kwentong singkwenta sentimos
Monday, May 9, 2011
"TOLLGATE! TOLLGATE!" sabi nung mamang driver. "isa na lang aalis na!"
ayokong ma-late sa pupuntahan ko kaya sumakay na 'ko. tang'na, hindi pa ko nakakaupo pinaandar na kaagad yung dyip. syempre hawak naman ako sa handrail para hindi ako sumemplang.
lakad.. lakad.. lingon.. lingon.. huh?!
anak ng patuka, manong! wala na palang uupuan. syet naman..
"sa kanan, sa kanan. sampuan 'yan." sabi nung driver habang pasilip-silip sa salamin.
may katamarang umurong ang mga pasahero para paupuin ako. halatang napilitan lang. kahit na kapiranggot lang ang espasyo, pinilit kong maipasok ang hindi naman kalakihan kong wetpaks.
syet talaga. hirap maging paningit! pinagpawisan ako ng malagkit dahil sa init at sobrang sikip. nangatal ang mga tuhod ko habang pilit kong pinipigilan na tuluyang malaglag sa kinauupuan.
after ilang minuto..
"ma, kanto lang!" sabi nung lalaki sa likod sabay katok sa kisame ng dyip.
baba si kuya.. urong.. urong.. urong.. ayos! at tuluyan ko na ngang naipasok ang kanina pang namamawis kong wetpaks!
ang sarap ng pakiramdam ng nakaupo. kaya naman hindi nakapagtataka na yung mga taong nakaupo na, parang ayaw nang bumaba pa. kumportable eh. karamihan kapit-tuko sa pwesto kapag andun na.
"makikiabot nga po ng bayad." nag-abot ako ng sampung piso sa katabi ko na nag-abot naman sa katabi ng katabi nya na nag-abot naman sa mamang driver.
"tollgate lang ho 'yan, galing terminal." dagdag ko nang binibilang na ni manong driver ang bayad ko.
dedma si manong. hanep, parang 'alang narinig. naghintay ako ng ilang minuto sa sukli kong singkwenta sentimos.
makalipas ang 5 minutes..
"manong tollgate lang ho yung ten pesos kanina. galing terminal ho yun." medyo nilakasan ko na yung boses ko.
napatingin si manong sa salamin. parang nagulat ata sa lakas ng boses ko. napansin ko nakatingin din lahat ng pasahero sa 'kin.
"O! ETONG SUKLI MO! PARA SINGKWENTA LANG..KUNG MAKAHINGI KA NG SUKLI..."
nagulantang ako sa sagot ni manong! nagalit yata. padabog na iniabot yung sukli ko habang bumubulong-bulong.
tuluyan ng uminit ang ulo ko.
"SALAMAT HOOOO!" mas malakas kong sagot sabay lagay ng sukli sa bulsa ng polo ko.
tawanan lahat ng pasahero. di ko alam kung kanino sila natatawa. kay manong driver ba o sa mga sarili nila?
hindi naman ako kuripot at lalong hindi rin ako madamot. sa ganang akin lang, pinaghihirapan ko lahat ng kusing na ginagasta ko. at mahirap kumita ng pera ngayon.
bago ako bumaba ng dyip, umandar na naman ang kaepalan ko. "MANONG, SA SUSUNOD 'WAG PO KAYONG MADUGA. ANG TAMA PONG MAG-SUKLI, MADAMI ANG SUKI. YUN LANG PO!"
tawanan na naman lahat ng pasahero. pati ako.
nakapayong akong naglalakad nang may lumapit na bata sa 'kin na nakaladlad ang kamay.
"kuya, pangkain lang." sabi nung bata.
hindi ko ugaling magbigay ng limos at dededmahin ko na sana nang maalala ko ang singkwenta sentimos na sukli ko.
"o, eto."
akala ko magagalit yung bata dahil singkwenta lang ang ibinigay ko. pero sa halip, napangiti ito. napansin ko na meron s'yang dinukot sa nang-gigitatang nyang bulsa - dalawang bente singko sentimos.
napangiti din ako at patuloy na naglakad palayo.
nang lingunin ko ulit yung batang nanlilimos, nakita ko na may hawak na syang lollipop.
naisip ko malaki pa din pala ang halaga ng ibinigay ko. singkwenta sentimos man, kapag sinamahan mo ng isa pang singkwenta sentimos, ay pwedeng maging isang matamis na kendi... kendi na para sa batang iyon ay pantawid gutom din.
18 comments:
nyahaha... natawa ako dun sa pagkakaupo mo ah... i remember sa probinsya, ganun na ganun din kasi punuan nga talaga sajeep... di puedeng di tama yung bilang ng pasahero bago umalis... so kung tama lang ang dami at di magkasya, siguradong pagkakasyahin na lahat ng puwet... bahala na ang kung sinong mahuli... mangatog na tuhod nang alanganin na pagkakaupo... :))
biktima din ako nyang singkuwenta sentimos na yan, pag di ako sinuklian, siguradong lalakasan ko din boses ko, bahala na kung magkasuntukan... :P
kapag prinsipyo na ipinaglalaban, kahit isang sentimo lang magkakapatayan! isipin na lang kung lahat ng pasahero ay di na susuklian, laki ng kita ng driver!!!
makikita mo lang ang halaga ng sentimo kung kailangan mo ito para mabuo ang piso.
Ei... nakisiksik ka na rin pala sa jeep... U know what... 3 years ago... when I was in college, punuan din yung jeep na sinasakyan ko... as in di aalis hangga't 'di puno. E maarte ako... nagbabayad ako ng dalawa para 'di ako masiksikan... yeah true... tanungin mo man mga kabarkada ko... sa bagay... magkano pa lang naman minimum fare that time.
About sa 50 cent... may ganung driver nga... kapag 25 cent o 50, minsan di na talaga binibigay... at gagawin ko, ngingiti na lang ako at iniisip na "CGE NA NGA, 'WAG KO NG KUNIN SUKLI, MAY PINAG-AARAL NA ANAK YUNG DRIVER EH." Pampalubag loob para 'di masira araw ko... Have a nice day!
pucha araw araw ko pinag dadaanan yan. daming ganyang tsuper. pag ayaw tumingin sinisigawan ko "manong alam ko naririnig nyo ko... suli ko pow!"
tas bungisngisan na lang yung mga pasahero.
wakekekekek.
ano ga ayaw mo sa halo-halo? intay ko sagot ko sa blog ko ha. link kita, meyn.
bute kayo e nakisiksik lang sa jeep, ako at ang isa kong kasamang babae as in sumabit sa jeep, nde lang ilang beses yun, pero madalas pinapababa kami ng driver at sinasabihan kaming "KABABAE NYONG TAO E!!!" tsk tsk tsk, nakikipaghabulan ka nsa sa jeep at ang hirap sumakay, magbabayad naman kami kahit nakasabit kami diba!!!
nakuuu napakarami kayang ganyan.. mga driver na madupang.. lalo na sa taxi. kaya nga ako madalas pag nagtaxi, eksakto talaga ang binibigay ko. pang asar lang..
every single cent counts.. ;))
hoy nice naman...di naman sa halaga nasusukat ang pagbibigay..nasa puso dapat kung magbibigay...
oo daming ganyan sa atin nagbibingibingihan na driver!
dito samin wala na atang nagsusukli pag 50cents nalang...maduduga...
first time ko pala dito, hehe :)
TNT ka bute! hindi ka makali sa blog mo. natatawa ako. kada balik ko akala ko nagkakamali ako sa link ng blog mo. kala ko maling blog hahaha
dapat sa ganyan driver!ingudngud sa manebela!ahahah jukks..
bago dito.heheh salamat sa pag bisita sa bahay ko...
add po kita sa blogroll ha?:)
@yanah: petiks mode eh. (--,)
i like this kwento, made me realized na next time hihingi na ng sukli. Kasi, there are times na ayaw ko mkpg-sigawan sa driver so I let it go, me materiality lang ako, pg-more than 5 pesos ipglalaban ko but below, gift ko na ke manong :)
Mabuhay ka. Maraming driver talaga mahilig magbingi-bingihan. Ang sarap tuloy barahin ng "hudas not pay." Haha.
hindi ako magko-comment dun sa manong drayber. marami na talagang ganyan.
natutuwa ako sa aral na mapupulot sa post mong ito. sino ba namang magaakala na sa mahal ng bilihin ngayon, may isang bata kang mapapasaya ng dahil sa singkwenta. :)
astig talaga! ayos sir!
ugali nga talaga ng ibang driver yan. siguro nasanay na sila sa ibang pasahero pero wag ka, masyado naman silang suwerte kung lahat ng pasahero gaganunin nila. hehehe
ayos din ang ordinary day na yan ha, naging super special dahil sa iyong pagbubulay-bulay.
haha! gusto ko ang kwento... hello, ka bute! :)
minsan gusto kung umepal tulad ng ginawa mo.. ang dami kung sukli na di binabalik.
Post a Comment