coloring book

Saturday, June 11, 2011

sa pagbuklat ng bawat pahina
pawang mga guhit ng itim na tinta
mga larawang kapos sa kulay
balintuna at walang buhay
sa pagbuklat ng bawat pahina
sila ang humuhusga
sa bawat timplang lumalapat
at paunti-unting pagkalat
sa pagbuklat ng bawat pahina
larawa'y tila nag-iiba
sa pagpahid ng bawat pinta
na desisyon ng mga humusga
sa pagbuklat ng bawat pahina
anu pa man
nananatili
mga guhit ng itim na tinta

22 comments:

Anonymous said...

Naks, tumutula na you ... Bago din ang profile theme! LOL. :D

kae said...

oy robin, iba na? tutula ka na lang? pano na si cupcake? nice theme (;

iya_khin said...

nasa ibang planeta ba ako?!!! ang linis ng bahay mo ah!!!! nakakapanibago!! tumutula ka na din ah!!! galing naman!!

tampo ako sayo...huhuhuh....wala ako sa BR mo....waaaaahhhhhh!!!

zeke said...

bigyan kita ng crayola. kaso lang putol putol na.haha

Anonymous said...

gusto ko ang theme ng blog mo,hehe napakawholesome atang linis.. ilang blog na ang dinadaanan ko parang lahat ay tumutula, makapagpost nga din ng tula.haha

tina said...

Wow! Tula :)

Pero nasan na ung part 3? :)

Unknown said...

Gusto ko ang theme parekoy.. Malinis. Ganda ng tula!

jec mendiola said...

hello :)
Gusto ko lang sabihin na gusto kong ma-achieve ang ganto kalinis na look ng blog, ang ganda sa mata ^^

Ngayon lang ako nag-comment at malayo pa sa post mo.
Sa pagkakaintindi ko, sa pananaw ko lang naman...
maihahalintulad ang buhay sa coloring book,
"sa pagpahid ng bawat pinta
na desisyon ng mga humusga" --ang tao, ang gumagawa ng sarili nyang tadhana.

Iisa lang at pantay ang inihain sa ating buhay, nasa atin na kung paano sya magiging iba. K. I'm trying to make sense. yung lang :)

bloggingpuyat said...

nice poem..bago na lay-out ng blog mo, astig :)

Unknown said...

akala ko naligaw ako, tinignan ko pa kung ikaw na talaga ang napuntahan ko. ang ganda ng bagong anyo at maganda ang tula. mahilig ako sa coloring book kahit ngayong medyo isip bata na lang ako na-eenjoy ko pa din sya.

J. Kulisap said...

Masarap mag-iwan ng itim na tinta, maluluma ang panahon, kukulubot ang balat pero mananatili ang kapangyarihang taglay ng itim na tinta, ayon nga sa pagkakaunawa ng makakasumpong nito.

:)

_isheloveblog_ said...

aun un eeh..
lumalalim eeh..
epistaxis na q..hehehehe... :P
padaan dude..^_^

Unknown said...

nice naman galing!

bulakbolero.sg said...

makata ka pala. sa tingin ko ang buhay ng tao, parang libro, may storya sa bawat pahina.

ganda ng theme mo ngayon, malinis. musta mr. kabute?

MysLykeMeeh said...

Makata!...hey what is balintuna???

Anonymous said...

krayola at ang itim na tinta ..hehehe ^^ nice one.

doon po sa amin said...

hello! mahusay ang tula ka bute. pero, tulad ng iba pa, bumalik rin ako para sa part 3, hihi... titingnan ko sana kung gaano ka-irresistible ang beauty mo, ahaha!

kumusta, tag-kabute na naman. panahon nyo 'to! :)

Mitchie said...

astig to. heheh :)
gusto mo ng crayons ? =p

EngrMoks said...

taga Bulacan ka ba? makatang makata ka pre!