bwiset

Monday, November 17, 2008

hindi pa nakakalusot ang inimbento kong dokumento sa bwakananginang yearly budget presentation kaya bago ko ituloy ang kwentong medyo nabitin, may isi-share muna akong nakaka-bwiset na experience sa bus.

scenario 1: papasok

medyo tinanghali ako ng gising kahapon kaya inabot ako ng rush hour sa kalsada papasok ng opisina. medyo ma-traffic dahil ginagawa yung extension ng mrt to monumento. ok lang sana dahil air-con naman yung bus. ang kaso lang yung gag*ng lalakeng pasaherong nakaupo sa may unahan ko e hanep maka-recline ng upuan. eh pucha, naiipit na yung paa ko.

hindi na ko nakatiis. kinalabit ko yung lalake, "excuse brod, pakiayos yung upuan mo. naiipit yung tuhod ko eh."

dedma. hindi ata ako narinig.

kinalabit ko ulit. "brod, yung upuan mo pakiayos. ok lang? masakit sa tuhod eh."

lumingon yung timawang pasahero, "di na 'to nababalik eh." sabay balik ng earphone sa tenga niyang malibag.

ay putang-inang nilalang sa mundong ibabaw, biglang umabot sa boiling point ang dugo kong medyo nagsisimula nang mainip sa traffic.

tumayo ako sa upuan at tumapat dun sa gag*ng pasahero.

"pare, yung upuan mo kanina matino yan. ikaw lang ang hinde. naiipit na yung tuhod ko, pwedeng paki-ayos? oa kang maka-recline eh. feeling mo eroplano 'to."

poof!

isa-isang naglitawan ang ulo ng mga usyosero. nagulantang ata. si gag*ng pasahero wala nang nagawa kundi ayusin yung upuan nya.

nag-thank you naman ako bago ako bumalik sa pwesto ko.

yung ibang pasahero pa-simpleng tinanggal din ang pagkaka-recline ng kinauupuan nila. natakot ata.

scenario 2: pauwi

kahapon pa rin nang pauwi na ko galing office, may mga sumakay na pasahero paghinto ng sinasakyan kong bus sa may cubao. yung isa, sa may tabi ko umupo, babae.

pagkaupong-pagkaupo ni ate, naamoy ko kaagad ang kanyang nakapaninindig balahibo at nakangangatal ng lamang halimuyak. alam mo yung tawag sa likidong nasa loob ng tenga? yung parang alaska condensada na sabi ng nanay mo e makukuha mo pag di ka naglinis ng tenga after mong maligo? ganun na ganun yung amoy ni ate. naman...

anak ng lugang masarap ipalaman sa tinapay. buti na lang ordinary bus yung sinasakyan namin. kung nagkataon na air-con yun, malamang na-comatose na 'ko. gusto ko sanang hiritan si ate at itanong kung ano ang pabango nya, kaso naisip ko sayang lang ang laway ko dahil hindi naman sya babango kahit anong pang-aalipusta pa ang gawin ko. at isa pa, nakikiamoy lang ako kaya wala akong karapatang magreklamo.

ayokong tumayo sa bus kaya tiniis ko na lang yung isang oras at kalahating byahe na magkatabi kami. badtrip.

pagdating ko sa bahay, para akong naka-rugby. in short, lutang. kaninang lunch, kinuwento ko sa mga ka-officemate ko yung pamatay na scent ni ate. pagkatapos ng kwento, halos isumpa ako ng mga kasama ko dito. sabi ko parang sony yung amoy ni ate, "like no other."

34 comments:

Kosa said...

hahahaha.. nakakatuwa nman yung mga nangyayari sa bawat byahe mo... lols ako din patuloy na bumubyahe pero hindi ko pinapansin yung mga amoy na yan...lol baka mapaaway pa ko sa mga taong inaatok o di kaya sa mga taong amoy kalawang sa tenga

Dhianz said...

oist! nakakatuwa naman ang kuwento moh... natawa akoh pramis...hehe... okz kah magkuwento... sabi moh nde kah manunulat... but hey ur a great storyteller... natawa akoh mas sa scene number one... hehe... salamat sa pagdaan koh sa page koh... since nakakatuwa tong page moh eh babalik balikan den kitah... ingatz kah! =)

GODBLESS! -di

Jules said...

malagay ka nga sa blog ko! hmpt! hehehe

Dhianz said...

since 'la kang cbox eh dito na lang akoh hihirit... graveh natuwa akoh nang sobrah sa mga posts moh... nde man karamihan ang post moh here pero lahat naman eh nakakatuwa at worth reading... binasa koh lahat graveh... ayos!... galing moh magkuwento... 'la akong masabi... 'un lang... hehe... ngaun puwede na akong umalis sa page moh... hehe... hanggang sa muli.... GODBLESS! -di

ka bute said...

nagka-phobia ako sa mga IM widgets. hek hek. daming kase spammers eh. (--.)

Bloom said...

hahahahaha! natatakot na talaga ako sayo ka bute. ang tapang mo eh! hahaahahah! hulaan ko yung bus mo. :) DELAROSA TRANSIT ba ito? at pwedeng marecline? hahahaha.

masanay ka na jan kay dhianz. ganyan talaga mag-comment yan! dala dalawa, at hindi isang sentence lang! nyahahhaha.. hug hug dhianz. :)

~~m$. DoNNA~~ said...

daan lang bago mag shut down..
paying the visit.. :)

Dhianz said...

ngaun alam koh na san kah nagtatago ha bloomz... hehe... huli kah! lol... in fairness ka bute.. nde nagbabasa yan c bloom nang mga post... sau lang atah... abah! special kah... =)

Dear Hiraya said...

hahaha buti naman at hindi nanlaban yung lalaking sinaway mo hahaha. pag nagkataon, gyera yan hahaha..

yung sa babae naman, kadirdir naman yun.. hahaha kababaeng tao pa man din.. tsk tsk..


http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Anonymous said...

word for the day ko ang bwiset. haha.

lucas said...

gross! hahaha! actually nana yung lumalabas dun sa tenga niya kaya ganun ang kulay..meron xang ear infection at dahil sa sobrang dami na ng nana, lumalabas na xa sa eardrum palabas...

dapat sinabi mo:

meron po ba kayong pandesal??? hahaha!

chezza said...

Nawala ung pagiging assertive mo pagdating kay ate ah! Hindi kinaya ng powers mo? or na-hypnotize ka lang sa amoy? he,he,he....

paperdoll said...

ang sarap ipalam nga sa tinapay. . ang ganda ng araw mo ah. . dapat hiniram mo ung earphone nung lalake nung umaga tapos pinahiram mo dun sa babae para maipon sa loob ng tenga nya ung amoy. . lol. .

Love said...

whoaw!!!

Isa ka talagang malupet na Kabute!!
akala ko ung kasunod na scene ay may black-eye ka na.. haha joke.. Brave!!

Nagtataka ako kung gaano kalupet ung tenga ng katabi mo.. hahahaha.. kelangan talaga dapat may ganun!!

Dudong said...

kaya masarap din mag commute eh...nabasa ko nga sa peyups kung panu ineenjoy ng writer ung pag cocomute....may mga experience na kakaiba, at hindi mo to makikita pag may sarili kang sasakyan....mabuhay ang mga commuters!!!

Chyng said...

eewwish naman ang girl.

Haha, ang warfreak mo! Isa kang Garbage Truck! (--,)

Abou said...

asan ang karugtong ng itutuloy ha ha ha

ka bute said...

hak hak hak.. galing ni bloom, pwede ng detective. mala-L Lawliet ang dating. (--,)

parang may pagka-bolera din 'tong si dhianz. ahahaha.. XD

ka bute said...

tanong lang. nana ba ung luga? hak.. tsalap mag-merienda. toinks. ;)

canky.is.me said...

hahahaha grabe parang gusto kong i-wish na sana hindi kita makasabay kahit saan. if ever, sana umaga yung maayos pa ko at walang possibleng maipintas hahahaha nakakatakot ka! pero ok yang pagiging matapang mo, nakakaimbey naman talaga yung makakasabay natin minsan eh.

Axel said...

kakatakot ka pala magalit... hehehe... Anu ba yung bus na sinasakyan mo bakit pwedeng idecline siya?? Provincial bus ba yun???

Natawa ako dun sa Smells Like No Other... lolz...

Anonymous said...

hahaha! nakakatawa naman adventure mo. kwelang kwela mga posts mo...aliw na aliw ako. add kita sa blogroll ko ha! thanks sa pagdaan sa aking munting bahay. ^_^

Rio said...

kakatakot ka nga magalit pero tama lang yung ginawa mo dun sa lalaki..nakiusap ka naman nung una e..daming ganyang klaseng commuters..yung napaka inconsiderate kala mo sa kanila yung buong bus..

Bloom said...

tama ba ako ka bute? hahahahaha! ang galing ko talaga! wahahaahha.. nyaller! sumasakay rin ako don. kaya lang hanggang paramount lang o kaya munoz. hahahaha!

gaga ka talaga dhianz. iniisip na tuloy ni ka bute na blog lang nya binabasa ko. hmpft.

ka bute said...

hak hak hak.. di naman. XD nag-plug pa tayo ng bus line dito. bigyan kaya nila tayo ng discount? ahahahaha. (--,)

-mOlit- said...

waahhh... kawawa ka naman.. parang ang malas naman niyan.. di ko ma take ang amoy ni ate...waaahhhhh...yummy ata yun..ew!

krykie said...

ahaha Lupet mo dude :D

ever!!

ang astig ng entry na 'to

haha

nakakatawa kasi.

nakuh! :D

MysLykeMeeh said...

Hahaha--nakakatawa ka naman mag kuento! Talaga ano? Mabaho ba talaga--ipalaman pa ba naman sa tinapay..aye naku---

Anyway, blog roll kita ha? Nakakatuwa pag may narinig akong experience na galing sa sarili kong bansa!

Take care!

Nyl said...

nakakaranas din akong parehong eksena --the two scenes you shared. tungkol naman sa second scene,mas nahihilo ako sa amoy ng kilikili ng katabi kesa sa naamoy mo ke ate.hehe!kaya lang ala kang choice kundi tiisin para makarating sa destinasyon. eh, commuters lang tayo eh, kaya sinanay kona self ko na wag na magreklamo. ika nga, "patience is a virtue".

abe mulong caracas said...

isang malakas at malutong na tawa hahaha...

wish ko lang sana mangyari ulit sa iyo ang karanasang ito....joke!

peace!

Dhianz said...

nde koh alam kung mahilig kah sa award... pero binigyan kitah sa page koh... i juz wanna let yah know... kaw na bahala kung anong feel mong gawin don...hehe.. sige... babalik na lang uletz later d2 sa page moh... ingatz nd GODBLESS! -di

nahj12 said...

lolz.. nice one.. cool lang dapat.. pero suits the guy right.. parepareho kayong nagbabayad. .feeling nya. .solo nya ang public na sasaskyan..

Anonymous said...

hahaha. nakakatawa naman 'to =)

Anonymous said...

ahay!
bwisit nga!
sarap sapakin!

so kaw po pala yung mamang yun!
wapak!

katakot!