mrt part 2: itlog at iba pang kwento
Wednesday, June 3, 2009
lunes ng umaga, rush hour at tulad ng dati, hindi pa rin masingitang-karayom ang pagkakadikit-dikit ng mga tao sa loob ng tren. isa ulit ako sa mga pilit na nakikipagsiksikan sa mga pasaherong naghahabol din ng oras sa trabaho.
out of nowhere, nagsalita bigla si manong na parang construction worker na nasa harapan ko lang.
manong: brod, taas mo ng konti yung bag mo, ang init e.
ako: (dedmatology)
manong: 'brod, yung bag mo kako. mainit.
ako: (medyo nagulat) ako ho ba ang kausap nyo? (sabay silip sa clutch bag na hawak ko)
manong: oo. yung bag mo, mainit. ano bang laman nyan? mapipisa itlog ko sa 'yo e.
wattaf*ck! naalala ko ang pinabaong tanghalian ni mamita sa 'kin. dali-dali kong itinaas ang hawak kong bag at humingi ng paumanhin kay manong.
ako: naku, sorry ho. 'sensya na. (compose pa rin ako pero sa totoo lang, napahiya na ko ng konti.)
lalakeng katabi nung manong (parang construction worker din): baka naluto na yang itlog mo pare. ambaho na e.
manong: gago.
tawanan ang mga nakarinig na pasahero. at tuluyan na nga akong binalot ng kahihiyan na para bang gusto ko ng sumigaw ng "para, bababa na ko!!!"
tanghalian. kinakain ko na yung baon ko nang umepal si officemate, "ang sarap ng itlog!" na-imagine ko si manong at ang naluto n'yang betlog. nawalan ako ng gana. badtrip.
segue: interbyu
nang mag-apply ako sa meralco
interviewer: bakit gusto mong magtrabaho sa isang kumpanya na pinararatangan ng mga tao na sobra-sobra kung maningil ng kuryente?
ako: bakit, hindi ba?
interviewer: (tumulo ang sipon)
ako naman ang interviewer dito. ang iniinterview ko, isang 19-year old na babae na nag-aapply bilang production crew.
ako: good morning.
aplikante: gud morning din, sir. (uy, ang lambing)
ako: sinong nag-refer sa 'yo dito? (habang hinahanap sa bio-data ang pangalan ng nag-refer sa kanya)
aplikante: .... (ang tagal sumagot)
ako: ... (napansin ko na matagal sumagot yung aplikante. ni-rephrase ko yung tanong) may nag-refer ba sa 'yo dito?
aplikante: ... ano po yung repeyr?
ako: (nosebleed)
ako ulit ang nag-iinterview. ang interviewee, isang college graduate. (di ko lang maalala yung position na ina-applyan)
ako: good morning, sir. (tapos nagpakilala ako)
aplikante: good morning too, sir.
ako: so, how do you want me to call you?
aplikante: nandyan po yung cellphone number ko. (sabay turo sa hawak kong resume)
ako: (nawala ako ng konti sa huwisyo) no, sir. i mean paano nyo po gustong tawagin ko kayo?
aplikante: (ang bilis sumagot) ah, nandyan na din po yung landline ko.
ako: (tuluyan ng nawala sa tamang katinuan)
ako: tell me, anong katangian ang meron ka na wala sa ibang aplikante?
aplikante (ito din yung 19-year old na babae na nag-aapply as production crew): asset po ba?
ako: parang ganun na nga.
aplikante: hindi po ba obvious? (habang mas iniliyad pa ng maigi ang dibdib)
ako: (naglaway. ahahahaha)
21 comments:
syet! kawawa naman itlog ni manong! yan kasi! hakhak!
ang lupit ng mga sagot nila!
nakakanosebleed! ikaw mismo susuko sa mga interviewee! hahahaha!
dun ako natawa sa paglalaway!ahahahaha..
kumustahin namang ang mga batang ininterview mo hahahaha (bata talaga eh noh!) hehehehe
haha, bulok na yung itlog? chos!
Nakakatuwa lalo na yung "repeyr", pero dyan mo makikita ang kabuo-ang estado ng edukasyon sa pilipinas.
hahaha aliw ung interview chuva.. kaloka..may post din akong ganyan sa blog ko about applicants.. parang napapaisip tuloy ako..is this the youth of our future!?!? oh my..hahaha
anong nangyari dun sa huling applicant? pinasa mo no? KIDDING! hahaha!
kamusta naman yung itlog ni manong? haha! kakahiya nga... baka maisipan ko ring bumaba kung ako sa kalagayan mo.. haha!
had fun reading this. been awhile...
---
thanks, for dropping by :)
haha.. natawa koh sa usapang sa MRT... kaya naman labs koh tong blog moh kc nakakaaliw kah magkuwento... natawa ren akoh sa aplikante moh... about don sa ano po yung repeyr... lolz... teka akoh puwede bang mag-apply sa workplace moh... lolz... ingatz sir kabute... Godbless! -di
thanks for dropping by, guys! tag-ulan na naman. magsusulputan na naman ang mga kabute. so mushy. hak hak hak. (--,)
haha!!! laughtrip!! i really like ur blog add kita blogroll ko ha
hope u visit me and vote for my blog IAMSTAYINGALIVE here www.salaswildthoughts.blogspot.com tnx!
bwahahaha! ayos!
Wuehehehe...galing nito! Ayus! Tawa ako ng tawa grabe! NApano na yung 19 year old na girl? Pumasa ba?hahaha
Love visiting your blog always..=) Following your blog, are you ok with exchange links?=) Just let me know.=)
A Writers Den
The Brown Mestizo
cool.. hehehe..
bro pwede link exchange?
-enJAYneer-
JAYtography: An Online Travelogue and SEO Site
Pwede mag-painterview?
Ikaw: How would you like me to call you?
Nene: I like it better when you text me sir...
Ako: (miron lang) lolz =)
whahahahahaha talaga naman!!
natawa ako dun ng bonggang bongga!!
thanks nga pla sa pagbisita kabute!!
(^^,)
hahaha.. thanks pala sa pag add...
sa ganitong panahon, sa dami ng problema sa buhay...(nagdrama?hehe)
nawawala yung stress ko kapag nagbabasa ng blog entry mo!!
way to go!!
keep it up!!
idol tlga kita!!
(^^,)
hehe. ayos, kawawa ang parehas na itlog. :D
namiss namen mga entries moh... hope 'ur doing aight... advance greeting lang.. have a merry christmas and a blessed new year! Godbless! -di
i so like you...lamu un...
ang simple!
ang saya!
salamat.
-tamad na blogger.en-ey*
keep blogging come on! Ü
grabe. hindi ako makapaniwala dun sa mga taong nainterview mo..siguro naman hindi mo yun pinasa ano? pero pwede na siguro yung may "asset". haha! nice one!
hehehehe..
anhaba ng tawa ko sa post na ito..
hihi..nageenjoy ako basahin blog mo..
^_^
Post a Comment