, first niyo ata ni sugar ang isa't isa? sweet. (im assuming true to life to!) (;
at nambitin ka na naman. (;

ka bute said...

hi, karen. yow! ^_^ i thought of that perfect tongue thing kasi parang it fits me well. i think that's the least description my friends will say about me. haha.

and yes. all entries here are true to life. no kidding, no bs (as in bullshit. oops. ;) at mahilig talaga akong mambitin. masanay ka na. lols. ^_^ thanks for reading.

P.S. i really suck in spelling. kitams? mali pa ang spelling ng tongue. hahaha.

YOW said...

Ang landii naman. Hahaha. Naintindihan kita, mahina lang tayo at mapagbigay. HAHAHA. Akala ko rerespeto ka pa din eh. Mukhang ang ganda ganda naman ni Sugar at pinagkakaguluhan.

J. Kulisap said...

Sige nag-level up ka na, isa ka ng puta.

Sana anonymous ka forever, magagamit mo 'yan.

Babala. Bawal ang tambay kung walang kwento. Hahahaha.

Cupcake na.

ka bute said...

@sir jkul: langya. kahapon pokpok lang, ngayon puta na??? ;)

mahilig talaga akong magpa-anonymous effect. kahit sa trabaho. sabi nga, mas makikilala mo ng malalim ang isang blogger kapag pinagtagni-tagni mo ang mga kwento nya.

P.S. take note, pinagtagni-tagni. tae, ang hirap i-spell. epekto ata ito ng matayutay at balinguyngoy.

Unknown said...

haha.. napaisip ako kanina kung totoo ang mga kinukwento mo dito. pero nabasa ko ang comment ni karen and reply mo so totoo nga. Pero sa totoo lang normal lang naman yan na pinagdadaana ng bawat isa.

Napansin ko hindi ka nga talaga malisyosong tao no? Di nga? haha.. walang kamalimalisya ang mga post mo. Ganun pa man, nag-eenjoy ako. hehe.. :)

nyabach0i said...

wait. so ano na nga ginawa mo? hehe.

EngrMoks said...

akala ko nung una threesome story to...lol.

Oo tao ka lang at ang tao lapitin ng tukso...Go!

Bino said...

nagantay din ako ng threesome. joke!!! aabangan ko ung kwento nung cupcake. at ikaw na ang mahaba ang hair! wooot! :D

Anonymous said...

at si cupcake ang naging bunga..

glentot said...

Ang bangis mo! Next time samahan mo naman ng visual aids ang mga ganitong kwento hehehhe

rica said...

haha! bitin lang eh? sa lamig nun di mu naisip magpainit ng konti? konti lang naman sir haha! :P

Anonymous said...

Nakanampotcha, talagang expected ko na buumbuo mong ilalahad lahat ... Marami akong matututunan sa iyo, dapat siguro mag-takedown notes lang me ... :D:D:D:D:D:D:D

Anonymous said...

nakajackpot ka nga...humilig na sya then?....lels..


si cupcake naman...

daming chixzs...

kae said...

weh. true to life sabi mo? sige na, ikaw na ang lapitin ng tukso.(x
ganda yan, take adavntage of your 'gift'. lol
okay lang mambitin. mas thrilling. loll. pero humanda ka, in the future, ikaw din ang bibitinin sa paraang ayaw mo *evil laugh*

ka bute said...

@sophie: define evil laugh... a stereotypical laugh associated with villains in acting, sometimes represented by muahahaha. pero since pinoy tayo, it sounds more like BWAHAHAHAHAHAHA! lols. ^_^

Unknown said...

Hindi naman ikaw ang lumalapit sa tukso, kaya safe ka dun. And problema ang tukso lumalapit na sayo. Kasi nga ang hot hot mo.. lels..

ka bute said...

@mayen: hindi po talaga ako malisyoso. malikot lang ang pag-iisip ko. pero hindi ako malisyoso. haha. (di naman masyadong defensive. lols)

@ser moks and ser bino: hindi ko pa po naranasan yang threesome. ano po yun? nyahahaha. ako na ang pa-inosente effect. ;)

@sharlot: naku, wala pa po akong anak. ^_^

@nyabach0i and rica: bitin? lels.

@ser glentot: oo nga no? pwede siguro yung video tapos may subtitle pa sa ilalim. (parang scandal lang) ^_^

@michael: wholesome nga po kasi ako kaya di ko na kinuwento in details. hahaha. (parang di naman)

@jay: pero parang mas marami ka ser eh. ^_^

Unknown said...

Hindi naman ikaw ang lumalapit sa tukso, kaya safe ka dun. And problema ang tukso lumalapit na sayo. Kasi nga ang hot hot mo.. lels..

joeyvelunta said...

akala ko may threesome nga talaga. Nambitin ka na naman. sundan na agad yan.Si cupcake nakakasabik hahaha

Jkul alam ko trabaho nito sir. Karpentero to malamang, ang hilig mamukpok eh hahaha

iya_khin said...

waaaahhhhhhh! so me nanyari?!!!!!! bitin! naman naman naman!

eMPi said...

ang tukso ang lumapit sa iyo kaya pagbigyan na. hahaha

ka bute said...

ano daw yung THMS?

Trying Hard Maging Sosyal.

madaming ganyan sa starbuko. (--.)

doon po sa amin said...

hello! inosente talaga ang site mo, hehe... napadaan lang. :)

_isheloveblog_ said...

asan na si cupcake? hehehehe.. ^_^

Kench Alegado said...

haha nacurious naman ako sa pamantayan ng perfect tounge..
ikaw na nilalapitan ng tukso ikaw na ikaw na hahaha..

bulakbolero.sg said...

premyo mo siguro yun sa pagkapanalo mo sa literary contest na sinalihan mo. lol. at ikaw na ang kunwaring malisya nung kayu lang ni sugar sa iisang kwarto. ikaw na kunwaring hulsam. lol. piz naman.

Anonymous said...

naadik naman ako magbasa ng blog mo at di na ako nakapag work. nyahahaha... kabute ka...

ka bute said...

@anonymous: thanks! may sense ba? hahaha. (--,)

P.S. mahilig ka ding magpa-anonymous effect ano? lels. leave ur link. come one. ^_^

tina said...

hahaha! aliw talaga mga post mu! so matamis naman ba si Sugar? :)

Tama, cupcake na! bitin eh :)

Nikka said...

nice one!
so i assume hindi na kau ni sugar? (lol eto palang nababasa kong post mo eh..sorry!) (^_^)
haha dapat di mo na pinakawalan! seems like a great girl!

kae said...

hey robin: yays! finally! the perfect def for my favorite kind of laugh! uhm, sorry hah. i dont BWAHAHAHA.. i only LOL. hihi

Unknown said...

Ganda ng blog mo ah? okay pag ka gawa ng layout...

gasti said...

buti pala active na ulit itong blog mo..sakto sa pagkabute eh. lulubog, lilitaw. hahaha!

nice catch! ang swerte mo naman kay sugar. ex-gf na? sayang rin. mas ok kaya si cupcake? hmmm...