kung anu-ano lang

Saturday, May 7, 2011

1. karamihan sa mga pasaherong nakakasabay ko sa jeep, walang manners. hindi man lang makuhang mag-thank you ‘pag nagpapaabot ng bayad. wala siguro silang GMRC na subject nung elementary.

2. may mga pasahero din na ang samang makatingin. yung parang nanghuhubad. at sa maniwala kayo’t sa hindi, mga babae ang karamihan sa kanila.

3. mas mabilis makatulog ang mga lalake kesa sa mga babae sa jeep. ewan ko kung bakit. bakit nga ba?

4. meron akong nakasabay na lasing sa jeep nung isang araw. ampotah, sa sobrang kalasingan e humiga na sa upuan. ginawa pa ‘kong dantayan.

5. sabi ng kuya ko, ‘wag daw akong matakaw sa babae. baka dumating daw kasi ang panahon na magsawa ako sa babae at lalake naman ang hanapin ko. mas natawa ako sa salitang ginamit nya - matakaw. masyado kasing balahurang pakinggan.

6. nakakita ka na ba ng pasahero sa jeep na nangungalangot in public? meron talagang mga tao na abnormal at garapalan kung mag-withdraw ng kayaman sa kaibuturan ng kanilang mga ilong. tapos biglang ipapahid sa handrail. potah! konsiderasyon naman!

7. speaking of kulangot, naalala ko tuloy yung text joke dati…

anong sabi ng SIPON sa KULANGOT? “manigas ka dyan!”

e, ng UTOT sa TAE? “mauna na ‘ko sa ‘yo ha?”

e, ng TAE sa TAE? “tang-ina, walang TULAKAN. pila-pila lang!”

8. at napag-uusapan na lang din naman ang tae, anong kamay nga ba ang ginagamit na panghugas ng pwet ng mga kaliwete: kanan o kaliwa?

9. teka, bakit napunta sa ganitong usapan ang topic sa entry na ‘to?

10. hindi lahat ng entries kinakailangang may sense at kinapupulutan ng aral. nyahaha! LOLS..

9 comments:

iya_khin said...

kaliwete ako!!! kanan ang ginagamit ko!!! tseee! harhar!

YanaH said...

eh bakit ang likot mo?
hahahaha
san ka ba talaga pupuwesto?
pero infairness, sunod-sunod ang posts mo ngayon kumpara nuon..

happy that youre back! :D


**at walang name/url option ang comment section mo..amf oo na, ako na ang reklamador hihihi **

ka bute said...

@yanah: hahaha. o, ayan.. meron na. (--,)

J. Kulisap said...

Makulit. Napadpad din, hinila mo yata ako papunta dito eh.

May palagay ako, mas pagod kasi ang mga lalake kaya madaling makatulog.

Nangungulangot din ako in public, makati kasi.

ka bute said...

@j.kulisap: pagod saan? ahahaha. dumi ng utak. (--,)

hitokirihoshi_kawaii said...

ah gusto mo ba ng kwentuhang pupu? parang may series ako nyan. heheh

bakit mas mabilis ang na makatulog ang mga lalaki kaysa babae?

a. una hindi ako naniniwala dyan.
b. kung totoo man, malamang yung mga babaeng nakasabay mo nagpipigl pa kunwari. hehehe

Whang said...

pinipigil kong matulog sa jeep, ilang beses na kasi akong lumampas kakatulog ^^... takte!

doon po sa amin said...

hello, ka bute! gusto ko ang 1-6, ang galing ng observations. indi na ga'no nong sumegwey na sa topic 7 to 10, hehe.

kumusta? salamat sa pagdaan sa amin. :)