tukso: part 2 (unang tagpo)

Tuesday, May 17, 2011

unang tapak ko pa lang sa grounds ng unibersidad, alam ko na kaagad na hindi ako makaka-graduate ng hindi nakakatikim ng luto ng diyos. haha. ang daming girls. ang daming temptations. at karamihan sa kanila, nakaka-ano talaga. ano, as in nakaka-tempt. hehe. (.)(.) <= hindi yan boobs, mata ko yan. (--,)

UNANG TAGPO: SI SHYLA AT AKO

itago natin sa pangalang shyla si temptation #1. sya yung unang babaeng naka-ututang dila ko sa klase. bukod sa pareho kaming late nung entrance exam (sa pagkaka-tanda ko sya yun pero ayaw nyang aminin), di ko na gaanong maalala kung pano kami naging close. siguro dahil hindi sya yung tipo ng babaeng pa-demure tulad ng iba.

kung ide-describe ko ang personality nya, isang salita lang ang naiisip kong pwedeng ikabit sa kanya. certified flirt. (dalawang salita pala. hehe. labo no?)

ilan sa mga di ko makakalimutang linya ni shyla nung mga panahong nagbo-bonding kami:

during orientation sa org na napag-tripan naming salihan...

sya: ba't uuwi ka pa sa inyo? sa boarding house ka na lang matulog. tamang-tama, tapusin na natin yung project natin.

ako: di ba end pa ng sem ang submission nun?

sya: oo nga. e july na kaya ngayon....

ako: ah.. sige.

sa loob ng classroom habang hinihintay si prof...

sya: samahan mo naman akong mag-cr. sige na, break naman e.

ako: ako talaga sasama sa 'yo?

sya: oo. dun ka lang naman sa labas di ba? unless gusto mo din akong samahan hanggang sa loob.

ako: ok.

last day bago mag-christmas vacation

sya: anong gusto mong gift this christmas?

ako: cell phone.

sya: ayaw mo ako na lang? mas malambot ang keypad ko.

ako: pwede?

during gen sci class...

sya: kung ide-describe mo ko in one word, ano yung first letter ng word na yun?

ako: F

sya: F? as in fabulous?

ako: F ba yung fabulous? hindi ba P?

sya: shonga! F yun.

ako: ah...

sya: so ano yung F? flirt?

ako: hindi. friendly.

sya: akala ko fuckin' hot.

ako: sabe mo one word...

one time habang nasa bahay ng isang kabarkada

sya: ni minsan ba wala kang naramdamang kahit ano sa kin?

ako: naramdaman na ano?

sya: naramdaman na L.. alam mo na yun...

ako: anong L? L as in love?

sya: L as in... (sabay kagat sa labi nya)

ako: (tumulo ang laway)

madalas kaming mag-overnight ni shyla sa boarding house para gumawa ng projects. sa kanya ko nalaman na naa-arouse pala ako kapag nadidikitan ang binti ko ng binti ng babae. haha. weird. pero sa maniwala kayo't sa hindi, never akong naka-score naka-homerun sa kanya. malandi lang talaga sya pero hindi naman sya whoreta.

in short, maluwalhati ko namang natapos ang unang taon ko sa kolehiyo. pero di na kami naging magka-klase ni shyla nang sumunod na taon dahil nag-transfer sya sa isang eskwelahan sa dasma. ang daming pagkakataon para maaga kaming magka-sala pareho. pero ewan ko... ni kulay nga ng underwear nya di ko tinangkang makita.

noong una, natanong ko din sa sarili ko... di kaya bading ako? pero later on na-realized ko, lalaking-lalaki pala ako. magaling lang talaga akong mag-muscle mag-self control. hehe. @_@

32 comments:

Diamond R said...

todo na ito ibang klase yon L grabe ang tawa ko.at yong panghuli mong mensahe.Ayos ang bait-bait mo pero parang di kapanipaniwala.
ngayon ko lang napansin ang ganda pala ng Worpress sa mga ganitong style ng post. ang linis tingnan.

tina said...

hahaha, ang kulet ng mga q&A niyo. Aliw talaga ako sa blog mu :)

Anonymous said...

amputek hahahaha

may pabitin effect ang post mo kakainis ka.


-yanah

MOKS™ said...

nambibitin! ang dami nyong bloggers na mahilig manbitin ah! LOL pero ang kulet ng post na to. TNT ako!

karenkarenkaren said...

haha! adik ka! natutuwa ako.. lol. your blog is my only guilty pleasure lolll tukso ka

-mark- said...

nagpapakita na nga ng motibo di pa kinagat.hahahaha ang babait ninyo.hahaha

KikomaxXx said...

putik.. sarap mangbitin pero ayus.. hehhee

rah said...

Dumating din ako sa point na ganyan. Na madikit lang ang binti ko sa magandang babae, nakukuyente na ako. Sa tingin ko lahat naman dumadaan sa ganyan. hehe can't wait for part 3.

may11apr1940 said...

haha! sobrang kulit mong magkwento, nakakatawa! salamat sa pagkaligaw doon sa amin. :)

mots said...

napatawa mo ko dito nang bongga! hehehe isang muscle control nga dyan hihi

tim said...

Hahahaha.. Talagang lahata yata kami na bumasa at nag comment pinatawa mo. Kaya, sa comedy my future ka.. hahahahaha

mayen said...

nabobo naman ako kung saan magko-comment dito.

oy thanks sa napaka makabuluhan mong comment sa blog ko. hehe.. serious na thanks sa pag dalaw sa bahay ko. Nabitin naman ako sa inyo ni shyla. hehe.. parang nakita na naman ako ng bagong magpapatawa sa akin ah? follow na kita ah? :)

empi said...

nakaka-tukso si L... Lol

nieco_speaks said...

adik lang. wahahhaha...

rica said...

haha ang cute nito, natawa ako sa emoticon

(.)(.) <= hindi yan boobs, mata ko yan. (--,)

salamat pu sa pagdalaw sa aking blog sir! ganda ng lay out mu parang ntbk lang ahihi! :D

Tine said...

ayos! niligtas mo ang isang babae sa reyp! hahaha ay kaso mukang gusto niya rin naman? loool. ang weird lang kasi may kilala akong shyla na nag-aral sa DLSU-D... as in la salle dasma. bwahahaha :))

J. Kulisap said...

May disiplina ka.

Good 'yan.

Traveliztera said...

bilib na ako sayo... mabuhay ka kapatid.

...baka nga lalake talaga gusto mo? ... d kaya?

hehe joke lang :) sige...magaling ka na hehe

ghilzie said...

haha astig!!! bibihira na lang ang ganun XD

ang astig din ng blog mo sir at ng pag kakakwento!

ayos to salamat sa pagdaan may bago akong tambayan :)

vernz said...

astigidig... naalala ko tuloy si Bob Ong sa post na to... salamat pala sa pasya mu sa blog ko.

glenn posadas said...

Nice post bro. :)) HEY SAGUTIN MO NGA AKO: totoo ba tong post mo? as in ikaw tlga to? sagoT!

glenn

ka bute said...

@glenn: matabil talaga ang dila ko. kya pati mga bagay na dpat daw e di ko na ikwento, eto at naka-online pa. pake ko? haha. ikaw na ang matigas ang ulo. (--,)

Sey said...

"Malandi lang talaga si Shyla pero hindi Whoreta" nice description. Yung second year naman or incoming sophomore ka pa lang? hala!

ken said...

sobra naman magpakita ng motibo si shyla. haha sayang lang lumipat na. sigurado marami pa yan second ka palang. :)

iya_khin said...

ahahah! L talaga ha! kala ko TL tulo laway! wahahaha! muscle control ano yun?!! hahah (insonte looks..)

apieceofkeyk said...

Nice! Buti naman at di ka nag-take advantage kay Shy. Pero di ka ba nanghinayang? Laman-loob din yun. :p

Salamat nga pala sa pagdaan mo sa lugar ko :)

hitokirihoshi jr said...

sa awa naman... malayo ako sa tukso hehehe. isa lang kasi ang pinagkakaabalahan ko ng college anime. mas crush ko ang anime characters kesa totoong lalaki. wahahaha

~ JaY RuLEZ ~ said...

ang harot mi SYA hahhaha..ndi ko kinaya hahaha


tnt sa L

~ JaY RuLEZ ~ said...

hahahahah..natatawa talga ako...

joeyvelunta said...

Mahusay kang mangiliti ng utak sir. Galing! Siguro anak ka ni Xerex ano? Di ko maisip kung sinong komedyante ang ipartner ko kay Xerex eh. Question and answer potion panalo. Lagi kang patay malisya hahaha.

ka bute said...

@joeyvelunta: nakana mo ser. talent ko po yan. yang pangde-dedma. sa tagalog, patay malisya. hahaha. ^_^

YOW said...

Bakit ngayon ko lang nabasa to? Haha. Ang landi landi nga ni Shyla. Hindi bagay ang shy na name niya, siya pa unang dumidiga. Haha.