buhay aplikante

Thursday, July 31, 2008

presenting... mga samu't-saring kakornihan na karaniwang pinagdadaanan ng isang pinoy job-hunter bago maging ganap na empleyado dito sa pinas. (drumroll please.. tentenenen...)

1. gumising ng maaga para makarating ng tama sa oras sa interview (take note, naka-schedule ka ng 8:00 am) pero nang dumating ka, pinaghintay ka muna ng dalawa at kalahating oras bago interbyuhin.

2. magsuot ng formal/business attire kahit na tirik na tirik ang araw. kaya naman pagdating mo sa interview, para kang basang sisiw na binuhusan ng isang baldeng malagkit na pawis. (eeww!)

3. makipagsiksikan sa mrt at makipag-agawan ng kopya ng Libre. (not to mention ang sobrang habang pila bago makaakyat sa station at makakuha ng ticket).

4. sumakay sa ordinary bus ng naka-business attire (with matching necktie pa) habang may dalang folder/envelope. (yung tipong mukha kang ahente ng lupa na 'di naka-quota)

5. at naipit ka pa sa traffic.

6. bumili ng broadsheet tuwing linggo. idagdag na din ang pagbebenta nito kada dalawang buwan sa mga dumadaang magbobote. (at nakipagtalo ka pa kung dadangkalin o kikiluhin yung ibinebenta mong dyaryo)

7. magpa-print ng sampung kopya ng iyong resume.

8. mag-sign up sa jobstreet at jobsdb, at magcheck ng email araw-araw.

9. mag-nobena gabi-gabi at magmakaawa sa Panginoon na sana bigyan ka na ng trabaho.

10. bumili ng librong may temang "How to Pass an Interview?" at ang mga nakasulat dito ang isinasagot mo kapag ini-interview ka.

11. bumili ng city map ng kalakhang maynila na s'ya mong babaunin kapag aalis ka para hindi ka maligaw.

12. dumiretso sa mall pagkatapos ng exams at interview (wala lang, magpapahangin lang), at feeling mo tanggap ka na. pero makalipas ang dalawang linggo, disappointed ka pa rin kasi di pa rin tumatawag yung inapplyan mo.

13. maghanap ng mga agimat at anting-anting sa quiapo na pampaswerte daw sa trabaho.

14. magtirik ng samu't-saring kulay ng kandila sa simbahan at maglakad ng nakaluhod patungo sa pulpito.

15. makipag-plastikan sa mga interviewer (kasama na dito ang pagngiti, pagbati, pagsasabi ng mam at sir, etc. kahit mukha namang alpombra yung kausap mo)

16. maging hambog at mahangin tuwing interview (in short, natututo kang magsinungaling).

17. nagpapanting ang tenga mo sa linyang, "okay, we will evaluate your credentials and give you feedback after a week." at katulad sa #12, dalawang linggo na ang lumilipas wala pa ring tawag para sa 'yo. (naman, asa ka pa)

18. mangarir ng mga essays sa exams.

19. sumakay ng taxi sa makati o ortigas (at nalaman mo na pwede naman palang lakarin yung kumpanyang pupuntahan mo).

20. maparinggan ng mga magulang mo dahil hingi ka na lang ng hingi ng baon sa kanila tuwing may interview ka. at tulad ng dati, uuwi ka na naman sa bahay na wala pa ding trabaho.

mahirap maging aplikante dito sa pinas. kaya kung may trabaho ka na, mas maswerte ka ng di hamak sa mahigit dalawang milyong pilipinong hindi nakakatanggap ng payslip tuwing kinsenas. kaya ipagmalaki at isigaw mo kaibigan, "may trabaho na ako! wohooo!"
[para sa mga aplikante at mga magpagpanggap sa trabaho]

original sin

Monday, July 28, 2008

she undid her top and flung her arms around me. she was sweating and the temptation was pouring over me. at aminin ko man o hindi, masarap.
sa isang resort sa laguna. pagitan ng ala-dos at alas-tres ng madaling araw habang ang lahat ay bagsak na sa kani-kanilang mga higaan matapos ang isang nakalalasing na victory party.

hindi ko namalayan na dalawa na lang pala kaming naiwan sa cottage.

"lakas mo palang uminom. yung mga kasama natin knockout na, ikaw nakatayo pa din." sabi ko sa kanya.

"hindi ah. konti pa lang naiinom ko 'no?"

kahit dilaw ang kulay ng bumbilya sa cottage, kapansin-pansin pa rin ang pamumula ng mukha nya. karamihan sa mga babaeng kakilala ko ganito din ang nagiging hitsura kapag nasasapian ng espiritu ng alak.

"patilaok na ang manok. last round?" inabot ko sa kanya ang isang bote ng beer.

"last round na kaagad? ang hina mo naman."

ngumiti lang ako sabay tungga sa boteng hawak ko.

"do you want to do it?" tanong nya sa 'kin.

"alin?"

masyadong mabilis ang mga naging pangyayari. isang kisapmata lang at naramdaman ko na na magkadikit na ang mga labi naming dalawa. she was kissing me fervently (i think this is more appropriate than say "she was kissing me aggressively.") and i was answering back with my own version of aggression.

ilang minuto din ang lumipas bago bumalik ang tamang katinuan sa 'kin. she was already undoing my buttons when i held her up.

"i'm sorry."

"what?" halatang may halong pagkainis sa boses nya.

"we can't do this."

"why not? don't you like me?"

"you're drunk. we are."

"i told you i'm not. don't be ridiculous. i know you want it too. you're not taken naman, di ba?"

"i am not. but you are."

"so?" nakakunot na ang noo nya na parang sinasabi na napaka-istupido ko.

"so?" ulit ko.

"so what?"

"rob will not forgive us if we let this happen." pinilit kong magpaka-natural sa sagot ko. para akong bata.

she smiled sarcastically. "don't tell me takot ka sa kanya?"

hindi ako sumagot kaagad. inubos ko muna ang natitirang laman ng boteng ipinatong ko sa lamesa. nag-iisip. pilit na humahagilap ng mga salitang pwede kong sabihin.

katahimikan. mahaba. nagsindi sya ng sigarilyo.

"i have several friends too na nagiging wild kapag nakakainom. yung tipong nawawala sa sariling katinuan. parang tayo. funny, isn't it?" natatawa kong sabi sa kanya.

"i'm not drunk, okay? if you don't want to do it, fine. but stop acting like an angel. hindi bagay."

"i know. but at least i'm not acting like a devil."

"so you're telling me na i am the devil here?"

"siguro."

"fuck you."

"thanks."

"how dare you?"

nang ilipat ko ang tingin ko sa kanya i was stunned like a sandbag. pati ang mga langgam na nakikikain ng chicharon sa lamesa, parang tinamaan lahat ng stunning spell ni harry potter.

she undid her top and flung her arms around me. i felt my body trembled.

"now, tell me you don't want me," isang mapang-akit na bulong ang narinig ko mula sa kanya.

damn, she was flawless. her body was soft and smooth. kahit na amoy alak, hindi pa rin nawawala ang bango ng katawan nya.

she was sweating and i felt her tounge licking my neck. it was wet and the temptation was pouring over me. at aminin ko man o hindi, masarap. parang narinig ko ang isang libo't isang demonyo na bumubulong, "wala namang makakaalam nyan kung saka-sakali. saglit lang yan."

tama, saglit lang 'to. pero may isang taong sumagi sa isip ko. isang kababata na itinuturing akong parang isang kapatid.

"i didn't know you're a whore. and i guess your boyfriend doesn't know that too."

walang busina, walang preno. the words came out of my mouth abruptly na para bang hindi sa 'kin nanggaling. she gave me a dagger-like look at natikman ko ang isang mala-incredible hulk na sampal mula sa palad nya na kani-kanina lang ay malisyosong naglalaro sa dibdib ko.

"your boyfriend treats me like a brother. alam mo yun. if you don't want to give yourself some respect, fine. but at least give him some."

tumigil ang mga kulisap sa paligid sa paghuni. parang nakiki-usyoso kung anong mangyayari. nabitin.

"alright. i didn't know you're a god. sayang. you are a good kisser pa naman." kumalas na sya ng tuluyan at naglakad palayo bitbit ang damit nya.

naiwan akong mag-isa sa cottage. kinuha ko ang bote ng beer na dapat sana ay sa kanya. lumipad sa malayo ang utak ko. nag-isip...

si rob, hindi nya na dapat malaman ang mga nangyari. kahit na parang magkapatid pa ang turingan namin sa isa't-isa. nothing had happened in the first place. he loves that girl so much and they're getting married next year.

i felt my stomach jerked... out of intoxication or perhaps out of guilt.

sorry miss, pumapatol ako sa babae

Thursday, July 24, 2008

ito ang unang post ko kaya susubukan kong magpakabait kahit konti.

lunes ng umaga, rush hour, sa loob ng animo'y lata ng sardinas na MRT...

nakatayo ako malapit sa pintuan habang pilit na inaabot ng dulo ng aking daliri ang handrail ng tren. isang istasyon na lang at bababa na ako nang biglang nagsalita ang isang babaeng nasa may harapan ko.

babae: excuse me! kanino bang kamay yang nasa likuran ko? kanina pa yan ha. nakakabastos na.

nagtinginan ang lahat ng pasahero sa babaeng nagsalita. pagkatapos ay ibinaling naman nila ang tingin sa 'kin.

pasaherong lalake: o, walang hipuan.

tawanan ang lahat. pati ako.

babae: pucha, mga lalake talaga ngayon ang lilibog. kahit saan na lang... (tapos tingin ng tingin sa 'kin)

ako: (hindi na 'ko nakatiis) e bakit ka tingin ng tingin sa 'kin? feeling mo hihipuan kita? kapal mo naman.

babae: e di ba kamay mo yun? pucha ka. manyak! (halatang nainis)

ako: excuse me? ikaw hihipuan ko? ano ka sinuswerte?

babae: gago!

ako: gaga, sister. pwet mo hahawakan ko? meron din ako nyan. dun ka kaya sa may harapan, nakita mong puro lalake dito e. feeling mo ang ganda-ganda mo. ang itim naman ng batok mo. 'wag ka ng magsalita. hihirit ka pa eh. (in voice tone of a gay)

tawanan ang mga kasama naming pasahero.

ako: "sorry miss, pumapatol ako sa babae. assuming ka kasi e."

ilang saglit pa at tumigil na ang tren sa istasyong bababaan ko. nakangisi pa rin ang mga pasahero habang sinusundan ako ng tingin palabas ng jam-packed na bagon.