ang taga-silbing gumigiling

Thursday, February 12, 2009

pa-simple ko syang pinagmasdan habang inaayos ang tape recorder. makinis, tsinita, balingkinitan ang katawan, at may katangkaran para sa isang babae. ni walang bakas ng pag-aalinlangan o kaba sa mukha niya.

"tumatakbo ang metro ko. magtititigan lang ba tayo dito?"

tumango ako at nagsimula na nga ang kwento.

wala akong kinagisnang magulang. namatay daw si inay sa panganganak sa akin. hindi ko din kilala ang tatay ko. iniwan nya kami nung magda-dalwang buwan pa lang ako sa sinapupunan ng aking ina.

lumaki ako sa ampunan matapos akong isilang, pero tumakas din ako nung ako'y anim na taong gulang na. nagpalaboy-laboy sa kalye hanggang sa makilala ko si manong, ang matandang may-ari ng isang malaking tindahan ng tinapay sa recto.

sa edad na pito, nagbenta ako ng dyaryo, yosi, at kendi sa avenida. dahil sa isang programa ng gobyerno para sa mga katulad kong palaboy, nakapag-aral ako ng elementarya sa isang pampublikong paaralan. nag-aaral sa umaga, nagtratrabaho sa hapon at gabi.

nakatapos ako sa tulong din ni manong. binibigyan nya 'ko ng pera kapalit ng serbisyong ibinibigay ko sa kanya sa kanyang tindahan, ang pera na siyang ginamit ko para makapag-patuloy ng pag-aaral.

disa-sais anyos ako noon at gagradweyt na sa hayskul nang maaksidente si manong. nasagasaan sya ng isang kotse na pag-aari daw ng isang pamilyang intsik. namatay si manong makaraan ang ilang araw na pagka-coma sa ospital.

ang kamatayan ng nag-iisang taong tumutulong sa akin ay naging kahulugan din ng kamatayan ng aking pangarap na makapagtapos. nahinto ako sa pag-aaral at nawalan ng trabaho nang ibenta ng mga anak ni manong ang tindahan. bumalik ako sa pagiging palaboy.

hindi ko alam kung ang pangyayaring ito ba'y hulog ng langit o isang kamalasan.

hindi ako nakapagtapos ng hayskul at naging isang taga-silbi ng pagkain sa isang club sa ermita. ito ang naging trabaho ko sa loob ng isang buwan sa club na iyon. dito ko nakilala si cindy, ang babaeng puta. halos pareho kami ng talambuhay - walang magulang, sa lansangan ginasta ang pagkabata, at ginamit ng mga taong hayok sa laman kapalit ang kapirasong tulong para sa ikatutupad ng aming pangarap – mga taong katulad ni manong.

nang makilala ko si cindy, alam ko na hindi lamang sa talambuhay kami magkakapareho.

bente anyos na ako ngayon at nagtratrabaho pa din sa club sa ermita, ngunit hindi na bilang isang taga-silbi ng pagkain kundi bilang taga-silbi ng panandaliang aliw, taga-silbi ng buhay na laman.

ni hindi ko na mabilang kung ilang lalaki na ang napagsilbihan ko. pareho na nga kami ni cindy, isa na rin akong puta. isang puta na nabubuhay sa ilaw ng mga bumbilya sa club. isang puta na nakalimutan na kung paano mangarap.

ako si nena, mas kilala bilang ang taga-silbing gumigiling.

17 comments:

lucas said...

wow... ang ganda istorya niya. pwedeng gawing pelikula o sa maaalala mo kaya. kilala mo xa personally?

Kape Kanlaon\ said...

hmmm... ang ganda ng pagkasulat ng storya... saang bar mo ba xa nakilala dude? hehehe at nag emote pa talaga xa sa iyo? i had that experience too before nung college pa lang ako.. i went to a sexy bar one time together with some male friends and syempre nag table kami..usual kasi yan eh..pag ang chick hindi hyper type, yung pinapaorder ka from time to time, eh xa naman yung emo type..(hahaha emo type talaga) style nila yun para maawa ka, mabigyan sila ng tip, at iba pa.... galing noh?

anyway kung totoo man ang storya ni nena, i feel sorry for her...

Chyng said...

at ano ang connect niya sayo?

meron talagang mga tao na pinanganak na uber challenging ang buhay! but in everything give thanks!

Nyl said...

very nice. ang galing ng pagkakasulat mo kabute. writer ka ba?hehe!galing kasi. naniniwala akong maraming tulad ni nena sa paligid natin.

sa aking tantya, you're making an interview or reasearch sa club?naghula daw ako?!:)

nice entry.

Roland said...

honga, ano ang connection nyo sa isat isa... how it happen na inilahad nya ang istorya nya sa yo? ...naging customer ka rin ba nya?

nakakalungkot... maraming katulad nya ang patuloy na lumalaban para mabuhay.

salamat sa muling pagbisita mo sa blog ko.

MysLykeMeeh said...

Nakzzku naman---! nakaka --ano ? naman ng buhay niya---yung bang para bang roller coaster---! Totoo ba yan? o inimbento mo lang sa isip mo???

Para bang Magdalena na kanta ano?

Jules said...

Wow fren,
Galing nman nun!!!
A very reality story uh?!
Galing..=D

jexamine said...

sad, sad reality. meron akong kakilala na napakatinding pagsubok na din ang dinaanan at dinadaanan pero laking pasasalamat ko lang dahil concrete and kanyang moral values! she knows what is right and wrong even in difficult circumstances...

teka kakilala mo ba si nena?! wahahahh

ka bute said...

saleslady si nena sa umaga sa isang tindahan ng alahas sa avenida.

Randy Santiago said...

Sana, lumaban ka, Nena! Ang pagkakataong namatay ang nag-iisang tumutulong sa iyo ay hindi katapusan ng mundo. Ito ay isang simula lamang. Kung marunong ka lamang sanang magpumiglas sa mga pagsubok, sa mga litanya ng iyong karanasan at sa balintunang kapaligiran....sana, maaabot mo ang iyong mga pangarap!

----- magaling ng pagsasalaysay, ka bute!

Pinoy Blog ni Mike Avenue

yAnaH said...

balang aaraw, makakabangon at makakabawi din si nena...

~~m$. DoNNA~~ said...

magandang gabi
napadaan lang
inaantok na

happy weekend!

Unknown said...

Weee,...
Ka2bilib nman yun?!
22o ba yun?!

chezza said...

maalaala ba to? :)
Nena, bilog ang bola...if u know what I mean.

jho said...

ganun siguro talaga ang buhay ng iba sa atin. pero hindi naman dapat gawin hadlang ang kahirapan para sa mga pangarap natin.

salamat sa pagdaan sa blog ko. will link you up.

atticus said...

ka bute, research ba talaga ang pakay mo sa club? hehehe.

joke lang. nice story. where's the ending? bitin. tapusin mo na.