tukso: part 1

Tuesday, May 10, 2011

hindi ko alam kung bakit lapitin ako ng tukso. kung tutuusin, hindi ko naman masasabing ang gwapo-gwapo ko. hindi din ako bolero at lalong hindi din naman kagandahan ang katawan ko.

minsan, natanong ko si officemate kung ano ba ang unang naisip nya nung unang beses nya kong nakita. direct to the point ang sagot nya. sex. ewan ko kung seryoso ang sagot na narinig ko o kung ipinanganak lang talaga syang punung-puno ng kalibugan sa katawan.

noong highschool, akala ko normal lang ang isipin at subukan ang sex. laking probinsya ako kaya kung tutuusin, aakalain mo na traditional at conservative ang mga tao. lalo na ang mga kababaihan. nayon eh.

3rd year high school ako noon nang ayain ako ng isang ka-batch na manood ng vhs sa bahay nila. walang halong malisya. pero nung andun na, ayun na. hindi ko inakala na yun pala ang unang pagkakataon na makakakita ako ng boobs ng isang dalaga.

hindi ko masasabing sya ang pinakamaganda, pero in fairness, pinagpala ang harapan nya.

4th year highschool naman ako nang lubusan kong maintindihan ang ibig sabihin ng french kiss. hindi ko sya ka-klase. at lalong hindi ko sya gerlpren. kaibigan sya sa maynila ng isa kong pinsan na dumayo sa amin dahil fiesta. habang ang lahat ng bisita ay abala sa pagkain at pakikipag-huntahan, kami namang dalawa e nasa loob ng cr at abala sa isa't-isa. nang hanapin ako ng lola ko, ang galing ng excuse nya, "tinulungan nya po ako kasi barado po yung banyo."

akala ko dati, mga pranses lang ang pwedeng gumawa ng french kiss. mali pala. kahit pala mga taga-maynila, pume-french kiss din.

ilang linggo bago ang graduation, nagkayayaan ang barkada. ano pa bang aasahan mo sa isang tagpo na ang mga gumaganap ay mga babaeng nakawala sa hawla at mga lalakeng feeling man-enough na? kanya-kanya tungga. kanya-kanyang kapareha. merong nasa tabi ng pool, nasa kwarto, nasa banyo, at meron ding nasa lababo. haha. di ako yan. marunong akong pumili ng magandang pwesto.

malamig ang hangin sa kubo. pero uminit nang hawakan nya ang kamay ko. dere-derecho. mula pisngi, hanggang leeg. mula leeg hanggang dibdib. mula dibdib hanggang pusod. mula pusod hanggang doon. mula doon hanggang dito.

itago natin sya sa pangalang Dina. at tulad ng iba, hindi din kami magka-anu-ano. MU lang. MU as in malaswang understanding. yun ang unang pagkakataon na nalaman kong hindi pala yun kasing-lambot at kasing-bango tulad ng inaakala ko. eeew. haha.

sa kabila ng mga experiences ko, naka-graduate naman ako ng highschool na intact pa rin ang virginity. unbelibabol. hehe. nang pasagutin ako sa class slumbook namin, sa tanong na what is your weakness?, simple lang ang sagot ko: tukso

tanong nung ka-klase ko, "seryoso ka sa sagot mo?"

oo. kasi honest akong tao.

26 comments:

YanaH said...

"at meron ding nasa lababo. haha. di ako yan. marunong akong pumili ng magandang pwesto."
--- hindi ka naman masyadong depensbi nyan? hahaha

kala ko nung una ang pangalan ng ka-MU mo eh Dora sorry. hahaha kinailangan kong pasadahan ulit ng mata ko para marealize kong Dina pala. DIna! hindi Dora hahaha

pakita ka nga! tingnan ko kung un din ang sasabihin ko once makita kita LOL

karenkarenkaren said...

natawa ako. ha ha.. magandang pasttime tong blog mo ah. he he. ngayon lang (daw?!) ako nakapagbasa ng ganto.

dali na, yung karugtong!haha

thanks nga pala sa pagcomment sa post kong the lovely bones book review! he he

new here! i dare to follow! blog on!

emotero said...

haha! swerte naman! XD


salamat sa visit.. gusto ko mga posts mo.. sana mas dalasan mo na ngayon. :D

ka bute said...

@yanah: kalayo naman ng Dina sa Dora. haha. petiks mode ako kaya pabago-bago at palipat-lipat. 'la wenta yung tumblr e. laging down. tama! kitakits tayo. yipee! ^_^

-mark- said...

hahahahaha, eh sa likod ng jeep habang madilim ang gabi nasubukan mo na ba?hehe try mo,kasi na try ko eh,hahaha nakakatuwang i mesmerize ang mga makamundong bagay at mga first time noong minor pa. kapag naiisip ko ngayon, parang gusto kong balikan.haha

YOW said...

Ang laswa naman, wala pa naman sa isip ko yung ganto. HAHA.
Pero tapos anu nangyari? Haha. Akala ko xerex na eh.

Hindi, langaw ang layout ko. Haha. Alam mo bang ang gamit mong layout ay layout ko dati? Haha.

Bino said...

ay tukso layuan mo ako. hehehe maaga ako'ng natukso eh. high school din :)

tina said...

the way you write is interesting, hehe! ang kulit :)

the green breaker said...

oo nga. nakagraduate ka na intact ang virginity. eh ano ang nangyari right after grad? lolz


btw, salamat sa pagdaan sa aking cyberspace. :p

The Gasoline Dude said...

Natawa ako sa M.U. Ngayon ko lang nalaman 'yan. LOLs!

Nimmy said...

Malamang sikat na sikat sa inyo ang Tarzan X. Chos. Haha.

MOKS™ said...

LOL ngaon lang ako tol napadpad sa bahay mo, nanikip ang pantalon ko! Hahaha! yan din gawain namin nung highschool, par halfday, tatambay sa kaibigan, manonood ng...... cartoon! (Hentai)

Keatondrunk said...

un naman usapang X hehe! mahirap tlga i-rid ang tukso..

Glenn Kun said...

wat da ef. :)). tae, in real life tong kwento mo d2 sa blog m"? :)

Glenn Kun said...

follow ko nga pala blog m. pafollow din ^_^

pusang kalye said...

wala yan sa kagwapuhan or sa laki ng katawan pero sa sex appeal. ikaw na ang HOT!!!!!lol

ka bute said...

@YOW: ah. langaw ba yun? haha. kala ko tutubi eh. @_@

Diamond R said...

Yan ang mga hataw may kalandian pero swabe.Panindigan na natin ang feeling close para masaya. Add you to my blog roll.Kung meron pang spasyo pa singit din ako.

Diamond R said...

41 degree Caverage na yan. Mas mainit sa Saudi pero mas nakakaitim dito dahil malapit sa dagat.Maniinit na ngayon dito.

Kench Alegado said...

hahaha siksik liglig at umaapaw na entry..

MG said...

hahahaha astig toh ah..parang bumalik ako sa kabataan ko. nagtataka lang ako..dapat pinatulan mo na yung kaopismate mo. hahaha

glentot said...

LOL maraming salamat sa isa na namang definition ng MU! Pagamit ha? haha

Sey said...

natawa ako sa definition ng MU! hehehe! Salamat sa pagdaan sa blog ko!

~ JaY RuLEZ ~ said...

magaling dumahilan si ate..hehehe

katuwa naman hahaha

J.Kulisap said...

Pwedeng manghusga?

Isa kang pokpok.

Ahahahaha.

_a_n_o_n_y_m_o_u_s_ said...

hahahahaha..
MU? Malaswang Understanding..
eto tumatak sa isip ko eeh..
hehe..nice post.
you should write more often..
bwahahahahaha..pis ^_^